Aleisha's POV Wala sa sariling tumakbo ako, hindi ko namalayang ang daan na tinatahak ko ay ang daan papunta sa silid kung nasaan naka-confine si grandpa. He is the only person I know na pwede kong takbuhan ngayon, na pwede kong lapitan. Nang makarating na ay dahan-dahan kong pinihit pabukas ang siradura ng pinto. Lalo akong napaluha nang makita ang isang tao sa loob na mapayapang nakahiga sa hospital bed, maputla ito at halata sa mukha ang paghihirap, puno ang katawan nito ng iba't-ibang klaseng mga aparatus. “G-Grandpa.” Mahinang usal ko habang lumalapit rito. Nang makalapit na ay agad ko namang niyakap ang walang malay nitong katawan. “G-Grandpa please wake up, I need you.” nahihirapang bulong ko rito. Parang hindi na ako makahinga sa sobrang sakit ng puso ko. Why is t

