SAMUEL
I carried Anika to my room. Nakainom na si Leo at wala rin naman akong tiwala sa iba kong tauhan para ihatid si Anika. Gago lang ako pero ayaw ko rin magmaneho lalo at lasing ako.
Nilapag ko siya sa higaan ko. I guess I'll sleep on the couch again tonight. Pero pwede naman yata akong tumabi sa kanya? No, can't do that. Baka hindi na ako makapagtiis. Kahit gaano pa kahaba ang suot niyang damit alam ko na kapag na-umpisahan ko na hindi na ako makakatigil pa. Even the gods can't make me stop.
"Boss, baba ka may mga bagong dating. Mga kolehiyala," mahinang sambit ni Emette mula sa pinto.
"Sa inyo na ni Leo. Pahinga na muna ako."
Bumaba na si Emette pero ilang sandali lang ay umakyat si Leo. Walang pakialam siyang pumasok sa loob. Namumuro na talaga 'to sa 'kin.
"Kailangan mo?" iritableng tanong ko sa kanya.
Umupo ako sa sofa habang siya nanatiling nakatayo malapit sa pinto. "Dito ulit matutulog si Miss Anika?" Talagang mas diniinan niya ang pagsabi ng ulit. Ang lakas mang-asar ng batang 'to. Kahit si grandpa minsan gusto na siyang paluin ng tungkod.
"Is there a problem with that?"
Napatingin ako kay Anika. Kahit sa pagtulog mukha talaga siyang anghel.
"Naku boss. Delekado ka na. Ganyan na ganyan ang tingin ni Senior Samuel sa bebe niya eh."
Tinaas ko ang baso at handang itapon sa gawi niya nang itaas niya ang dalawang kamay sabay nguso sa gawi ni Anika na gumalaw ng bahagya. "Magigising si Miss Anika bossing."
"Lumayas ka sa paningin ko Leo. Baka pauwiin kita sa Romania."
"Naku bossing, walang ganyanan. Ayaw ko na masuka araw-araw sa halikan ni Senior Samuel at ng bebe niya."
Paatras siyang naglakad. Nakangisi siya habang sinasara ang pinto. Bago maisara ang pinto ng tuluyan ay nilusot niya ang kanyang ulo habang tinitignan ako ng may mapanuksong ngiti. "Pero seryoso bossing, bagay kayo."
Tinapon ko sa gawi niya ang maliit na unan pero hindi manlang tumama kahit sa pinto. May pagka-saltik din itong si Leo, kung ano-anong pinagsasabi. Mukhang mali yata si grandpa sa pagkuha sa kanya sa ampunan.
Napalingon muli ako kay Anika. Anak ng kalokohan ka talaga Samuel! What you are doing right now means trouble. Pero sigurado naman ako na hindi lalalim ang kung anong meron ako para sa babaeng nakahiga sa kama ko. My feelings are off limits, talagang tawag ng laman lang itong pakiramdam ko.
Tumayo ako at mabilis na naligo. Paglabas ko ay hindi ko na inintay pa na matuyo ang buhok ko. I sit on the couch, and when I felt a little comfortable ay pinikit ko na ang mga mata ko.
Tomorrow will be tyring. I need a good night sleep.
Nagising ako nang may malakas na pagsigaw. Anika's face is in pure horror. Nakakapit siya sa damit ni Leo na may hawak na panghampas.
What the f**k is going on?
"What the hell is going on?!" pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa.
Napalingon silang dalawa. Anika run towards me, muntik pa akong matamaan ng siko niya sa biglang pagtapon niya ng sarili sa ibabaw ng sofa.
"Careful woman."
Hinawakan niya ang damit ko at para siyang batang nagtago sa likoran ko. "May daga. Ang laki," sumbong niya.
"Boss tumakbo sa ilalim ng sofa."
Mas lalong siniksik ni Anika ang sarili sa 'kin. Kulang nalang ay kumandong siya. Pucha naman oh! "Your hands! Nasasakal ako."
Mabilis naman siyang napabitiw sa 'kin. Umalis ako sa sofa na siya namang dahilan para tumayo siya. Parang daga lang takot agad? And how the hell a mouse entered my haven?
"Give me your stick," baling ko kay Leo.
Lumuhod ako sa paanan ng sofa at sinuksok ang stick sa ilalim. The mouse went out nang makita niya ako na tila cornered na siya ay para itong nataranta dahilan para umakyat siya sa sofa.
