Nandito ako sa sala ngayon at nagpupunas ng mga bintana nang may tumawag sakin.
“Kara, can we talk?” Sabi nito.
“S-sir Sandro” sambit ko lang dito.
Tinignan nya lang ako at sinabing sumunod ako rito. Nagaalangan naman akong sumunod dito hanggang sa narating namin ang pintuan ng guest room.
“S-sir?” Tawag ko dito nang akmang papasok na ito sa loob. Lumingon naman ito sakin na may pagtataka.
“Look, wala tayong gagawin. Kakausapin lang kita” sabi nito na parang nawawalan na ng pasensya. Ang bilis talaga uminit ng ulo nito.
Pagpasok namin sa loob ay humarap sya sakin at nagsalita.
“What happened yesterday is just .. uhm.. wala ako sa sarili kahapon..” pagpapaliwanag niya. “I’m sick, and I don’t know what I’m doing, I — ”
Hindi ko na sya pinatapos at ako na ang nagsalita.
“Naiintindihan ko po sir, wag po kayong magalala, kalimutan nalang po natin yon” sabi ko sa kanya at di na sya nakaimik. “Kung wala na po kayong sasabihin ay babalik na po ako sa trabaho” dagdag ko at tsaka ko sya tinalikuran at lumabas ng kwarto.
Mabilis akong naglakad palayo at naguunahang pumatak ang mga luha ko.
Pakiramdam ko napahiya ako. Bakit ba nasasaktan ako? E nagpaliwanag lang naman sya. ‘Kasi nga umasa ka na may puwang ka sa puso nya’ sabi ng utak ko.
Pumasok ako ng banyo at naghilamos tsaka inayos ang sarili. Paglabas ko ay nakita ko agas si Ate Connie na naghihintay sa pintuan.
“Oh Kara, ikaw pala yan. Gagamit kasi ako ng banyo”
“Ah opo ate, sige po pasok na po” sabi ko dito at payuko akong naglakad para di nya mahalata sa mukha ko na galing ako sa iyak.
Ilang araw ang lumipas at simula nong araw na iyon ay hindi ko na masyadong nakikita si Sir Sandro, kung makikita ko man sya ay nakatalikod ito o di naman ay mapapadaan pero hindi ako nito sinusulyapan. Halatang iniiwasan din ako nito. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.
“Kara, pwede bang pakilagay ang mga damit ni Sir Sandro sa kwarto nito?” Utos ni Nay Nena sakin habang nakaupo ako sa kusina dahil hapon na at tapos na ang aming mga gawain sa loob ng bahay.
“A-ako po?” Tanong ko uli dito. Gusto kong sabihin na ayaw ko pero wala akong magawa dahil ako lang ang nandoon at ang iba ay nasa kwarto.
“Pakiayos na rin sa mga lagayan ha?” Dagdag pa nito. Tumango nalang ako.
Paakyat na ako ng hagdan at habang papalapit ako sa kwarto nito ay pabigat nang pabigat ang mga hakbang ko. Hanggang sa naalala ko na wala pala ito at pumasok sa opisina kaya naman nakahinga ako ng maluwag at binuksan ang pinto ng kwarto nito.
Pagpasok ko ay dumiretso ako agad sa walk-in closet nito at inayos ang mga nalabhang damit. Kumuha pa ako ng upuan at umupo para hindi ako mangalay sa pagtupi ng maayos sa mga damit nya. At nang matapos ay tsaka ko binalik ang upuan sa pwesto nito.
Laking gulat ko nalang nang may makita akong nakasandal sa pintuan ng walk-in closet nito na nakapamulsa. At nang makilala ko kung sino ito ay para akong napapasong nagmadaling kinuha ang tray at lalabas na ng walk-in closet.
Pero lalagpasan ko na sana ito ngunit hinablot nya ang tray at basta nalang tinapon sa kung saan tsaka nya ako mabilis na sinandal sa pader.
Heto na naman sya. Paano naman ako makakaiwas nito kung ganito naman sya kapag natataon na kaming dalawa lang.
“S-sir, l-labas na ko” sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya.
“Iniiwasan mo ba ako?” Tanong nito bigla.
“H-hindi po s-sir” mabilis na sagot ko pero hindi parin ako nakatingin sa kanya.
“Then look at me” maawtoridad na sabi niya.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nagsisi ako dahil ilang dangkal lang ang layo ng mukha ko sa mukha nya. Amoy ko ang mabangong hininga nito at ang pabango nito na gustung gusto kong inaamoy lalo na pag nasa paligid lang sya o kaya ay napapadaan.
“Bakit mo ako iniiwasan?” Tanong pa nya.
“K-kasi po ayaw ko na pong maulit ang nangyari noon” sabi ko dito na nakatingin sa mga mata nya para tigilan na rin nya ako. ‘At baka umasa na naman ako’ gusto kong idagdag pero sinabi ko nalang ito sa utak ko.
Napaayos ito ng tayo at tsaka nya ako binitawan at basta nalang umalis. Naiwan naman akong nakatanga doon. Iyon na yon? Dali dali kong kinuha ang tray at umalis ng kwarto nya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako sa kwarto nito. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang pababa ng hagdan. ‘Muntikan na naman akong bumigay’ sabi ko sa sarili ko.
Ngayon ay sabado at nandito si Sir Sandro kasama ang kanyang girlfriend sa bahay at may mga kausap silang mga event planner para sa engagement party nila. Tinuturo nito kung saan ang ilalagay ang mga lamesa at mga palamuti. At heto kami ni Bridget nakamasid lang.
Malapit na pala ito kaya todo ang preparasyon nila, sigurado maraming bisita sa araw na yon lalo at kilalang pamilya sila Sir Sandro at Mam Nica.
Bigla naman kaming tinawag ni Nay Nena para dalhin sa lamesa nila ang meryenda. Nasa hardin kasi ang mga ito sa tabi ng pool. Pagkakuha namin ng meryenda sa kusina ay dahal dahan kaming naglakad patungo sa hardin. Dala ni Bridget ang pagkain at ako naman ay juice. Nang mailagay ni Bridget ang mga pagkain sa lamesa nila ay sinunod ko naman ang mga baso ng juice, dahan-dahan ko itong nilapag sa lamesa, natatakot akong magkamali dahil nakatingin silang lahat sakin.
Napasulyap naman ako kay Mam Nica nang sa tapat na niya ako maglalagay ng juice. Masama itong nakatingin sakin at nang ibababa ko na ito ay pasimple nyang inapakan ang paa ko kaya nabitawan ko ang baso at natapon ang juice sa damit nito.
Nagulat ako pati na rin sila Sir Sandro sa nangyari.
“Oh My God! My dress!” Naghihysterical na sabi nito.
“S-sorry po mam” sabi ko at mabilis akong kumuha ng tissue at akmang pupunasan ko na ito ay bigla nya akong tinulak.
“Sorry?! May magagawa ba ang sorry mo?!” Sigaw nito sakin.
“Babe, calm down” sabi ni Sir Sandro sa kanya pero hindi parin ito tumitigil.
“Paano ako kakalma kung yang maid na yan ay laging sinisira ang araw ko kada pupunta ako dito?!” Sabi nya nang pagalit. Napahilot naman si Sir Sandro sa sentido nito. At ang mga bisita ay parang natatakot na rin sa girlfriend nito.
“Hindi ko p-po talaga sinasadya” nanginginig na sabi ko dito. Ultimo si Bridget na nasa tabi ko ay hindi makaimik. Unti-unti na ring nagsidatingan sila Nay Nena at Ate Letty at Connie.
Nilingon ko si Nay Nena upang humingi ng tulong at nakuha naman nya ang gusto kong sabihin kaya naman ay nilapitan nito si Sir Sandro at bumulong.
Hinila naman ni Sir Sandro si Mam Nica papasok sa loob at ilang minuto pa ay binalikan nya agad ang mga bisita.
“Sorry, maybe we can discuss this again some other time” sabi nito sa mga bisita.
“It’s okay sir, maayos naman na po lahat” sabi ng baklang planner at nagpaalam na ang mga ito at hinatid naman sila ni Ate Connie palabas.
Nang makaalis sila ay binalingan ako ni Sandro. Umalis naman sila Nay Nena at Bridget.
“Now, what?” Sabi nito at napaangat ako ng tingin nang magsalita sya.
“S-sir hindi ko po talaga sinasadya” sabi ko dito.
“Ayusin mo naman ang trabaho mo Kara!” Medyo mataas na boses nito na pilit pinapakalma ang sarili.
“O-opo sir, pasensya na po” sabi ko dito.
Lumapit pa sya ng konti sakin kaya bigla akong natakot.
“Ayaw ko nang maulit ito, or else, you’re fired!” Mahinang sabi nito pero damang dama ko ang gigil nito sa mga oras na to. Halos bumilog ang mga mata ko nang marinig ko iyon kaya natahimik ako dahil na rin sa takot na mawalan ng trabaho lalo at hindi ko pa nababayaran ang mga utang namin ni Nanay.
“Do you understand?” Tanong pa nito.
“O-opo s-sir” sabi ko sa kanya at tsaka sya umalis hanggang sa ako nalang ang naiwan dito.
Nanlalambot na napaupo ako sa upuan at tsaka doon umiyak nang umiyak. Hindi ko namalayan na nilapitan ako ni Bridget at tsaka pinainom ng tubig. Pinagpahinga naman ako ni Nay Nena sa kwarto at pinasamahan ako kay Bridget.
“Ano ba kasing nangyari?” Tanong ni Bridget. Napatingin ako sa kanya.
Kanina ko pa gustong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko magawa. Nang tanungin ako ni Bridget ay doon ako naluha dahil pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi at kinwento ko sa kanya lahat.
“Bruha talaga yung babaeng yon! Naku! Sana hindi matuloy ang kasal nila!” Gigil na sabi nito kaya don ako natawa at nahampas ko ito. Kahit papano ay nailabas ko yung sama ng loob ko.
“Thank you” sambit ko dito.
“Haynako! E sino pa bang magdadamayan kung hindi ay tayo tayo lang din?” Sabi naman nya. Kaya nginitian ko nalang sya.