SAMUEL Pagpunta ko sa hospital ay dumeretso ako sa opisina ni Alexander. Mag-isa lang akong pumasok pero nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. I am paranoid. He owns the hospital kaya ayaw ko na masyadong mataas ang kompyansa na wala siyang gagawin na hindi maganda. "I didn't expect to see you here, Mister Church. Matagal na nang mahuli mo kami ni Ani sa kwarto, hindi ba at parang late na itong reaction mo kung pumunta ka rito para makipag-away sa 'kin?" Inaawat ko ang galit sa loob ko na hindi siya bangasan. This isn't the right time still. I need to buy more time. Kahit kating kati akong gilitan ang leeg niya ay nanatili akong kalmado sa upuan. "Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa 'yo. I don't care about that woman anymore. Sa 'yo na kung gusto mo. I only want to know if