"No, no, no!" Anika shouts in panic. Gusto kong matawa sa pag-atras niya nang sumugod palapit sa kanya ang daga. But the funny scene is cut early, tumalon si Anika sa gawi ko. I am unprepared and still kneeling.
"f**k!" bulyaw ko nang tumama siya sa katawan ko.
Her head bump right into my lips. f**k it! Nalalasahan ko ang dugo.
"I'm sorry, I'm sorry."
"Anak ng tinapa! Bossing ayos ka lang?" tanong ni Leo sa 'kin nang makita na rin niya ang pagdaloy ng dugo.
Anika kneels beside me. She is trying to hold my face. Hinampas ko ang kamay niya. I'm not comfortable with someone touching my face. "Don't f*****g touch me."
I saw her face soften pero masyado akong wala sa sarili para intindihin pa siya. Tumayo ako at pumasok sa banyo. She's a badluck. Itutuloy ko pa ba lahat ng 'to?
ANIKA
"Don't f*****g touch me."
I was slow to react. Madilim ang mukha ni Samuel lalo nang sinubukan kong hawakan siya sa mukha. I can't blame him. Ang tanga ko naman kasi para tumalon sa kanya. Ayun tuloy at dumugo ng sobra ang labi niya.
"Miss Anika pagpasensyahan niyo na si bossing. Allergic talaga 'yon sa babae," sabi ni Leo habang tinutulongan akong makatayo.
Samuel is allergic to a woman? Impossible. Eh babae nga lang ang laman ng isip niya. Sebastian used to tell me how Samuel treats a woman like a piece of junk. He always reminds me to stay away from Samuel. And that's what I did sa loob ng walang taon. Who would ever think na ngayon kusa akong lumalapit kay Samuel kahit na alam kong delekado siya para sa 'kin.
"It's fine. I get him naman. It's my fault," pag-ako ko ng lahat.
"Naku Miss Anika, hindi ka naman sinisisi ni bossing. Nagulat lang 'yon sa 'yo."
"Either way tell him I'm sorry. Uuwi na muna ako. I cause enough trouble since last night."
Tinapik ko ang mukha ni Leo tsaka na lumabas. Naawa na ako kanina kay Samuel na nakatulog sa sofa. Nakakangalay ang posisyon niya, at nagising pa namin siya dahil lang sa takot ako sa daga.
Pumarada ako ng taxi at nagpahatid na sa condo. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay tumunog ang cellphone ko. It's Samuel. Is he going to blame me? Ayaw na ba niya akong tulongan?
I didn't answer the call. Kung wala ang tulong niya hindi ko alam kung saan magsisimula. My phone beeps again, may pumasok na message. I opened it.
"Answer the call. With all the trouble you bring into my life for the past two days sana manlang magpaalam ka kung uuwi ka pala."
Kahit sa paraan ng pagtetext ni Samuel alam ko na kaagad na naiinis siya sa 'kin. Para talaga siyang panahon, hindi malaman kung ano ba talaga. Minsan mabait naman siya sa 'kin pero madalas kung hindi pilosopo, ay hindi siya sang-ayon.
He calls again. Sinagot ko na at baka mas lalo siyang magalit at hindi na talaga ako tulongan pa.
"Next time you wait for me. You tell me kung uuwi ka. Be respectful. Do you understand me, woman?"
His voice is deep and irritated. Wala ring madami pang sinasabi at direct to the point. He is really hard to handle. Mabuti nalang talaga at nilayo ko ang sarili ko sa kanya ng matagal na panahon.
"I'm sorry, nagmamadali kasi ako. I have an appointment," pagsisinungaling ko.
Lying is hard for me pero mas napapadali kapag hindi nakikita ang mukha ko. My lips can lie but not my eye.
"Oh I see." His voice soften. Ang bilis niya talagang magbago ng ugali. "Be ready later at 6. Ipapasundo kita kay Leo. We'll go somewhere fun."
Hindi niya manlang inantay na sumagot ako. Hindi niya na isip na baka ayaw ko. He ended the call just like that.
Samuel is a gorgeous man, he's like a romanian vampire straight from the tales. He has dark aura that shouts power. Kahit ang boses niya ay kakaiba. He is rich, that I know. Para lang din siyang isang perpektong lalaki. But with all of the good physical traits na mayroon siya wala siyang manners. Pasmado ang bunganga niya. He curses a lot and doesn't mind kahit na nakakainsulto o nakakasakit na ang lumalabas sa labi niya.
