ANIKA Gaya nga ng sinabi ko kay Samuel ay wala akong kinuha mula sa kanya. Iniwan namin lahat ng bagay na si Samuel ang may bigay. Ginabi kami ni Leo bago marating ang bahay na nabili ko dati pa. Mabuti at wala na ang dating nangungupahan. We can start over again. Dito kahit si Alexander ay hindi kami matutontun. "Leo dalawa lang ang kwarto dito. Kaya kung okay lang sa 'yo ako na sa taas dahil 'yon kasi ang may sariling banyo." "Okay lang ate. Kahit saan na ako. Basta okay kayo ng baby mo." "Kapatid mo," I corrected him. Nahihiya naman siyang napakamot sa ulo. Atleast ngayon libre na naming mapag-uusapan na hindi siya iba sa amin ng magiging anak ko. Umorder nalang kami ng hapunan naming dalawa dahil sa aming dalawa siya lang naman ang marunong magluto, eh napagod na rin na

