ANIKA Ginawa ko ang lahat to delay everything. Binagalan ko ang pagkain maging ang pagligo para hindi muna namin mapag-usapan ni Samuel ang natuklasan ko na hindi ko siya mabibigyan ng anak. Nasa kwarto siya at may tinatapos na trabaho habang gumagawa naman ako ng tea para inumin namin habang mag-uusap mamaya. Si Leo lang ang kasama namin sa bahay since si Jackie sa condo ko nakatira kaya wala akong mapag-utusan na magdala ng tea. Maingat ko iyong dinala sa kwarto deretso sa veranda. Nilapag ko ng maayos sa tea table tsaka ako naupo. Nakikita ko siya mula sa bukas na glass door papasok sa kwarto, seryoso silang nag-uusap ni Aaron. Napabaling siya sa gawi ko. "I love you," he mouthed. I just smile in return. Malamig na ang tea niya nang matapos sila sa pag-uusap ni Aaron. Hinila n