That is why for me siya ang perfect na makakatulong sa akin. Malabo na magkagusto ako sa kagaya niya.
Mahaba pa naman ang araw bago ang napag-usapan namin ni Samuel kaya ginawa ko ang pangako ko kay Mommy Tash na babawi ako. Medyo natatakot pa rin akong lumabas pero nagtiwala naman ako sa sinabi ni Mommy na hindi na interesado masyado ang press sa akin. Nagmaneho ako at dumaan muna sa cake house na paborito nina Mommy at Ate Marie. Bumili ako ng caramel cake tsaka pumunta na sa bahay nila.
Si Ate Marie ang inabutan kong nagdidilig ng halaman.
"Nika. Napapunta ka. May problema ba?" tanong niya.
Pinatay niya ang tubig sa gripo tsaka lumapit sa akin. She kissed me on both cheeks. Napangiti ako. "Problema nalang ba lagi ang dala ko?" biro ko sa kanya.
"Naku, marunong ka ng magbiro. Dahil ba ito sa kinita mo kahapon?"
Ofcourse nakwento sa kanya ni Mommy kaya hindi na ako nagulat na alam niya ang ginawa ko kahapon. Nakahawak ako sa braso niya papasok kung saan si Mommy na may kausap sa telepono. Kumaway lang siya sa 'kin.
"Hindi naman pero nakapagdecide na ako na magmove-on."
"Aba mabuti 'yan. Hindi mo naman deserve magmukmok. Masisira lang ang bankable beauty mo," natatawang ani niya.
I don't take it negatively. Lagi namang sinasabi ni Mommy sa 'kin na dapat ay alagaan ko ang sarili ko dahil iyon ang nagbibigay sa 'kin ng pera.
"Napadalaw ang alaga ko. Anong problema?" sulpot ni Mommy sa likoran namin.
Sumimangot ako. Ilang linggo lang naman akong naging pasaway pero mukhang problema na lang lagi ang inaasahan nila mula sa 'kin.
"Tinanong ko rin sa kanya 'yan pero mukhang hindi naman problema ang dala niya."
"Hindi naman talaga. Actually caramel cake ang dala ko sa inyong dalawa," sabi ko sabay turo sa cake box sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa. Favorite nila ang caramel cake kaya sabay pa talaga silang napatayo at kumuha ng platito.
Tumayo ako at lumabas sa garden. Nakailang hakbang pa lang ako ay tumunog ang cellphone ko. Si Samuel na naman siguro 'to. At hindi nga ako nagkakamali.
"Change of plans. Let's meet tomorrow."
"Ha...."
Hindi ko natapos ang isang salita at napatay na kaagad ang tawag. Bakit pa siya tumawag kung hindi niya rin ako kakausapin? Pwede namang e text nalang. Ang hirap talagang intindihin ng lalaking 'yon.
Wala na naman akong magawa ngayong araw. Manunuod na naman ako ng movie hanggang makatulog? O better pumunta kaya ako sa bar ni Samuel at magpakalasing. Safe naman ako d'on. Pero baka isipin niyang naghahabol na ako sa kanya dahil araw araw nalang akong nandoon.
Nawala ako sa iniisip ko nang tumunog na naman ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang unregistered number ang lumabas, hindi naman siguro 'to si Samuel. Kakatawag niya lang.
Should I answer it? Paano kong press? Pero bahala na, baka importante. I pressed the answer buttom and put the phone right beside my ear.
"Hello? Miss Anika? Si Leo po 'to."
Leo? Bakit naman siya tatawag sa 'kin? May nangyari kaya?
"Bakit?
"May ginagawa ka ba? Umalis kasi si bossing, hindi ako sinama," parang bata na sumbong niya.
"Oh. Gusto mong mamasyal?"
I don't know how to treat Leo. Nakakalito rin naman kasi kung ano ba talaga ang papel niya sa buhay ni Samuel, if he is really his bodyguard, driver or whatever. Kasi kung bodyguard parang mas si Samuel pa nga ang may kakayahan na ipagtanggol siya, kung driver naman mukhang malabo kasi Samuel always drives for himself.
But one thing I know Samuel treats him like a brother. Kaya dapat na rin siguro akong maging mabait sa kanya.
"Okay lang ba?"
"Sure, sige. Let's meet nalang sa DV Mall."
