ANIKA Sa pag-alis ng staff ay napatayo ang pinakamatandang babae. Napaatras ako nang makalapit siya sa 'kin. Para akong napaso nang ikulong niya ako sa yakap niya. Sa halip na haplusin ang puso ko ng tuwa ay para akong nakatali at hindi makagalaw. "You've made it. It's nice seeing you again, Hija." Ang kanyang ngiti ay nagpukaw ng maraming damdamin na matagal kong kinimkim. "A..anong ginagawa niyo dito? I have a meeting with the governor." Nagkalat ang utak ko, hindi ako makapag-isip ng matino. Hinawakan ako ng matandang babae sa siko at pinaupo. Kagaya lang din ng mga sandaling nasa poder nila ako wala akong nagawa, hindi ko nagawang sabihing ayaw ko. "I see you still don't watch news," sabi ng matandang lalaki. Inayos niya ang kanyang salamin bago uminom ng wine. "Archie

