Chapter1 - First Day

3850 Words
Amara’s POV “Bilisan mo na nga diyan ang kilos mo at mahuhuli ka na sa unang klase mo!” Sigaw ni mama habang nag mamadali ako sa pag sapatos. “Alagaan mo iyang uniporme mo dahil hindi na tayo makakabili pa ng panibago niyan, halos ibenta ko ang bahay natin mabili lang iyan,” Paalala ni mama nang dumaan ako sa likod niya para kuhain ang aking bag bago manalamin. Tinitigan ko muna ang mamahalin na bagong plantsa na uniporme sa aking katawan. Hindi tulad sa uniporme ko noong high school palang ako, itong uniporme na ito ay makapal at talagang masasabi mong mahal. Medyo hindi nga lang ako masyadong komportable, masyado kasing maikli ang palda habang ang pantaas naman ay parang onting unat lang ay makikita na ang tiyan ko. “Kung gusto mo ng bagong sapatos, mag trabaho ka- wag kang ngumuso diyan sa salamin,” Naiiritang sabi ni mama, tumango nalang ako at hindi nalang sumagot pa. “Alis na ako ma,” Paalam ko at nag lakad agad palabas ng bahay. Hindi katulad sa paaralan ko noon na di lakad lang, ngayon ay medyo malayo- hindi ko naman magamit ang bike ko dahil sa palda ko kaya kahit kulang na nga ang baon kong pera kailangan kong mamasahe dahil kung hindi ay ma la-late ako. “Amara!” Tawag sakin ng pamilyar na boses ng babae. “Ivee! Papasok kana din?” Tanong ko at pinag masdan ang kanyang uniform. Iba kami ng papasukan na school kaya hindi mawala saakin ang kaba dahil ngayon kolang hindi magiging kaklase si Ivee. “Oo, ikaw? Nako, mas maaga ang klase mo ah? Bakit nandito kapa din?” Tanong niya ng makalapit siya sakin at sinabayan akong mag lakad papunta sa sakayan. “Hindi kasi agad ako nagising,” Sagot ko at napaisip nanaman sa napaginipan ko. “Haynako, kung sa school mo lang ako papasok baka hindi pa tumitilaok ang manok- gumising na ako. Grabe no? Nakakuha ka ng scholarship sa pinaka mamahaling school sa buong mundo!” Excited niyang sabi, ngumiti lang ako at tumigil na sa pag lalakad ng makahanap na ako ng masasakyan. “Sige Ivee, mauna na ako ha? Good luck sa unang araw mo,” ngiting sabi ko, tumango naman siya at nag paalam na din. Late na ako nang makapasok ako sa una kong klase. Pero buti nalang ay wala ang mag tuturo saamin at may urgent meeting daw ang mga teacher- gayunpaman, kailangan parin naming manitili sa kanya kanyang silid at antayin nalang na matapos ang isa’t kalahating oras ng klase namin. Pagkatapos kong tanungin ang isang arogante kong kaklase, agad na nag hanap ako ng mauupuan. Ang tanging natitiira nalang na table ay tatlong table sa gawing kanan banda sa pintuan at bintana ng classroom at isang table sa harapan ng upuan nito. “Ahh miss,” napatigil naman ako ng may humawak saaking lalaki nang uupo na sana ako sa isa sa mga upuan sa isang bakanteng table sa pinaka likod. “Bakit?” tanong ko. “Bawal ka umupo diyan, naka reserba na iyan,” wika nito. Tumango nalang ako at tiningnan ang badge sakanyang uniporme- isa siyang Dives. Imbes na ipag pilitan pa na umupo doon, umupo nalang ako sa harapan ng pinaka likod na table. Wala pa akong katabi dito. Pagkaupo ko ay agad kong nilapag ang bag ko sa table at doon natulog. *BLAG* Napabangon ako bigla nang may kumalampag sa table na inuupuan ko. Linibot ko ang aking paningin sa mga studyante na nakatingin sa bandang gawi ko. Ano ba ang nangyayari? “Hey!” sandaling napatigil ang pag t***k ng puso ko nang may narinig akong boses lalaki sa gilid ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon at halos hindi ako makahinga nang makita ko kung sino iyon at mga kasama niya. “Uhh… Sorry.” tangi kong nasabi at mabilis na tumayo at yumuko. Sakanila ba itong table? Ano bayan Amara, unang klase palang at nag kaka problema kana! “What are you doing?” napalunok ako sa lamig ng boses niya. Dahan-dahan ko namang inangat ang aking ulo at tiningnan siya ng puno ng takot sa mata. “Sorry if umupo ako sa upuan niyo, pasensya na.” pang hihingi ko ng tawad uli. Umiling iling siya na nag cause ng singhapan ng mga nakapaligid saamin. “So you don’t remember?” tanong niya, napakunot naman ang aking ulo sa tanong niya. Ano ang ibig sabihin non? Ano ang hindi ko maalala? “I’m just walking passed by you when you suddenly kicked my leg.” walang tono nitong sabi. Napalaki naman ang mata ko at walang sabing yumuko ng paulit ulit. “Pasensya na po, nananaginip kasi ako at siguro nag react ako nang di inaasahan- pasensya na talaga,” mahina kong wika habang hindi parin pinipigilan ang pag yuko. “Ano ba ang napaginipan mo?” biglang tanong niya, napalaki ang mata ko sa tanong niya. Bakit niya kailangan malaman? “Uhh- na ano- na nalulunod ako. Hindi ko lubos na matandaan pero may nakikita akong isang lalaki na nakatayo sa tubig,” mahina kong sambit at hiyang hiya sa pinag sasabi ko. “Upo,” utas niya. “Huh?” takang tanong ko at napatingin sa kuminang na black badge sakanyang uniform. “Umupo kana.” ulit niya. Hindi nalang ako nag reklamo o nag salita pa at umupo nalang. Hihinga na sana ako ng malalim dahil akala ko ay gagaan nanaman ang atomospira nang biglang umupo din siya sa tabi ko. Mas lalong umugong ang bulung-bulungan nila. “Ma---“ mag sasalita pa sana ang isa sa kasama niya nang mag salita din siya. “I said just call me Dearil.” utas nito at pinag krus ang kanyang braso bago pumikit. Ano ang gagawin ko? Bawal ba ako gumalaw? Baka pag nasanggi kolang siya nang onti ay magalit siya. Pwede bang kumurap? Pwede bang huminga? Pag katapos ng 40 minutes siguro na parang estatwa akong naka upo ng maayos habang ang katabi ko ay natutulog. Dumating din ang next teacher namin na agad nag pakilala. “Good morning, I’m Anastasia Kristyp or you can just call me Ms. Kristyp. So for today, we are going to have our first graded activity,” nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa kanyang badge sa uniform niya. Isa siyang Venefica. Nag simulang mag bulung-bulungan ang mga kaklase ko. Ang iba ay nag rereklamo ang iba naman ay excited na samantalang ang aura dito sa pwesto naming ay parang walang nararamdaman. “What is our activity then?” tanong ng babaeng nasa harapan, na kanina pa masama ang tingin sakin. Kahit hindi mo na tingnan ang kanyang Dives na badge, mahahalata na mayaman siya dahil sa kilos at sa mga gamit niya. “You will introduce here in the front and after that you will need to wound yourself and put your blood into this pot,” wika niya. Nakaka excite ang part na susugatan ang sarili, pero ang mag pakilala? Nakakakaba naman yon! “Ok so first we will start from the first rank up to fifth rank.” Oo nga pala, walang sixth rank sa school nato, samantalang ang rank ko na pang lima which is Indoles ay bibihira lang din. Dalawa nga lang ang Indoles sa klase na ito, ako at ang isang lalaki na nasa harapan nakaupo. “So can we have our one and only first-class here?” nakangiting sabi ni maam. Tamad na tumayo naman ang katabi ko. Samantalang lahat ng kaklase ko kabilang na ako ay pinag masdan siyang mag lakad habang tahimik at halos hindi humihinga. “I’m Dearil Kritanto Azazel,” simple niyang sabi at kinuha ang kutsilyo na nakasuksok sakanya at sinugatan ang sarili at pinatak sa pot na tinutukoy ni maam bago walang pasabi na umalis. Habang nag lalakad siya ay grabe ang kabog ng dibdib ko, lalo na ang mata niya ay nakatingin saakin. Base sa pag aaral ko at sa kaalaman ng lahat dito dahil dapat malaman ito ng lahat, ang pamilya ni Dearil ang namumuno ng kadiliman sa mundong ito at sa ngayon- siya ang pangalawa sa pinaka malakas na tao sa buong mundo. “WOAH!” reaksyon ng lahat nang makita nila ang kulay ng usok na lumabas sa pot na pinag patakan ng dugo ni Dearil. “As you can see, pulang usok ang lumabas sa dugo ni Mr. Dearil- nag papatunay lang na siya ay isang dugong Azazel. Pero makikita niyo na meron itong itim na usok pag katapos, at ito ay nangangahulugan na galling siya sa main branch ng Azazel clan. Matagal din ang usok na galing sa first rank kumpara sa ibang rank.” nakangiti at dahan dahan na sinabi ni Maam. Dahil kung hindi ako nag kakamali, mamali kalang na sabi lalo na ilan ang Azazel na andito patungkol sa kanilang pamilya, hindi maganda ang kakahantungan mo. “Next is second rank,” dugtong ni maam. Tumayo naman ang isa sa mga kasamahan ni Daeril. Apat kasi sila, si Daeril na galling sa main branch ng Azazel, dalawa na galling sa side branch ng Azazel at isa naman galling sa side branch ng Bourne. “I’m Aeron Azazel, a Sicarius,” simpleng pag papakilala nito at ginawa din ang ginawa ni Daeril. Hindi katulad kay Daeril, sakanya ay pulang usok ang lumabas at wala ng sumunod na itim pa. Ganon din sa isa pang galing sa side branch ng Azazel na si Nicolas Azazel. Sumunod naman dito ang nag iisang Bourne sakanila na si Connolley Bourne. “It is a blue kasi siya ay galing sa side branch ng Bourne,” nakangiting sabi ni maam. “Next is third level,” at doon ay nanguna ang babaeng kanina pa masama ang tingin sakin. “My name is Beatrice Calade- the only heir of the Calade Corporation and the only daughter of my dad and mom. Obviously, I’m a dives. Thank you!” masigla nitong sabi na may halong pag iinarte at ginawa na ang dapat gawin. “And because she is a dives, kulay purple or violet ang lumabas sakanya.” paliwanag ni maam at mayabang na umupo naman ang nangangalang Beatrice na mayaman sabi niya. Pag katapos ng ilang minute at natapos na din ang kapwa ko fifth rank na si Amadeo na isang puting usok ang luamabas at ako na ang huli na mag papakilala. Nang tumayo ako at nag lakad ay ramdam ko ang matatalas na tingin ng mga nasa harapan at mabigat na tingin sa likod ko na hindi ko mawari. “I’m Amara Ella Hanez. I’m an Indoles,” simple at kinakabahan kong sabi. “We also want to know how you get here!” Sigaw ni Beatrice na halos nasa harapan ko lang at nakangiti. “I passed both the written and physical test given by the school. Nakatulong din ang academic history ko pati na ang status ko,” mahina kong wika at yumuko. Alam ko kasi na nandidiri at naiinis sila sa fifth, kasi base sa narinig ko- para sakanila outsider parin ang Indoles na kagaya ko at isang basura lang sa school na ito na nag papabaho. “Ok, now go,” sabi naman ni Maam sa gilid ko. Tumango naman ako at kinagat ang aking hinlalaki. Naiwan ko kasi ang kutsilyo ko sa kamamadaling makatayo at sa kaba kona din na nasa bag. Katulad ng instruction, pinatak ko ito sa pot na nasa harapan at hindi na nag abalang silipin pa ito dahil alam ko din naman ang lalabas. Nasa kalagitnaan ako nang pag lalakad ko patungo sa upuan ko nang maramdaman ko ang malakas na bulungan at reaksyon mula sa likod. Napaangat ang tingin ko sa grupo ng first and second rank at lahat sila ay nakatitig sakin nang may pag tataka at bigad. Sa takot na baka himatayin ako sa nerbyos ay agad akong umupo. “What was that?” Tanong ng katabi ko. Hindi ako umimik at yumuko. Ako ba ang kausap niya? At kung ako nga, bakit? Baka nandidiri siya dahil kinagat ko ang daliri ko at di ko ginamit ang kutsilyo ko? Bagsak ba ako? Hindi ko kayang iangat ang ulo ko sa kahihiyan. “I think there is some error,” napaangat ang tingin ko sa sinabi ni maam. WHAT? Ang usok na lumabas sa pot kung saan ako galing ay kulay blue at itim sa dulo. Anong ibig sabihin noon? “Baka namali lang ako ng spell at pag linis sa parte niya- pasensya na,” Gulat at takot na sabi ni Maam habang di maalis ang tingin saakin at sa usok na lumabas. “Who are you?” Napatingin ako sa nag tanong- it is Nicolas. “I’m Ama---“ “Bakit nag sisimbolo na galing ka sa main branch ng Bourne?” Seryoso netong tanong. Hindi ko alam pano siya nakapunta sa gilid ko nang ganoon kabilis. “Dismiss the class,” Utas niya at bumaling ng tingin sa teacher na nangangatog parin. Third Person’s POV Walang nagawa ang guro pati na ang mga ibang studyante na lumabas sa silid. Samantalang ang dalawang Azazel at isang Bourne ay nakaupo parin at nakikinig. Hindi katulad ng dalawang Azazel, si Connolley na isang Bourne ay seryosong pinag mamasdan ang babae. “Wala akong alam, baka katulad sa sabi ni maam na namali lang ng spell si maam or what,” Naguguluhan din na sabi ni Amara. May halong takot at pag kagulo din ang nararamdaman niya, dahil kung naguguluhan ang apat na nasa harapan niya ay mas naguguluhan siya. “We all know that it is not the case- sa buong session ay hindi ginagalaw ni maam ang pot.” Sabi ni Nicolas. “Don’t pressure her Nicolas, and we all know that she is telling the truth,” singit ni Aeron. Sa tatlong mag pipinsan na ito, si Nicolas ang bulgar at mainitin ang ulo, samantalang si Aeron naman ay kalmado at palangiti at si Daeril naman ay walang emosyon at palaging tahimik lang. “Then pano nangyari yon?” Tanong ni Nicolas sa kanilang lahat. Tumayo naman si Connolley at lumapit din kay Amara. Halos mabali na ang leeg ni Amara kaka tingin sa kanila dahil sa tangkad nila, nahalata naman ito ni Connolley at lumuhod sa harapan niya. “Show me your hand,” maamong sabi ni Connolley na sinunod din naman ni Amara. Connolley has the ability to see someone’s history or past life by just holding his/her hand. At pag katapos ng ilang minute ay binitawan niya ito. “I didn’t see anything, nothing important that will connect her to our family nor to the main branch.” Sabi ni Connolley at hinawakan ang braso ni Amara. “Plus it is impossible. Our King and Queen didn’t have a chance to have a child,” Dugtong pa ni Connolley at bumalik na sa upuan. “You better explain everything to our class including our teacher regarding on what happened earlier. We don’t want any issue or any false news to leak outside this class Nicolas,” Pahabol na sabi ni Connolley bago kinuha ang bag at umalis na. Samantalang ang apat na natira ay hindi parin mawala ang tension. Nang na klaro na ni Nicolas ang lahat sa mga kaklase nila pati na din sa teacher nila ay humupa din ang bulungan at lahat ay kalmado na. Samantalang ang apat sa likod na sila Nicolas, Aeron, Daeril at Amara ay tahimik na nag aantay sa susunod na klase. “There is something wrong on Connolley,” Sambit ni Aeron sa kanyang isipan. Pagkatapos ng apat na klase ay tumunog na ang bell- nag huhudyat na lunch time na para sa mga studyante at guro. Tahimik naman na tumayo si Amara na hanggang ngayon ay natatakot parin, naaalala kasi niya ang mata ni Daeril kanina na nakatingin sakanila habang nag sasalita si Connolley- makikita mo ang kadiliman sa kanyang mata. “You want to join us?” Pagharang ni Beatrice kay Amara na kakatayo palang sa kanyang upuan. Nakangiti ito kay Amara habang ang mata ay sinusundan si Daeril at ang kanyang grupo na papaalis na din. “Uhh—sige,” Pag aalangan na sagot ni Amara dahil kahit sino naman ay mahahalata na hindi gusto ni Beatrice si Amara. “Great, tara!” Masigla nitong sabi at nag lakad, habang ang tatlo naman niyang kaibigan at si Amara ay sumunod sakanya. Amara’s POV “Malayo pa ba consume hall?” Tanong ko dahil kanina pa kami nag lalakad at ngayon ay nag lalakad kami sa talahiban, likod ng park ng school if hindi ako nag kakamali. “Can you wait?” Singhal ng isang babae sa gilid ko. Hindi nalang ako umimik at tiningnan ang nangungunang si Beatrice. Alam kong may mali sa nangyayari, I can sense it and I calculate everything. Hindi ako nasa fifth rank for nothing. After another a minute ng pag lalakad ay nakaramdam ako ng agos ng tubig, and I’m one hundred percent sure na it is a waterfall. Kaya imbes na mag patuloy ay huminto ako at dali daling kinuha ang kutsilyo na tinago kolang sa uniform ko at umatras ng onti. “Anong gagawin niyo sakin?” Tanong ko sakanila, tumawa naman si Beatrice habang ang mga kasama niya ay naka smirk. I knew it. Third Person’s POV Nang makumpira ni Amara na may binabalak na masama sila Beatrice ay agad siyang nakaramdam ng takot at kaba. Base sa rank nila, lahat sila ay nasa ikaapat na rank, ibig sabihin their ability is witchcraft at walang idea si Amara kung paano sila labanan. “Oh, my dear Amara- do you really think that after you involve yourself into Daeril and the other second-rank we will let you see another day?” Puno ng kasamaan at pag kasabik na sabi ni Beatrice. “Hindi ko naman ginusto na mangyari ang lahat ng iyon!” Sagot ni Amara habang umaatras samantalang si Beatrice ay palapit nang palapit sakanya. “Say, goodbye outsider.” Bulong ni Beatrice. “Lay your hand on her and you’ll die,” Napatigil lahat nang biglang may lalaking sumulpot sa likod ni Beatrice habang si Amara ay napalaki ang mata ng makita ang mata nito. “Red eye with skull. He is from the Azazel.” Sambit ni Amara sa kanyang isipan. Ang mga mata ng Azazel ay simpleng itim lang katulad nadin ng mga Bourne pero when they are alert o ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan nagiging pula na may skull para sa mga Azazel at sa Bourne naman ay nagiging blue na may infinity symbol. “Move and leave.” Utos ng lalaki kay Beatrice habang si Beatrice ay hindi parin makagalaw. Kahit hindi niya tingnan ang nasa likod niya, sapat na ang aura na nararamdaman niya sa nasa likod niya para maramdaman na isa itong Azazel. Kahit hindi pa pumapasok sa isipan ni Beatrice pati na din ang mga kasama niya ang nangyayari, wala silang nagawa kundi tumakbo at piniling isalba ang kanilang buhay. “You good?” Tanong ng lalaki kay Amara at lumapit ito sakanya. “Uhh--- yes, t-thank you,” Nauutal na sabi ni Amara at tumingin sa kamay at kuko ng lalaki na unti unting natanggal ang tulis at numimpis habang ang mga ugat sa kamay nito ay nawala. “By the way, I’m Clay Azazel and you are?” Tanong ni Clay habang kinuha ang bag ni Amara na nalaglag at inabot kay Amara. “I’m Amara Ella Hanez.” Sagot ni Amara at parang robot na kinuha ang bag kay Clay. “So since it is obvious to you na hindi mo alam ang pabalik, sasamahan kita.” Sabi ni Clay at nauna nang nag lakad. “Where is Connolley?” Tanong ni Nicolas sa kakarating lang na si Aeron habang si Daeril ay nakikinig lang sakanila. “Hindi parin nag rereply o sumasagot sa tawag ko.” Sabi ni Aeron at umupo. “What do you think on Connolley’s behavior earlier?” Tanong ni Aeron kay Daeril. “He is hiding something,” Sagot ni Daeril at ininom ang wine. “Do you think Amara is a Bourne?” Tanong naman ni Nicolas. “Addition, a main branch.” Sabi naman ni Aeron. Hindi naman sumagot si Daeril at tinanaw ang mabigat na presensya na naramdaman niyang papalapit sakanila. “Is that Clay?” Sambit ni Aeron. “And Amara?” Dagdag ni Nicolas. “Why is Clay with her? Isn’t Beatrice already take care of that Amara,” Bulong ng babae na dumaan sa table nila Aeron. “So Clay save her?” Sabi ni Aeron habang kinakain ang pagkain ni Daeril. “We don’t know—oh here they are.” Sabi ni Nicolas nang makita si Clay at Amara na papalapit sakanila. “Ahh Clay—siguro don nalang ako---“ Natatakot na sabi ni Amara habang nakatingin sa parang nag aapoy na mata ni Daeril. “Don’t mind them, that is just how they welcome a new friend.” Sabi ni Clay at hinawakan ang bewang ni Amara at maingat na tinulak si Amara. “You can sit here.” Sabi ni Clay at tinuro ang upuan sa harapan ni Daeril. “Uhh—sa iba nalang ako” Mahinang wika ni Amara at napatingin sa mga nakatingin sakanila. “No worries Amara. You are welcome here,” Singit ni Aeron na nakangiti sakanya. “You hear him- sit.” Sabi ni Clay at wala namang nagawa si Amara kaya nakayuko itong umupo. Habang nag aantay sila sa inorder nila through device na nasa kada table ng consume hall, pinag masdan ni Amara ang apat na Azazel na kasama niya. Si Nicolas ay isang masayahin ngunit may halong pag kaseryoso ang presensya niya, si Aeron naman ay masayahin at palakaibigan, habang si Clay ay parang si Daeril din seryoso palagi pero di katulad ni Daeril- si Daeril ay sobrang tahimik at palaobserba samantalang si Clay ay mapaglaro ang presensya. Pag dating sa pisikal naman, si Nicolas ay may upturned na mata, at katamtaman na nipis at kapal ng labi. Si Aeron naman ay may almond eye at may downward-turned lips. Si Clay naman ay may thin-almond eye at thin lips. Habang si Daeril ay may hooded eye and thin lips. Si Aeron at Nicolas ay parehas na may brown hair, samantalang si Clay ay may purple hair at si Daeril ay may itim na buhok pero dahil isa siya ang vessel pag ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan- nagiging pula ang kanyang buhok. Quiff ang buhok ni Aeron, curly hair na may pag ka magulo naman si Nicolas, si Clay naman ay naka long hair na naka push back at si Daeril ay parang kakagaling lang sa pagkahiga ang may pagka mahaba ng buhok niya. Sa pag mamasid ni Amara sakanila hindi niya namalayan na nakatitig siya sa mata ni Daeril. “Kahit wala siyang ginagawa o walang emosyon ang kanyang mukha, sapat na ang mata niya para matakot ka.” Nasa isipan na sabi ni Amara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD