SANDRO’s POV “SANDRA!” isang malakas na tinig ang narinig ko mula sa aking likuran at nilingon naman ito ng bata. “Daddyyyy!” Sagot naman nito sa tumawag sa kanya at tumakbo na ang bata sa daddy daw nito. Mabilis naman akong tumayo at naglakad palayo. Hindi na ako lumingon sa mga ito. Ilang minuto ko palang nakakasama yung bata pero parang nalungkot na ako agad nang tawagin niya ang daddy niya at basta nalang ako iwan sa pwesto namin. Sakto namang pagpasok ko ng boutique ay nasa cashier na si Ashley at katatapos nitong magbayad. Kinuha ko naman sa kanya ang mga paperbag at lumabas na ng boutique. Napalingon naman ako sa stall ng doughnut kung saan ko iniwan ang mag-ama at nakita kong wala na sila dito. “Nasaan na yung bata?” Tanong ni Ashley. “Tinawag na ng daddy niya.” Simpleng sag

