Samuel Pagbaba namin sa cruise ay nagkanya kanya na kami ni Anika. Pinahatid ko siya kay Leo habang ako dumeretso sa bar. Pagkatapos ng nangyari sa 'min ni Anika umakto lang ako na hindi apektado. Nakikita ko na naiilang siya pero sinubukan ko talagang hindi siya pagsabihan na kasalanan naman niya kung bakit muntik ko na siyang makuha. "Holy spirit has arrived!" Fuck! Kulang nalang magtago ako sa ilalim ng mesa nang pumasok si Izrael kasama si Reynald at Desmond sa haven ko. Bawat isa sa kanila ay may bitbit na bote ng alak. "Hindi naman siguro masama na inimbitahan na namin ang sarili namin? Sabi kasi neto ni Iz eh mukhang may babae kang tinatago," ani Rey. Nilagay nilang dalawa ni Iz ang alak sa mesa habang si Des naman ay binuksan ang dala niya tsaka siya parang prinsepeng