Pumasok muli ako sa loob para lang magpaalam kay Mommy at Ate Marie. Dumaan muna ako sa condo at nagpalit ng hoddie at pantalon, nagbaon na rin ako ng cap and dark sunglasses. Better be prepared kesa may makakilala na naman sa 'kin at ma-issue na naman ako na paniguradong headline eh batang bata ang bago ko.
"Matagal ka bang naghintay?" tanong ko kay Leo nang magkita kami sa harap ng ice cream shop.
"Kakarating ko lang din Miss Anika."
I'm used to people calling me Miss or Ma'am pero pagdating kay Leo parang ang awkward lang. Maybe because paningin ko sa kanya ay younger brother ni Samuel. And nakakailang na parang superior ako sa tinuturing na kapatid ng taong tutulong sa 'kin to move on.
"Leo pwede bang tanggalin mo nalang ang Miss kapag tinatawag mo ako? Call me Ate Anika or if you are not comfortable Anika nalang."
Lumawak naman ang ngiti niya. "Sige ate nalang. Matagal ko ng gustong magkaroon ng ate hindi lang ako binibigyan ni bossing."
Napailing ako. Inakbayan pa talaga niya ako. I let him be. He's not making me uncomfortable or any close to it naman.
"Saan mo gustong pumunta?"
Nilagay niya ang daliri sa ilalim ng baba na tila nag-iisip. Matiyaga lang akong nag-aantay. It's fine with me na siya ang magdecide, he's doing me a favor naman na hindi siya aware. Kung sa bahay ako at mag-isa marami lang pumapasok sa isip ko na hindi maganda but when I'm outside nakakapagrelax ang isip ko.
"Okay lang ba na manuod tayo ng sine? Hindi ko pa kasi nagagawa, ayaw naman ni bossing na samahan ako eh ayaw ko namang manuod nang mag-isa."
I want to ask him kung bakit masyado siyang attached kay Samuel eh masama naman ang ugali ng lalaking 'yon but I keep my mouth shut. Maybe may nakikita siya na hindi ko lang nakikita about kay Samuel, good things.
"Itong action movie okay lang ba Ate Anika? Idol ko kasi ang bida."
"Sige sure. Here, use my card."
Nahihiya pa siya sa 'kin at nag-insist na siya na bahala pero nagpumilit din ako. Ending ay siya na bumili ng popcorn at drinks namin to make everything fair daw.
Umupo kami sa pinakataas. It's also my first time to watch a movie sa movie threater, Sebastian doesn't want to be at crowded places. Lalo sa mga lugar na maraming teenagers, kaya medyo hindi rin mapaniwalaan ng isip ko sa kung anong dahilan na ipinagpalit niya ako sa babaeng ilang taon pa lang nagmature.
Nag-enjoy naman ako sa pinanuod naming dalawa. Palubog na ang araw nang lumabas kami sa mall, namasyal pa kasi kaming dalawa at parang mga bata na naglaro sa arcade. Para kaming matagal na kinulong at bagong laya.
"Leo gusto mo bang maghapunan sa bahay?" alok ko sa kanya nang papunta kami sa parking. I really enjoy his company more than I expected. Wala rin akong nakakabatang kapatid, ang dalawang ate ko naman hindi rin kami malapit kaya wala kaming naging bonding.
"Baka nakakaabala na ako ate."
"No. Sige na, I insist. Let's watch movie again. Wala rin naman akong kasama sa condo."
Nag-isip na naman siya. Nagkamot siya nang batok at tumango. "Pero kapag pinagalitan ako ni bossing kargo mo ako ha?"
"Sure. I'll explain it to him kung kailangan."
May dala si Leo na sasakyan kaya sumunod lang siya sa 'kin papunta sa condo. We both don't know how to cook kaya nag-order nalang kami ng pizza.
Sa sala ay nagset-up siya ng airbed sa gilid ng convertable sofa ko kung saan naman ako nahiga. Nanuod kami ng lumang comedy movie. Tawa lang kami ng tawa.
Mabilis na lumipas ang oras at paglingon ko kay Leo ay tulog na siya. Natawa naman ako sa kanya. Pareho pala kaming dalawa, mabilis maka-idlip. Pumasok ako sa kwarto para kunan siya ng kumot at nang maayos ko na ang pagkakalagay sa katawan niya ay papanhik na rin sana ako para matulog pero tumunog ang doorbell ng condo.
Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras at parang minumurder ang doorbell?