Chapter 4: Battered Wife

3648 Words
Aleisha's POV “Xavier, please… bagalan mo ang pagpapatakbo.” Humihikbing pakiusap ko sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt na suot ko. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari kapag hindi niya pa binagalan ang takbo ng sasakyan namin. Ngunit kahit ilang ulit na akong nagmakaawa ay hindi parin nito binabagalan ang takbo ng sasakyan. Kahit nakared light ay wala itong pakialam, tuloy-tuloy lang ang pagpapatakbo nito, mabuti nalang at wala ng masyadong sasakyan ngayon dahil madaling araw na. Hanggang sa makauwi na kami ng bahay. Nang maiparada na nito ang sasakyan sa garahe ay mabilis itong umibis ng sasakyan. Umiigting ang panga nito sa galit at mas lalo akong natatakot sa kanya. “Get the f-ck out, b***h!” malakas ang boses na sigaw nito. Kaya naman kahit nanginginig sa takot ay mabilis akong lumabas ng sasakyan. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad nitong hinila ang buhok ko at kinaladkad ako papasok ng bahay. “X-Xavier nasasaktan ako.” hikbing daing ko ng mas hinigpitan pa nito ang paghila sa buhok ko, nang makapasok na kami ay malakas ako nitong itinulak dahilan upang mapasubsob ako sa sahig, sa sobrang lakas ay hindi ko na naiwasan pang mauntog. Ramdam ko ang pamamanhid ng ulo ko. "I already told you not to do stupid things there, Aleisha! Damn it!" He furiously shout as he slapped me on the face, napahagulgol ako dahil sa ginawa niya habang sapu-sapo ang pisnging nasampal, ramdam ko ang pamamanhid nito. "H-hindi ko naman s-sinasadya, siya ang nanguna Xavier, m-maniwala ka." Umiiyak kong paliwanag sa kanya, ngunit ngayon palang ay alam ko ng hindi ako ang paniniwalaan nito. “And you really think that I will believe you? You f-cking slut! How dare you hurt Samantha!?” His voice echoed. Hinila niya ulit ang buhok ko at kinaladkad ako papunta sa pinakatagong parte ng bahay kung saan naroon ang madilim at malawak na bodega. “Xavier, a-anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ko habang mahinang dumadaing dahil sa sakit ng paghila niya sa buhok ko. Don't tell me will locked me up? "Teaching a desperate b***h a lesson." He said with a devious smirk plastered in his lips, at malakas akong itinulak papasok sa madilim na bodega ng bahay. “N-no! X-Xavier, please don't do this… you can't do this to me…” umiiyak kong pagmamakaawa sa kanya ngunit hindi man lang ito nakinig at pabalibag na isinara ang pinto. Agad akong nataranta nang marinig kong nilagyan niya ng padlock ang kabilang bahagi ng pinto. No way! "X-Xavier please… pakawalan mo 'ko dito! Maniwala ka sa'kin! Wala akong kasalanan! Siya ang nauna… maniwala ka…" Malakas na sigaw ko habang panay ang subok na buksan ang pinto. Halos wala na akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid. Mas nadagdagan pa ang takot ko ng marinig kong nabuhay ang sasakyan sa garahe, hudyat na aalis si Xavier ng bahay. "Xavier! Xavier! Buksan mo 'to! 'wag mo 'kong iwan dito, please…" Umiiyak kong pakiusap habang malakas na kinakalampag ang pinto. He just can't leave me here! Hanggang sa umandar na nga ang sasakyan at hindi ko na marinig pa ang tunog nito, marahil ay nakalayo na ito. Bigong napasandal nalang ako sa likod ng pinto at padaos-dos na umupo. Hindi ko na mapigilang mapahagulgol lalo na nang maramdaman kong pumutok ang labi ko dahil sa lakas ng sampal niya kanina, pati narin ang marahang pagsakit ng anit ko dahil sa paghila nito sa buhok ko. Kung kanina ay pamamanhid lang ang nararamdaman ko, ngayon ay ramdam ko na ang sakit ng ulo at pisngi ko. “Bakit ba ayaw mo 'kong paniwalaan, Xavier? Ganon na ba talaga kahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko?” malungkot at nasasaktang usal ko. Hindi ko naman talaga sinasadyang saktan si Samantha, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na gumaganti kapag may nanakit sa akin, mapa-emosyonal man o pisikal. Pero iba kanina, para kasing may nag-uudyok sa akin na labanan siya, na ipagtanggol ko ang sarili ko mula sa babaeng 'yun, na ipakita na kaya ko siyang labanan, na kaya kong ipaglaban si Xavier. Bakit ba mas naniniwala pa siya kay Samantha? Bakit ba mas pinipili niyang maniwala sa lahat ng mga sinasabi ng babaeng 'yun kahit hindi niya naman alam ang buong katotohanan at kung ano ba ang totoong nangyari? Oo nga pala, mahal na mahal niya pala 'yun. I smiled bitterly. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari isang taon na ang nakakalipas, ang dahilan kung bakit ganoon nalang kagalit si Xavier sa'kin at ang dahilan kung bakit kami ikinasal sa isa't-isa. FLASHBACK: One year ago… NAKAUPO lang ako sa isang sulok habang pinapanood ang mga taong masayang nagkwekwetuhan at nagtatawanan. Panay rin ang tingin ko sa entrance, hinihintay ko kasing dumating si Xavier, ang lalaking mahal ko. Napangiti nalang ako ng biglang pumasok sa isipan ko ang gwapong mukha nito, kahit palagi ako nitong dinededma at binabalewala ay hindi ko parin mapigilan ang sariling kong mahalin siya. Ewan ko ba kung bakit 'di ko magawang magalit o gumive-up man lang. Miss ko na rin ito, mahigit apat na taon ko na kasi itong hindi nakikita dahil simula ng magkolehiyo ito ay sa ibang bansa na ito pansamantalang tumira. Hays, bakit ba ang tagal ‘non? Nandito ako ngayon sa mansion ng mga Del Luca. 22nd birtday ngayon ni Xavier at kasabay ng birthday niya ay ang pag-graduate niya din bilang isang ganap na Industrial Engineer. Kaya naman bonggang-bongga ang set-up ng mansion nila ngayon. Imbetado din ang mga kasusyo nila sa negosyo kaya naman maraming businessmen and businesswomen ang naririto, kasama na doon si Dad. Kung hindi lang ako nagpumilit na sumama ay hindi pa ako nito pasasamahin. Ayaw kasi nitong sumasama ako sa kanya sa mga ganitong pagtitipon. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni dad, ginagawa ko naman ang lahat para maging proud siya sa'kin, consistent dean's lister ako sa UP Diliman kung saan ako nag-aaral, second year college na ako ngayon sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. Napatingin ulit ako sa entrance at sa pagkakataong ito nakita ko na ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Wala sa sariling napangiti ako, ang gwapo niya talaga, at mas lalo lang akong humahanga sa kanya dahil mas lalo lamang itong gumwapo makalipas ang apat na taon, mas tumigas at lumaki din ang body structure nito, pahiwatig na naaalagaan nito ng maayos ang sarili habang nasa ibang bansa. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito, unti-unti namang nawala ang ngiti ko ng makita kong nakayakap sa braso nito si Samantha Sloviski, ang dalawang taong karelasyon ni Xavier. Wala naman akong balak na agawin si Xavier kay Samantha, lalo na't iba ang ngiti nito sa tuwing kasama ang babaeng mahal niya. Sa tanawing iyon ay parang pinipiga ang puso ko, alam kong wala akong karapatang masaktan at magselos dahil una sa lahat, hindi ko naman siya pag-aari, pero kahit ganon ay hindi ko parin maiwasang masaktan. Kasama ngayon ni Xavier ang mga kaibigan niya, at kagaya niya ay gwapo rin ang mga ito at galing rin sa mga mayayamang angkan. “A pleasant evening, ladies and gentlemen, tonight we're all gathered here for a big and special celebration—” hindi ko na ipinagpatuloy ang pakikinig sa host ng event na nasa mini-stage ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan, kaya naman dali-dali akong umalis sa kinaroroonan ko at naghanap ng comfort room. Hindi naman ako nahirapang maghanap. Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako at habang pabalik na sa pwesto ko kanina ay may narinig akong dalawang taong nag-uusap, at hindi ko alam kung bakit ako tumigil sa likod ng pader na nakita ko at nakinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Marahil dahil nakita ko si Samantha na kasama si Marcus. Ano ang ginagawa ng mga ito dito sa tagong parte ng mansion? “Babe, I love you. You know that right?” Rinig kong malambing na saad ni Samantha. Wait—what?! “I know, but if you really did then makipag-break ka na sa kanya.” rinig kong sagot ni Marcus, kilala ko ito dahil sikat ito sa school na pinapasukan ko, kasama ito sa varsity team ng school at ito mismo ang team captain. Schoolmate ko sina Samantha, Marcus at Alexa na step-sister ko. Samantha and Alexa took the same degree which is Bachelor of Fine Arts, magkaiba nga lang sila ng year dahil mas matanda si Samantha sa kanya, Alexa is in her first year while Samantha is in her third year. While Marcus on the other hand is in his fourth year of the degree, Bachelor of Arts in Interior Architecture. May relasyon ba sila? Kasi kung may relasyon sila, ibig sabihin 'non ay Samantha is cheating on Xavier. Bigla naman akong nakaramdam ng inis para kay Samantha. If so, all this time niloloko niya lang pala si Xavier. “Break up with him, sino ba ang nasa tabi mo noong nasa ibang bansa siya at nag-aaral? Hindi ba’t ako ang nasa tabi mo? Ako ang kasama mo sa kama, ako ang nagpapainit ng mga gabi mo.” bakas ang frustration sa tono ng pananalita nito. “I know, I have you by my side all these years and I'm thankful, but you know I can't do that right now babe, kailangan kong maikasal kay Xavier, that's what my dad wanted to happen. Alam mo naman ang kalagayan ng kompanya namin ngayon ‘diba? I need to help my family, I need to follow my daddy's order, alam mo naman ang mangyayari kapag sinuway ko siya ‘diba?” Samantha replied. "I can help you, pwede kong ibigay ang lahat ng perang meron ako." "All you have is not enough to pay for my family's debt, babe. Kailangan kong maikasal kay Xavier at makahingi ng perang pambayad para sa utang ng pamilya ko. And also, hindi ko kayang mabuhay nang wala ang mga bagay na gusto ko, I can't live with that, that would be a torture to me, ni designers bag ay hindi mo na nga naibibigay sa'kin dahil nasa parehong sitwasyon ang mga kompanya ng pamilya natin. I hope you understand, babe." Pagpapaliwanag ni Samantha. "Don't worry babe, after naming maikasal ni Xavier, mga ilang buwan lang ‘pag natapos ko ng mabayaran lahat ng utang namin makikipaghiwalay na agad ako sa kanya, you know that Xavier is the one and only heir of the Del Lucas’, kaya ‘pag naikasal na kami ang kanya ay magiging akin na rin. At kapag nakipaghiwalay na ako sa kanya, hahatiin namin ang mana niya. That would be big, right?" She said happily. Gold digger! "Fine, but promise me, after that, you'll be marrying me." Ani Marcus. "I promise. For now let's stay like this. Xavier deposited three million in my account yesterday, he's generous, isn't he?" Pagmamalaki ni Samantha, bakas sa boses nito ang galak. "You had sexed with him." Matigas na saad ni Marcus, bakas sa boses nito ang pagkadisgusto sa sinabi. “Babe, I have to do it with him. Para pakasalan niya ako, para mas kapani-paniwala ang panloloko ko sa kanya, ginawa ko ‘yun para mapaniwala siyang mahal ko din siya. And he uses protection naman everytime we did it, and I can actually count how many times we did that thing, we just did it twice at it was all loveless. Perhaps, ikaw naman ang nakauna sa'kin at hindi ko na kayang mabilang pa kung ilang beses na nating ginawa ang bagay na ‘yun.” Mahabang paliwanag ni Samantha. Hindi ko mapigilang magulat sa mga narinig ko. She cheated on Xavier! So I am right when I thought she is just using Xavier! What a great actress! Dahil schoolmate ko sila ay madalas kong makita silang tatlo ni Alexa na magkasama, hindi ko naisipang may relasyon si Samantha at Marcus dahil alam kong magbestfriend lang sila, trio, at normal lang sa mga magkakaibigan ang maging malapit sa isa't-isa. “Paano kung ayaw niyang makipaghiwalay sa’yo? Paano kung hindi siya papayag na iwan mo siya? Anong gagawin mo?” biglang tanong ni Marcus, medyo na-curious naman ako sa isasagot ni Samantha kaya naman ipinagbuti ko pa ang pakikinig. “That's simple, we can just kill him, set him up and declared that it was an accident. Well, I think that would be a better idea, if that happens, hindi lang kalahati ang makukuha ko kung hindi ang buong pag-aari niya ay mapapasa'kin.” Lintantya ni Samantha saka malademonyong tumawa. Agad na kumabog ang dibdib ko. Kill Xavier?! She’s insane! Nagtaka ako kung bakit wala ng nagsasalita sa kanila kaya naman pasimple akong sumilip sa kinaroonan ng mga ito. Holy cow! Napatakip nalang ako sa bibig ko ng makitang naghahalikan ang mga ito, at iba ang klase ng halikan nila, marahas at parang kakainin na nila ang bibig ng isa't-isa. Kaya naman, dahan-dahan akong umalis at buti nalang ay hindi nila ako napansin. Nakatulala lang ako ng makarating ako sa inupuan ko kanina. Hindi parin napa-process ng utak ko ang mga narinig at nakita ko. Samantha is just using Xavier, indeed. Kailangan kong sabihin ‘yun kay Xavier, kailangan niyang malaman na niloloko lang siya ni Samantha. Kung dala ko lang sana ang cellphone ko kanina ay kinuhanan ko na sila ng video o recordings para may maipakita akong ebidensiya kay Xavier. Hinanap ng mga mata ko si Xavier at hindi naman ako nabigo. Nakita ko itong papaalis na sa lamesang inuukapa nito kasama ang mga kaibigan. Ito na ‘yung chance para masabi ko ang mga natuklasan ko kay Xavier. Mabilis ko itong sinundan at nakikita kong papuntang ikalawang palapag ang daang tinatahak niya. Patakbo akong lumapit sa kanya at mabilis na hinawakan ang braso nito para matigil siya sa paglalakad. “Teka lang.” Pigil ko sa kanya. Lumingon naman ito saka Kunot-noo akong tinignan. "What is it?" Kunot-noo parin nitong tanong, tinignan nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad akong napabitaw. "Pwede ba kitang maka-usap saglit?" Kinakabahang tanong ko. "We're already talking right now." He said as a matter of fact. Kaya naman napapahiyang ngumiti nalang ako sa kanya. "What do want to say, spill it. I have more important things to do than this." He said in a bored tone, bakas rin ang boredom sa mukha nito, bagay na nagparamdam sa’kin ng hiya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “Samantha is just using you to pay for her family's debt.” mabilis kong saad habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. Hindi ito nagsalita, ngunit maya-maya lang ay unti-unti itong tumawa. Anong nakakatawa sa mga sinabi ko? “Look miss, I don't have time for this shits.” He replied and chuckled. “Hindi ako nagbibiro. Totoong ginagamit ka lang niya. Maniwala ka.” Pagpupumilit ko pa. “Look. What ever your trip is, stop it. Samantha loves me and I feel the same way. And I know you, I also know that you have feelings for me, and if you're saying this just to ruin our relationship then stop it. You're just wasting your time. I don't have time believing in your shitty acusation.” Seryosong saad nito at walang lingong likod itong umalis. Ako naman ay napatulala nalang. Ang sakit lang ng mga sinabi niya. Hindi ko naman intensyong siraan si Samantha sa kanya. I'm just saying the truth pero bakit ayaw niya akong paniwalaan? Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Napakaiyakin ko naman, bakit ba ang bilis pumatak ng mga luha ko? Parang ‘yun lang naman. Mahal na mahal niya nga talaga si Samantha. Pero hindi ko hahayaang matuloy ang plano ni Samantha, hindi ko hahayaang mas lumalim pa ang pagmamahal ni Xavier para dito. Dahil kung mangyayari ‘yun ay mas dodouble ang sakit na mararamdaman ni Xavier. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang binabalak nilang pagpapakasal. May kumakalat kasing mga balita na ngayong nakapagtapos na si Xavier ay magpapakasal na ito kay Samantha. At may naisip na akong paraan para hindi iyon matuloy Alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng gagawin ko pero ito lang ang tanging paraan na alam ko. Bumalik nalang ako sa upuan ko matapos kong pumunta sa restroom para punasan ang mga luha ko at mag-ayos na rin ng sarili. Lumipas pa ang mga oras hanggang sa patapos na ang party at kaunti nalang ang mga taong nandito. Bukas pa kami uuwi dahil may pag-uusapan pa daw sina Dad at ang Daddy rin ni Xavier para sa bagong negosyo na ipapatayo nila. Tahimik lang akong nakaupo habang umiinom ng orange juice at tahimik ring nakatingin kay Xavier na ngayon ay nakaakbay na kay Samantha, na panay naman ang tingin ng huli kay Marcus na may kausap na ibang babae. “Stop dreaming na napapasa'yo si Xavier, hindi mababa ang standards niya sa babae. At isa pa, hindi siya pumapatol sa mga bastardong kagaya mo. That would be a disgrace in his family's reputation.” Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. And it's Alexa, my step-sister, mas matanda ako sa kanya ng isang taon, nineteen palang ito samantalang ako naman ay bente na. Nakataas ang isang kilay nito habang nakangisi, may hawak itong wine glass na paubos na ang laman. