SANDRO’s POV
Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko habang nandito ako sa opisina. Nang icheck ko ang caller ID ay walang iba kundi si Aron.
Hinilot ko muna ang sentido ko bago ko ito sagutin.
“What?” Inis na tanong ko sa kabilang linya habang pinipirmahan ko ang huling papeles na kailangan kong pirmahan.
“Where you at?” Tanong nito na halatang nasa bar na naman.
“Obviously, I’m at work you fucker!” Inis na sabi ko dito at narinig ko itong humalakhak.
“Hoy Del Mundo! Masyado ka nang maraming pera, wag ka masyadong workaholic! The squad is here at Thew’s, halika na!” Sabi naman nito at narinig ko rin ang iba naming kaibigan na kinakantyawan ako. Napangiti nalang ako at umiling iling. Thew’s Bar ay pagmamay ari ng kapatid kong si Matthew, 2 pm ito nagbubukas until 2 am.
I miss hanging out with them. This is my life noong hindi ko pa gitlfriend si Nica. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko na naman si Nica. Damn it! I miss her!
College palang kami ay kasama ko na si Nica, nasa iisang circle lang kasi kami hanggang sa nagkagusto ako sa kanya dahil siya lang ang bukod tanging kumokontra sa akin. Siya rin ang naggaguide sakin kapag nawawala ako sa focus noong college sobrang bulakbol ko kasi noon, my family and friends do really know na may sarili akong desisyon lagi, wala ni isang pwedeng humadlang doon, except Nica, kapag siya na ang nagsalita para akong maamong tupa na sumusunod agad dito.
She’s a No Boyfriend Since Birth sa circle namin dahil sobrang strict ng parents niya pero sumasama siya sa mga gimik namin noon kaya yon din ang nagustuhan ko sa kanya. Kaya naman nagconfess ako ng feelings sa kanya noong pagkagraduate namin ng college and to my surprise, pareho lang pala kami ng nararamdaman pero sabi niya kailangan ko parin siyang ligawan kaya doon ako mas humanga sa kanya until sagutin niya ako after ilang years, yes taon ko rin siyang niligawan and after that I proposed to her and she said yes.
She’s been my home in that 3 years of being with her pero hindi ko alam na lolokohin din pala niya ako. Kapag naaalala ko yung ginawa niya parang gusto kong gumanti pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya. We’ve been through a lot! Pero nasayang lang lahat. Pero aaminin ko hanggang ngayon ay umaasa parin akong babalik siya sakin. After that day that we broke up, hindi na siya nagparamdam but I’m still waiting for her. Damn it!
Napabuntong hininga nalang ako.
“Fine. I’ll be there in an hour” sabi ko dito. Ang aga naman nilang magyaya alas tres palang ng hapon ah.
Habang nagdadrive ako papuntang Thew’s ay nakareceive ako ng text galing kay Kara na katatapos lang ng exam niya. Hindi ko na ito nireplyan at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.
I don’t know what I really feel for her. Pati ako ay naguguluhan na rin kaya noong tinanong niya ako isang beses ay iniba ko nalang ang usapan.
Pagdating ko sa room kung saan nandoon yung mga kaibigan ko ay agad akong sinalubong ni Aron.
“Del Mundo! Here you go” at inabutan niya ako ng isang bote ng beer at hinila sa tabi ng isang babae at umupo. ‘Maganda siya pero mas maganda si Kara.’ Sabi ko sa isip ko. Inisang tungga ko ang beer na binigay sakin ni Aron baka sakaling mawala sa sistema ko si Kara.
Nang medyo napaparami na ang nauubos naming alak ay nagkayayaan na maglaro ng billiards at syempre kapag si Aron ang nagyaya ay laging may consequence. Alam ko likaw ng bituka nito.
Kapag nanalo hahalikan ko ang katabi ko at kapag talo iinom ng alak. Weird, but I kinda’ like it.
Nang magsimula na ang laro ay ramdam ko na pinapatalo ni Aron ang sarili niya hanggang sa ako ang nanalo at naghiyawan pa ang iba naming kasama doon nang humarap ako sa katabi kong babae na kanina pa nakakapit sakin, alam kong sinasadya nito na idikit ang dibdib niya sa balikat ko. Lalaki ako at alam kong nagpapakita ito ng motibo. Hinalikan ko nalang ito ng medyo matagal at hinapit ko pa ito sa bewang pero 10 seconds lang, ayon sa laro at pagkatapos non ay humiwalay din ako agad.
“s**t! That’s the real Sandro Del mundo!” Sabi ni Adrian at naghiyawan pa ang iba, natatawa naman akong umiling iling at umupo sa table saka chineck ang phone ko. It’s already past 6 at hindi pa ako lasing, ni hilo wala pa akong maramdaman.
May nareceive akong text mula kay Kara na malelate daw ito ng uwi. Tinawagan ko naman ito agad pero hindi ito sumasagot pati mga text ko hindi niya nirereplyan.
Mabilis akong tumayo at pumunta ng CR saka siya tinawagan uli pero hindi talaga siya sumasagot.
Pagbalik ko sa table ay tinapik ko ang balikat ni Aron saka nagpaalam.
“Ang aga pa aalis ka na?” Tanong nito.
“Urgent” sabi ko dito at nagpaalam na rin sa iba naming kaibigan.
Palabas na sana ako ng Bar nang may tumawag sa pangalan ko.
“Sandro! What are you doing here?” Si Matthew. Nilapitan ko naman ito.
“I saw your hot maid, over there” sabi nito at nagulat ako sa sinabi nito, tinuro naman niya ang table kung saan niya ito nakita.
Napabuntong hininga ako at mabilis lumapit dito. Magisa niyang nakaupo sa table at umiinom.
KARA’s POV
“What do you think you’re doing?” sabi ng isang boses na halatang galit.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Sandro na nanlilisik ang mga mata. Inirapan ko ito at ininom ang natitirang alak ni Christine na kanina ko pa iniinom. Medyo may tama na rin ako. Ganito pala ang tama ng alak, para akong nakalutang. Parang tumapang akong salubungin ang galit na tingin ni Sandro sakin.
“Tatayo ka diyan o bubuhatin kita palabas? You choose.” Galit na tanong parin niya sakin. Hindi ko ito pinansin at nagkunwaring wala siya sa harapan ko.
Maya-maya pa ay nagulat ako sa sumunod na ginawa nito. Binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas, gamit ang isang kamay niya at sa kabila naman ay ang mga gamit ko, napahiyaw pa ako sa gulat na nakaagaw ng atensyon sa ibang tao sa loob ng bar, mabuti nalang at wala yung mga kaklase ko, nasa dance floor sila nagsasayawan at ako lang ang naiwan sa table namin.
Napalingon naman ako sa mga tao sa paligid habang buhat buhat niya ako at nakita ko ang isang lalaking tumatawa sa gilid, parang pamilyar ang mukha niya, hanggang sa napagtanto kong ang kapatid ni Sandro iyon. Nakakahiya!
“Ibaba mo ako! Ano ba?” Sigaw ko pero hindi parin niya ako binababa. Parang wala itong naririnig.
“Sandro!” Tawag ko pa dito pero wala parin. Hanggang sa nakarating kami ng parking lot.
“Ano bang problema mo?!” Sigaw ko dito.
Parang nauubusan na ito ng pasensya at binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya.
“GET.IN.THE.CAR.NOW!” Sigaw nito at para akong natakot sa boses nito kaya padabog akong sumakay sa loob. Nagulat pa ako nang malakas niyang sinara ang pinto ng sasakyan niya.
Walang imik itong sumakay sa loob at pinaandar ang sasakyan. Para itong nakikipagkarera sa bilis niyang magpatakbo.
“Sandro. Dahan-dahan naman” sabi ko pa dito pero mas lalo pa niyang binilisan ang takbo nito. Parang unti-unti kong nararamdaman ang hilo ko at parang babaliktad ang sikmura ko.
Napatakip ako sa bibig ko at mabilis ko itong tinapik. Liningon naman niya ako at binagalan nito ang takbo saka tinabi ang sasakyan sa gilid ng daan.
“f**k!” Narinig ko itong nagmura at mabilis itong lumabas ng sasakyan at umikot sa side ko. Binuksan nito ang pintuan at binaba ako sa sasakyan at pinasuka niya ako sa gilid ng daan. Habang tinatali niya ang buhok ko. Mabuti nalang at walang tao.
Suka lang ako ng suka hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong maisuka. Binigyan naman niya ako ng tubig at ininom ko agad ito.
“Ano? Iinom ka pa?” Galit na tanong nito sakin. Pero di parin ako umiimik.
Pagkatapos kong sumuka ay inalalayan na niya ako papasok sa sasakyan at kinabit niya sakin ang seatbelt. Hindi ko na ito masyadong inintindi dahil nahihilo talaga ako hanggang sa makatulog ako.