Chapter 30

1300 Words
Tulad nga ng napagusapan ay sinundo ako nung tatlong magkakapatid dito sa bahay ni Sandro, nasa opisina si Sandro nang mga oras na ito at hindi ko na sinabi sa kanya dahil sabi ni Ashley ay ipagpapaalam niya raw ako dito. Siguro talagang wala lang itong pakealam tulad ng sabi ni Ashley. Nagtataka ako kagabi dahil ang weird ng mga actions niya dahil bago pa ito umalis sa kusina ay sinabihan pa niya ako na magpahinga na. Binati naman nila ako nang makasakay ako sa loob ng sasakyan. “Hello our beautiful sister in-law!” Sabi ni Matthew na siyang driver namin ngayon at nasa tabi nito si Gabriel na nagcecellphone at tinanguan naman ako nito nang makita ako. Nasa tabi ko naman si Ashley na walang sawang dumadaldal na sinasagot naman ni Matthew lahat ng tanong nito at nang makatulog si Ashley sa biyahe ay nagsoundtrip naman si Matthew narinig ko pa itong nagsalita “sa wakas” sabi nito at natawa naman ako. Naiingayan na rin siguro ito sa kakulitan ng kapatid. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa buong biyahe hanggang sa makatulog ako. Naalimpungatan nalang ako sa mahihinang tapik ni Ashley sa balikat ko. “Wake up, we’re here” sabi nito na nakangiti pa. Alas sais na ng hapon nang makarating kami sa resort. Kahit hapon na ay napakaganda parin dito. Damang dama ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Tinulungan naman kami nila Matthew at Gabriel sa pagbitbit ng mga gamit namin nang makababa na kami ng sasakyan. Nang pumasok na kami sa lobby ng hotel ay binigay na samin ang mga susi. Magkakwarto si Matthew at Gabriel at kami naman ni Ashley ang magkasama sa room. “Let’s go, para makakain na tayo” sabi ni Matthew. Nang makapasok na kami sa kwarto ay halos mapanganga ako. First time ko kasing makapasok sa ganitong mga hotel. Pagkatapos naming magayos ng mga gamit ni Ashley tumawag na si Gabriel dito at pinapababa na kami para kumain. Agad naman namin silang nakita nang makababa kami at sabay sabay na kaming tumayo at kumuha ng pagkain. Buffet kasi ito at mukhang masasarap lahat ng nandito. Pero syempre ang kinuha ko lang ay ang alam kong pagkain. Halos wala kaming usap-usap habang kumakain dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe lalo at gabi na rin. Maya-maya pa ay nagring ang cellphone ni Ashley, nakita kong tinignan lang niya ito pero hidni niya sinasagot. Nakita ko namang nakatingin si Matthew at Gabriel dito at nakita kong nginisihan ni Ashley ang mga ito ay natawa rin ang dalawa. ‘Anong meron?’ Ani ko sa isip. Nang tumigil na ang cellphone ni Ashley sa pagtunog nito ay sumunod naman ang cellphond ni Gabriel at tulad nga kanina ay hindi rin nito sinagot ang tawag hanggang sa nagtawanan na silang tatlo. “Bakit?” Tanong ko sa mga ito. “Nothing” sabi ng mga ito at sabay sabay pa kaya natawa na naman sila kaya pati ako ay natawa na rin kahit hindi ko alam kung ano’ng tinatawanan nila. Lakas din ng trip ng mga ito. Si Sandro lang yata ang seryoso sa buhay. Maya-maya pa ay tumunog na rin ang cellphone ni Matthew pero nakakatatlong ring palang ay sinagot na niya ito at niloud speaker pa niya ito. “Yes?” Sabi nito na nagpipigil ng tawa. “Where’s your exact location?” Sabi ng nasa kabilang linya. Nabosesan ko naman ito at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Kung sasabihin ko ba pupunta ka ba dito?” Nakakalokong tanong ni Matthew dito. “Just answer me” Madiin na sabi nito. “Bakit ka pa tumawag kung hindi ka rin naman pala susunod dito?” Sabi naman ni Matthew. “Where is she?” Pagiiba naman nito sa usapan. “Who?” Kunwaring