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Dad kasama ang step-mother kong si Tita Lucy. “Dad!” Masayang saad ni Alexa at hinalikan si Dad sa pisngi, sunod naman ay si Tita Lucy. "Are you having fun, my princess?" Nakangiting tanong ni dad. "Yes dad, I have my friends with me and we are really having fun.They even envy me for having this Chanel jewelries you bought me yesterday." Alexa answered happily habang masayang hinihimas ang mamahaling alahas nito sa leeg. My dad and step mom spoils Alexa soo much, and I kind'a envy her for having my parents' full attention, pagdating kasi sa akin ay parang hindi ako nage-exist sa mga buhay nila. Tumayo ako at pumunta sa gawi nila dad para humalik din sa pisngi nito. Akmang hahalik na sana ako ng biglang umiwas si Dad, kaya naman nahihiyang napayuko nalang ako. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagngisi ni Tita Lucy at mahinang pagtawa ni Alexa. “Alejandro! Shall we start?” Napatingin kami sa bagong dating. Its Xavier's dad, Mr. Emmanuel Del Luca. “Yeah, sure. Where should we discuss it? By the way, congratulations to your son for completing his study on a prestigious school.” nakangiting saad ni Dad na siyang nagpangiti rin sa tatay ni Xavier. “Thank you, and I am very proud of my son's achievements, he's really a great gift to me and to my wife. Well, you must be very proud to you daughter too." “You're right, Emmanuel, I am proud of her, she showed me her designs and it's really great, Alexa is a wonderful child." “I am not talking about Alexa, I am talking about Aleisha, your eldest daughter, I heard she's a consistent dean's lister in UP Diliman, that's something we can brag about." Nakangiting saad ni tito Emmanuel. Gusto kong matuwa dahil may nakakaalam pala sa bagay na 'yun, I did all my best para lang makasali sa dean's list, para ipagmalaki rin ako ni dad gaya ng ginagawa niya kay Alexa. Nang tignan ko ang reaksyon ni Dad ay nawala na ang malawak na pagkakangiti nito, maliit lang itong ngumiti saka marahang tumango. “Yes, I think that it is something I can brag about. Anyway, where should we discuss it?" Pag-iiba ni dad sa usapan, bagay na nagdulot sa'kin ng sakit. He is not really proud of me. “We can discuss it in my library, come on follow me." Sagot naman nito at iginiya na si Dad papunta sa library nito, patuloy lang sila sa pag-uusap habang naglalakad. May lumapit namang isang katulong sa'min at iginiya kami nina Tita lucy at Alexa sa magiging kwarto namin ngayon gabi. Hindi narinig nina Alexa at tita Lucy ang usapan dahil may kausap ang mga itong kakilala na nakadalo rin sa party. Dito kami matutulog dahil kung uuwi pa kami ay aabutin na kami ng madaling araw ayon pa kay tita Elizabeth, ang ina ni Xavier, at may pag-uusapan din daw sina dad at tito Emmanuel ngayon tungkol sa trabaho, balak kasi ng mga itong emerge ang dalawang kompanyang pinamamahalaan nila. Nauna ng pumasok si Tita Lucy sa magiging kwarto nito at itinuro naman ng katulong ang magiging kwarto namin ni Alexa, magkakahiwalay kaming tatlo ng tutulugan. Papasok na sana ako sa kwarto nang biglang magsalita si Alexa. “You know what my dear step-sister, wag ka ng mangarap na dad will treat the way he treats me. Isa ka lang namang bastardo, nagtataka pa nga ako kung ba't nabuhay ka pa? Well anyway, throw all your hopes, masasaktan ka lang.” She said at pumasok na sa kwarto niya. Yes, bastardo lang ako, anak ako ni Dad sa ibang babae. Ayon kay Tita Lucy ay nakilala daw ni dad ang nanay ko sa isang bar, may nangyari daw sa dalawa kaya naman nabuo ako. Hindi daw ako kayang buhayin ng nanay ko dahil 'yun lang daw ang trabaho nito kaya naman iniwan ako nito kay Dad. Sa tuwing tinatanong ko naman si dad kung totoo ba 'yun at kung saan ang bar na 'yun ay nagagalit naman ito, kaya naman hindi na ako nagtanong pa ulit. Masakit man pero wala akong magawa, hindi ako tanggap ng pamilya ko lalong-lalo na ni Dad, buong buhay ko ay hindi ko naririnig na tinawag ako ni dad na ‘anak’ o ipakilala at ipagmalaki man lang kagaya ng lagi niyang ginagawa kay Alexa. Hindi ko na malayang umiiyak na pala ako, ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD