ANIKA I just watch Sam and Leo playing chess. Seryoso silang dalawa at ganoon din ang iniisip ko. May ideya kaya silang dalawa tungkol sa nalaman ko? I wanted to ask Sam, ilang araw na rin akong hindi makatulog pero may pumipigil sa 'kin. Siguro ay ayaw ko nalang din na tanggapin pa sa loob ko na kung alam man ni Sam ay wala siyang sinabi sa 'kin. "You bored?" Tanong ni Sam na hindi ako tinitignan. Inabot niya ang kamay ko tsaka pinisil iyon. "Medyo inaantok na," pagsisinungaling ko. Nagkunyari akong nahikab. Humarap na siya sa 'kin pero binalik niyang muli ang tingin sa board. "Sige, mauna ka ng umakyat. Tatapusin lang namin ang laro then susunod na ako." He kissed the back of my hand and let go. Yumakap ako sa likoran niya sandali tsaka nauna na ngang umakyat. Inayos ko an

