Chapter 23

1538 Words
“Karaaaaaaa!” Tawag sakin ng isang maarteng boses. Liningon ko naman ito. Si Christine nga. “Ikaw ha? Hindi ka man lang nagpaalam samin nong umalis ka sa bar” Sabi nito na may halong tampo ang boses. “S-sorry” sambit ko lang dito. “Hmmmm, but that’s okay, pinaliwanag naman sakin ni Matthew kung bakit ka umalis. Ikaw ha? You have a boyfriend pala.” Sabi nito at tinignan pa ako ng nanunukso. “Boyfriend? Wala akong boyfriend” sabi ko naman dito. “Don’t me, nakita raw kayo ni Matthew yung hot na owner ng bar na sinundo ka raw ng boyfriend mo.” Sabi nito at parang kinikilig pa. Nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy nito ay napabuntong hininga nalang ako. “By the way Kara, do you have gown na?” Sabi nito at nagtataka naman akong liningon ito. “Gown?” Ulit na tanong ko “Yes, acquaintance party na next week, don’t tell me hindi ka na naman pupunta” “Hindi nga” sagot ko dito. “Kara! Come on! Minsan lang yon mangyari” pagpupumilit niya sakin. “Pagiisipan ko” sabi ko nalang dito at umupo na kami sa klase, sakto naman at dumating na rin ang prof. Pagkatapos ng klase ay tinawagan ko na si Sandro. Sabi niya kasi ay siya ang susundo sakin ngayon kaya excited akong umuwi. Kanina ko pa ito tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Nauna na ring umuwi si Christine sakin dahil may pupuntahan pa raw ito. Ilang minuto na rin akong nakatayo dito pero wala paring Sandro ang nagpapakita, ni kahit text ay wala kung masusundo ba niya ako o hindi. Nang hindi ko na ito nahintay ay naglakad na ko papuntang terminal. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mainis. Lahat ng batong madaanan ko ay sinisipa ko na rin. Ayaw ko namang tawagan si Kuya Dan at nahihiya ako. Pagdating ko ng terminal ay mabuti nalang at isa nalang ang kulang sa jeep at sumakay na ako kaya nakaalis agad ito. Pagdating ko ng bahay ay mabuti nalang at wala pa si Sandro. Ayaw ko munang makita ito at naiinis ako sa kanya! “Oh Kara! Ikaw pala yan, halika kain na tayo habang wala pa si Sandro” yaya ni Nay Nena nang pumasok ako ng kusina. Nakaupo na rin sila Bridget at ate Connie. “Sige po nay” sabi ko naman at mabilis akong umupo sa bakanteng upuan at kumain. “Oh Bridget, yang bibig mo ha? Itikom mo muna baka mamaya marinig ka ni Sir Sandro.” bigla ay sabi ni ate Letty. Nag-angat naman ako ng tingin sa mga ito at tinignan ko si Bridget na parang nagtatanong. “Mamaya na” sabi nito sakin at tinuloy ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas at magligpit ng mga pinagkainan namin. “Ako na ho bahala dito, magpahinga na po kayo” sabi ko sa kanila nang magsitayuan ang mga ito. “Naku sigurado ka ba iha? E baka pagod ka galing sa eskwela?” Tabong naman ni Nay Nena. “Hindi ho Nay, ok lang po” sabi ko nalang dito at nginitian ko ang mga ito. Nagpahuli naman si Bridget nang umalis na ng kusina sina Nay Nena. “Alam mo na ba?” Umpisa nito sa kwento niya. Tinignan ko naman ito na naghihintay ng kasunod na sasabihin habang naghuhugas ako ng plato. “May pumuntang babae kanina dito, sabi niya girlfriend daw siya ni Sir Sandro” Bulong nito sakin. “Girlfriend?” Tanong ko dito. “Oo, kaya tinawagan ni Nay Nena si Sir Sandro kanina. Pag alis na pag alis mo kanina nung pumunta dito yung babae e” Nakuyom ko ang palad ko sa mga narinig ko, pero hindi ako naniniwala, baka isa lang sa mga naghahabol sa kanya yon. “Naku! Simula talaga nung naghiwalay si Sir Sandro at Nica e parang bumabalik daw sa dati si Sir Sandro.” Dagdag na sabi pa nito. “Baka naman nagkamali lang yung babae sa napuntahang bahay?” Tanong ko dito. “Nagkamali? Hello? Sandro Del Mundo nga ang hinahanap e” sabi nito at umirap pa. “Sige na dyan ka muna at papasok na ko sa kwarto” sabi nito at umalis na. Napaisip ako sa mga sinabi ni Bridget sakin. Bumabalik sa dati? E ano ako? Libangan niya? Pagkatapos kong magayos sa kusina ay lumabas na ako dito at papasok na rin sana ng kwarto namin nang makita ko si Sandro na paakyat ng hagdan, hindi niya ako napansin at tuluy tuloy lang ito sa paglalakad kaya naman hinabol ko ito, wala pa sya sa kalahati ng hagdan nang tawagin ko ito. “Saan ka galing?” Lakas loob na tanong ko dito. Natigilan naman ito at humarap sakin. “The hell you care?” Sabi nito na ikinagulat ko. ‘Ikaw na nga may atraso sakin, ikaw pa itong ganyan magsalita!’ Gusto kong sabihin pero iba ang lumabas sa bibig ko. “Kumain ka na?” Tanong ko nalang dito at baka magaway pa kami kung bakit hindi niya ako sinundo kanina. Pero ni lingunin ako ay hindi niya ginawa hanggang sa makapasok ito ng pinto ay nandon parin ako sa dulo ng hagdan. Naiiyak ako sa galit at sa sakit na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko magawa dahil parang pakiramdam ko ay wala akong karapatan. Pinaasa ba niya ako? O talagang ako lang ang nagbigay ng kahulugan sa mga pinapakita niya sakin. Napabuntong hininga ako at pumasok ng kwarto, nagbihis ako ng damit at naghilamos saka ako nahiga sa kama. Tinext ko muna ang nanay bago ko patayin ang cellphone ko. ** Linggo ngayon at nandito ako sa mall kasama si Christine, day off ko kasi ngayon kaya pumayag nalang ako dito na samahan ito. Hindi kasi niya ako tatantanan hangga’t di ko sya sinasamahan mamili ng gown para sa acquaintance party sa school. “Kara! You choose na kung ano ang gusto mong gown” sabi nito sakin. Nandito kami ngayon sa bilihan ng mga gown at pwede rin namang magpagawa daw dito kung may gusto kang ibang design. Mukhang mamahalin lahat ng nandito. Ginto ang presyo ng lahat ng makita ko. Balak ko kasi ay magrent nalang ng gown na tig limang daan sa palengke ang gagamitin ko pero hindi ito pumayag at sinama ako dito sa mall. Hindi rin sana ako aattend ng acquaintance party pero mapilit talaga ito. Umiling lang ako dito. Sinabi ko naman dito noong una palang na wala akong pera and hindi ako tulad nila na pinanganak na mayaman na Scholar lang ako sa pinapasukan naming eskwelahan. “My treat Kara, please, just let me dress you up, come on!” Pilit pa nito sakin. “Pero mahal kasi dito e” giit ko pa. Pinaningkitan niya ako ng mata at bigla itong tumayo at siya na ang namili ng gown para sakin. Nakapili na kasi ito ng gown niya at ang napili niya ay itim na gown na bumagay din sa mapuputi at makinis niyang balat. Maganda si Christine kaya kahit anong ipasuot din yata dito ay bagay nito. “Oh My Gosh! I love this! Come! Take a look at this one! Bagay na bagay ito sayo!” Sabi nito at hinila pa ako palapit sa gown. Nang makita ko ito ay pati ako napamaang ang labi. Simpleng red gown lang ito pero anglakas ng dating. Maya-maya pa ay pinasukat niya sakin ang gown, aayaw pa sana ako pero wala na akong nagawa nang itulak niya ako papasok sa dressing room. Pagkasuot ko ng gown ay nakita ko ang sarili sa salamin at hindi ko lubos maisip na pati ako ay nagagandahan sa sarili ko ngayon. Sobrang litaw din kasi ang kaputian ko dito sa gown. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nang makita ako ni Christine at nang ibang staff ay napangiti ang mga ito. “Oh My Gosh! You look so damn gorgeous Kara!” Tili nito at tinapik ko ito kasi nakakaagaw na kami ng atensyon sa loob at pati sa labas ng boutique. “I love this! We’ll take this!” Sabi nito at tinawag ang staff para ipabalot yung gown. “Ok, so next stop is our shoes” sabi nito at napatigil ako. “Christine, tama na ha, ok na ako dito, ikaw nalang bumili, please” sabi ko dito, dahil hiyang hiya na ako sa binili niya sa akin na gown. “But—“ Magsasalita pa sana ito pero pinutol ko na agad ang sasabihin niya. “May heels pa ako doon na hindi ko nagagamit, ok na yon dito sa binili mong gown” sabi ko dito at napabuntong hininga naman ito sa sinabi ko. “Okay” sabi naman nito saka hinila na ako papasok sa isang bilihan na naman ng sapatos. Nakaupo lang ako sa gilid at hinayaan ko itong mamili ng heels nito. Habang namimili ito ng heels ay inabala ko muna ang sarili ko sa panonood ng mga taong dumadaan sa labas. Nagulat naman ako nang makita akong pamilyar na babae na pumasok ng shop at ang hindi ko inaasahan ay ang ang kasama nito. Si Sandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD