Aleisha's POV Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, gagalaw na sana ako ng makaramdam ako ng sakit sa may pwetan, pati na rin sa braso at mukha. Nang tignan ko ang braso ko ay namamaga ito, halos nagkulay ube na ang mga pasang natamo ko mula kay Xavier kagabi. Ramdam ko rin ang pamamaga ng labi ko. Agad ko namang naalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan akong tumayo. Nandito pa rin ako sa bodega. Nang sinubukan kong buksan ulit ang pinto ay laking pasasalamat ko ng hindi na ito nakalock. Paika-ika akong naglakad palabas habang ipinapalibot ang paningin ko, at halos mapatalon ako sa gulat nang marating ko na ang salas at nakita si Xavier roon na prente at nakadekwatrong nakaupo sa mahabang sofa habang nanonood ng balita

