ANIKA Nakatulala ako sa piraso ng papel sa ibabaw ng mesa. Ilang araw na ba ang lumipas? "You've been misdiagnosed Miss Flores. You are not infertile at mas lalong wala kang MRKH syndrome. I can fully see your uterus here." Paulit ulit na umalingawngaw ang sinabi ng doctor sa 'kin noong nakaraang araw nang dumeretso ako sa malapit na clinic nang muntik na akong himatayin ulit sa loob ng pharmacy. Napayuko ako at napahilot sa ulo ko. Gulong gulo ako sa mga nangyari. Paanong nangyari itong lahat? Impossible naman yata na mali ang diagnosis sa 'kin eh dalawang beses akong nagpatest sa hospital ni Alexander. Napahawak ako sa tiyan ko. I am three months pregnant. And I don't have any idea about it. Inangat ko ang piraso ng papel na may ultrasound ng bata. It isn't clear yet pero n