tanong ni Matthew. “Kara! You dimwit!” Sagot ng nasa kabilang linya. Bigla namang naginit ang mga pisngi ko at may ngiting gustong kumawala pero pinigilan ko. “Kara? She’s not here” sabi ni Matthew at napakunot naman ang noo ko dito. Sinenyasan naman ako ng mga ito na wag maingay. Tahimik lang kaming nakikinig sa usapan ng dalawa. “Sasagot ka ng maayos o papatayin kita?” Pagbabanta ni Sandro dito at natawa naman ang mga ito sa sinabi niya. “Relax bro, she’s with us. Are you coming?” Natatawang sabi ni Matthew dito. “Give me the exact address” pagkasabi nito ay pinatay na niya ang tawag at nagtawanan na naman ang mga ito. Nang matapos kaming kumain ay nagsiakyatan na kami sa kwarto para makapagpahinga. Alas nwebe na ng umaga ng magising kami ni Ashley, pinauna ko na siyang maligo dahil alam kong marami pa itong ilalagay sa mukha at katawan. Hinanda ko na ang susuotin kong t-shirt at short na pinahiram sakin ni Bridget. Paglabas nito ng banyo ay ako naman ang naligo at nang makapagpatuyo ako ng buhok sa blower ay lumabas na ako. Nagtaka naman ako dahil hindi ko alam kung nasaan ang hinanda kong damit na nilagay ko lang dito sa ibabaw ng kama. “Ash? Nakita mo ba yung damit ko?” Tanong ko dito at lumingon naman ito. “Yes, binalik ko sa bag mo” sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. “You’re not wearing that, ito ang suotin mo” sabi nito at binigay sakin ang isang pares ng two piece na kulay pula. “H-hindi ako nagsusuot ng ganyan” sabi ko dito at talagang umatras pa ako. “Pwes! Ngayon masanay ka na, hindi tayo aalis dito hangga’t hindi mo sinusuot to” pilit nito at wala na akong nagawa nang itulak niya ako sa loob ng banyo. Pagkasuot ko nito ay lumabas na ako ng banyo at nagulat pa ako nang magtititili si Ashley. “Oh my gosh! You’re so hot!” Sabi nito na parang kinikilig pa. Litaw na litaw kasi ang kaputian ko dito at kitang kita ang bawat kurba ng katawan ko. “W-wala ba akong pwedeng ipatong dito?” Tanong ko sa kanya. “Wala, ano ka ba? You have a beautiful body don’t hide it” sabi pa nito at kinindatan ako. Hindi pa ito nakuntento ay hinila niya ako sa upuan at nilagyan ng lipgloss ang labi ko. “Hayaan na natin yang hair mo kasi mas maganda yan na nakalugay” saka niya ako hinila palabas ng kwarto. Hiyang hiya ako habang naglalakad dahil andaming tumitingin sa aming mga turista mapababae man o lalaki. Agaw atensyon talaga ang suot ko. Maya-maya pa ay nakita na namin sina Matthew na nakaupo sa canopy at may mga beer sa harap ng mga ito. Hindi pa nila kami napapansin kasi naguusap usap ang mga ito. Nagulat naman ako nang biglang dumating sa pwesto nila si Sandro at prenteng umupo. Bumilis sng t***k ng puso ko, parsng gusto ko nalang bumalik sa kwarto. Akala ko ba hindi to pupunta? Nakasuot si Sandro at Gabriel ng polo na nakabukas ang butones at shorts at si Matthew naman ay nakasando. “Hey guys!” Tawag ni Ashley dito at tumingin naman silang lahat. Halata ang gulat sa mga mata nila. Lalo na si Matthew. “Damn” mahinang sabi ni Matthew pero narinig parin namin. Pasimple namang sinuntok ni Gabriel ng mahina ang tiyan nito. Narinig ko namang tumikhim si Sandro at tinignan si Matthew. “Uhm.. kuha lang ako ng ice, mainit e” sabi ni Matthew at tumayo. Umupo na rin si Ashley at kumuha ng inumin. Ako naman ay nahihiyang umupo sa tabi ni Sandro dahil ito nalang ang bakanteng upuan. Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Mabuti nalang at maingay na nagkekwentuhan yung tatlo kaya kahit papano ay nabawasan yung awkwardness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD