Anika I wouldn't say na makulit si Alexander pero persistent siya sa ginagawa niya. Hindi ko lang siya isang beses na tinurn down para sa dinner o kahit quick lunch na pag-aaya niya pero hindi siya nakakalimot to send me flowers and food sa mismong condo, that I don't know how he knew my address. "Ate may flowers ka na naman galing kay Doc. Pagbigyan mo na kaya 'yong tao bago tayo maging flower shop dito?" Sa kamay ni Jackie ay bouquet of yellow tulips. Nilagay niya sa binti ko ang bulaklak at bumalik sa ginagawa niya. Our whole unit is full of flowers, mula sa iba't ibang klase ng roses hanggang sa dandelions, ngayon naman itong tulips ang napagdiskitahan niya. "Ano ba kasing inaantay mo ate? Mukhang down na down 'yong tao sa 'yo," salita ulit ni Jackie. Mahaba na ang nguso niya

