Aleisha's POV NANDITO na kami ngayon sa loob ng simbahan, kanina ay nakarating kami rito saktong magsisimula na ang misa, at ngayon ay patapos na ito. Naibigay ko na rin kay Nanay Miranda ang pagkaing inihanda ko para rito. Mamaya ay ako naman ang magbabantay roon para makapagpahinga na rin si Nanay Miranda sa bahay. Napapagitnaan namin ni Xavier ang mga bata na tahimik lang na nakikinig sa pari na nagsasalita sa unahan. Kanina ko pa rin napapansin na panay ang tingin ng mga kababaihan kay Xavier. Panay ang paghawi ng mga buhok nito, may iba pa ngang ibinababa ang pang-itaas nilang damit para mag-hello ang kanilang cleavage. At ako nalang ang nahihiya para sa mga ito. Sa loob pa talaga ng simbahan? Sa tahanan ng Diyos? “Ay! Ang gwapo naman! Parang artista! Ngayon ko lang siya naki

