ANIKA Nawalan na ako ng pag-asa na makakita ng tamang lalaki. Lahat naman kasi ng andito may nakikitang mali si Samuel. Tumayo na siya. Siguradong pagod na siyang hanapan ako. Napalingon ako sa entrance ng driving range, napanganga ako. A guy wearing all white from head to toe is entering the range. Napasunod ang mata ko ng palitan niya ang nakatayo malapit sa amin. They fist bump and he smile from ear to ear. Oh goodness, he has a perfect set of teeth. Para siyang si Captain America straight from laboratory. "Dali na, ano pa ang tinatayo mo diyan? Scan him," mahinang utos ko kay Samuel na nanatiling nakatayo. Hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya at hinila, hindi kasi maalis ang tingin niya sa bagong lalaki. "Do you know him?" tanong ko sa kanya. Para kasi siyang nakakita

