Isang malakas na tunog ang nagpagising sa akin kinabukasan. Kinapa ko pa ang cellphone ko sa bedside table saka ko minulat ang isang mata ko para silipin kung sino ito. Nang makita kong unknown number ito ay pinatay ko nalang. Baka wrong number. Maya-maya ay nagring uli ito at marahas akong bumuntong hininga. Nang tingnan ko uli ang screen ng phone ko ay same number ng tumawag ilang segundo palang ang nakakalipas. “Hello?!” Galit na sagot ko dito dahil naputol ang tulog ko. “This is Sandro” sabi naman nito sa kabilang linya na nagpabalikwas sakin ng bangon. Bumilis ang t***k ng puso ko at para itong lalabas dahil sa lakas. “B-bakit?” Tanong ko dito. “Hindi muna ako makakapag file ng annulment. Marami pa akong inaasikaso. I’m a busy person. If you want to file, then file it on your ow

