Chapter 10

2902 Words
"Wow! Kara! Ang ganda ganda mo talaga! Pwede kang maging model!" Saad ni Bridget nang matapos akong ayusan ng mga pinadalang tao ni Mark para sa birthday na pupuntahan namin. Ngayon na kasi yun, pinasuot ako ng mga ito ng silver gown na kita ang cleavage at di talaga ako sanay sa mga ganitong damit pati ang high heels na suot ko sa paa ngayon, kaya paika ika ako maglakad. Lahat sila ay nakatingin sakin ngayon at kitang kita ang tuwa sa mga mukha nila. "Sana all Kara!" Sabi naman ni ate Letty. "Magenjoy ka lang mamaya anak ha? Masaya ako para sayo" sabi naman ni Nay Nena. Tumango nalang ako sa kanila bilang tugon. Maya maya pa ay tinawag na ako ni ate Connie, "Kara, nasa sala na si Sir Mark" tawag nito sakin kaya mabilis naman akong inalalayan nila Bridget sa paglalakad patungong sala. Paglabas namin sa sala ay ganon nalang ang gulat ko nang makita kong nandon din pala si Sir Sandro na bihis na bihis din at sobrang gwapo sa suot nitong tuxedo. Nakalimutan ko, kaibigan din pala ni Sir Sandro yung pupuntahan namin. Halos sabay silang lumingon sakin. Nakitaan ko naman si Sir Sandro ng gulat sa mata nito o PAGKAMANGHA? ngunit saglitan lang ito dahil agad nagbago ang expression nito sa mukha, poker face na naman sya. "Kara, you look so gorgeous" sabi ni Sir Mark na titig na titig sakin kaya nahihiyang yumuko nalang ako at ngumiti ng pilit. Napatingin naman ako kay Sandro at agad na naman itong nagiwas ng tingin at maya maya pa ay nauna nang magpaalam si Sir Sandro samin. "I have to go, susunduin ko pa si Nica." paalam nito. Kasama din pala ang girlfriend nya sa party. (Duh? Tanga ka ba? Nasa iisang circle lang ang mga yan, ikaw nga tong hindi dapat kasama e.) sabi ng isip ko. Napabuga nalang ako ng hangin. "Kami rin bro, magkita nalang tayo sa venue" sabi naman ni Mark dito. Sabay sabay na kaming lumabas ng bahay pero naunang umalis si Sandro. "So?" Panimula ni Mark ng nasa loob na kami ng sasakyan patungo sa pagdarausan ng okasyon. Napalingon naman ako sa kanya at sya naman ay pasulyap sulyap sakin. "Kinakabahan ako" sabi ko dito. "Don't be nervous Kara, kasama mo naman ako." Sabi nito at ngumiti. Nginitian ko nalang din sya. Mabait naman si Mark. Pero hindi ko sya nakikitaan na magiging boyfriend ko o ano man, Kaibigan pwede pa, pero di ko kaya g ibalik sa kanya kung ano man ang gusto nyang mangyari, dahil unang una ay di naman ako tanga para di alam kung ano ang mga pinapakita nya at isa pa ay mayaman ito samantalang ako ay katulong lang. "So, Kara, do you have a boyfriend?" Tanong nito bigla. "Wala po sir, at wala po akong balak" tumingin naman ako sa kanya tsaka ako sumagot. "Aawww di pa man kita tinatanong kung pwede ba akong manligaw e basted na agad ako" sabi nito na animo ay nasasaktan. "Sir, gusto ko lang po linawin na wala po akong nararamdaman o pagtingin sa inyo, at pumayag lang po ako ngayon para po matapos na po ang pangungulit nyo sakin" diretsahang sagot ko dito. Nakitaan ko sya ng pagkamangha sa mukha nito imbes na disappointment. "I know" simpleng sabi lang nya sakin na nakangiti. Nagtataka na tumingin ako sa kanya dahil sa sagot nito. "E bakit nyo pa po ako sinama kung alam nyo pala?" Takang tanong ko dito. "Wala lang, I just want to be friend with you, dahil di ka tulad ng ibang babae na naghahabol, so, doon ako naging interesado sayo at isa pa, you seem so nice." Mahabang paliwanag nito. "Anyway let's just enjoy this night" dagdag na sabi nito na nakangiti at kumindat pa sakin. Tumango nalang ako bilang tugon. Gumaan naman ang loob ko sa sinabi nyang iyon at nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Pagdating namin sa venue na isang hotel ay agad akong napanganga dahil sa nakakalulang taas nito, first time ko kasing pumasok sa ganitong mga mamahaling lugar. Pinagbuksan pa ako ni Mark ng pinto at bago kami pumasok ay inilahad nito ang kanyang kaliwang braso. Dahan dahan naman akong kumapit dito na may pagaalangan. "Smile Kara, remember that you're the most beautiful girl here tonight" Bulong nito sakin. "Sir, naiilang talaga ako sa mga camerang nakatutok satin ngayon, hindi talaga ako sanay sa mga ganitong okasyon, first time ko lang po" nahihiyang sabi ko dito. "Well, let it go, make your first experience be your best, hindi naman kita iiwan, don't worry" pag aassure nya sakin. Doon ay medyo nawala ng konti ang kaba ko. Pagpasok namin sa hotel ay napakadaming tao at mukhang mayayaman lahat. Mukhang nasa kalagitnaan na ang party. Ganito pala magcelebrate ng birthday ang mga mayayaman, grabe! Halos lahat ng tignan ko ay mamahalin. NAKAKALULA! Maya maya pa ay narinig kong nagbulungan ang mga tao ng makita kaming pumasok sa malaking bulwagan at may isang lumapit na lalaki samin. "Hey man!" Bati nito kay Mark. Napalingon naman ang lalaki sakin na may pagkamangha sa mukha nito. "Aron! Man, Happy birthday! Getting older huh?" Bati ni Mark sa kanya. Ah, sya pala yung may birthday. Gwapo rin to, at di rin maikakaila na maraming kalalakihan at kababaihan ang gwapo at magaganda sa lugar na to ngayon. Mukhang mga kilalang modelo at anak mayaman at yung iba ay napapanood ko sa telebisyon. Hindi ko maiwasang mamangha. Ganito pala ang buhay ng mga elitista. Nagpalipat lipat ang tingin ni Aron sa amin ni Mark at nang makuha ni Mark ang tingin na iyon ay pinakilala nya ako. "Oh, Aron, this is Kara, Kara this is Aron, sya yung may birthday ngayon" pakilala nito samin. Ngiting ngiti naman si Aron at inilahad ang kamay sakin. Tinanggap ko naman ito. "Happy birthday" simpleng bati ko nalang dito. "Thank you" ngiting ngiting sagot naman nito sakin. “Ngayon lang kita nakita, are you a model?” Tanong nito bigla sakin. Sasagot na sana ako nang biglang maagaw ng atensyon nito ng kung sino man. "Oh nandito na pala ang hearth throb" sabi nito bigla at nilingon ang bandang likuran namin. Napalingon din kami at nakita kong papalapit na din samin si Sir Sandro at ang girlfriend nya. Nahihiyang yumuko ako dahil naiilang ako sa mga tingin nila sakin. Lalo na ang girlfriend nito, eto na naman ang tingin nya sakin na pinapamukha sakin na di ako nababagay dito. "Hoy Del Mundo! Birthday ko ngayon pero bakit ikaw na naman ang center of attraction ngayon huh? Nagkamali ako, sana di nalang kita inimbitahan!" Pabirong sabi nito at sinuntok pa nito nang mahina ang balikat nito. Natawa naman sila sa sinabi nito maliban sakin dahil hindi talaga ako natutuwa sa mga titig nilang dalawa sakin. “Well, what do you expect?” Mayabang na sagot naman ni Sandro dito. Nagbiruan pa sila hanggang sa pinaupo na nya kami. "Anyway guys, umupo na kayo don and get some food na, may mga waiter din if you need something” turo nito sa bakanteng mesa. Pinauna namin sina Sir Sandro at Mam Nica na maglakad papunta sa table at sa kasamaang palad ay nasa iisang table lang pala kami. Nang makaupo na kami ay bumaling sakin si Mark. “Let’s get some food” yaya niya sakin na parang di nageexist si Sir Sandro at Mam Nica sa table. Kaya napatingin ako sa kanila at ganon nalang ang takot ko nang makita kong masama na ang tingin sakin ni Mam Nica. Mabilis akong tumayo nang ilahad niya ang kamay niya sa harap ko at inalalayan nya akong maglakad. Ayaw ko rin namang maiwang magisa dito kasama yung dalawa. “Pwede bang tanggalin tong heels ko? Hirap na hirap na ko” Bulong ko kay Mark. “Hindi pwede, pero kung ok lang sayo ay buhatin nalang kita.” Biro nito sakin kaya nahampas ko ng mahina ang balikat nya at nagtawanan nalang kami. Andaming choices sa pagkain at halos lahat ay mukhang masarap, pero pinili ko nalang yung mga alam kong pagkain. Pagupo namin ay nagumpisa na kaming kumain ni Mark. Wala pa yung dalawa at napalingon naman ako sa paligid. Sakto namang nagtama ang mata namin ni Sir Sandro na may kausap na dalawang lalaki na hindi nalalayo sa edad nya pero mas gwapo parin talaga si Sandro sa lahat ng nandito. Agad akong nagiwas ng tingin. Nabigla ako sa naisip ko at nakurot ko ng palihim ang kabilang braso ko. Sa kabilang dako naman ay nakita ko si Mam Nica na may kausap na mga babae, na mukhang mga kapwa nya modelo. Parang nawawalan ako ng gana sa mga nakikita ko dahil hindi ito ang mundong nakasanayan ko. Parang nanliliit ako sa sarili ko ngayon. Natapos na akong kumain at nagpaalam muna ako kay Mark na pupunta ng CR. Tinanong pa ako nito kung kailangan nya akong samahan at sinabi kong hindi na. Pagalis ko doon ay naglakad na ako kung saan at nagtanong sa mga waiter na nakikita ko. Tinuturo naman nila kung saan ang Cr kaya mabilis ko itong natunton. Habang nakaupo ako sa loob ng cubicle ay narinig kong may mga pumasok na mga kababaihan at nagkekwentuhan na parang kinikilig. “Grabe, ang hot talaga ni Sandro! Kung hindi lang nya kasama si Nica, I swear! Lalandiin ko talaga sya!” Sabi nung isang babae. “Go girl! You heard about the gossip?” Sabi naman nung isa pang babae. “Nica is cheating, but I don’t know who’s the guy” Dagdag pa nito. Napakunot naman ang noo ko sa mga pinaguusapan nila. Nang matapos ako ay lumabas ako ng cubicle. Nagulat naman sila sa presensya ko at agad nagsi-alisan. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung nakita kong kausap ni Nica kanina. “Malala pala magplastikan itong mga ‘to.” Sabi ko nalang sa isip ko. Pero nagchicheat si Nica? Parang hindi naman, dahil kung makabakod ito kay Sir Sandro e daig pa nya ang pader. Pinagwalang bahala ko nalang ang narinig ko at napagpasyahan ko nalang na bumalik sa upuan namin. Pabalik na ko sa table nang may biglang humarang na mga kalalakihan sa dinaraanan ko. “Hi!” Bati nung isa. “What’s your name?” Dagdag tanong naman ng isa pa. Hindi ako umiimik at nahihiyang yumuko lang ako at aalis na sana ako ngunit mas lalo pa nilang hinarangan ang daraanan ko. “Excuse me, dadaan ako” sabi ko lang sa kanila pero nagtinginan lang sila at nagtawanan. Kinakabahan man ay pinilit kong icompose ang sarili ko para di makaagaw atensyon sa ibang taong nasa paligid ko. Bigla namang nagulat ang isa nilang kasama na parang nakakita ng multo. “Ethan, what’s up?” Sabi ng lalaking nasa likuran ko, boses palang alam ko na kahit madalang ko lang itong marinig at para makasiguro ay liningon ko ito, at doon ay nagsisi ako dahil ilang pulgada lang ang layo naming dalawa. Nagtitigan pa kaming dalawa dahil sa gulat ko. Napayuko naman ako nang ito na ang unang nagiwas ng tingin at tumingin sa mga lalaki. “So, what do we have here?” Tanong ni Sandro sa kanila. Ramdam ko parin ang init ng katawan nya sa likuran ko dahil sobrang lapit nya sakin. “Uhm, nothing, we’re just asking her, what’s her name” sagot naman nung isa. “Her name is Kara” sagot nito sa tanong nung lalaki. “You know her?” Tanong nila pabalik. “Yes, she’s my date, tonight” sabi nito bigla na ikinagulat ko at hinawakan nya ang kamay ko at hinila paalis sa lugar na yon. Gulat na gulat parin ako habang naglalakad at nang makalayo na kami doon ay binitawan nya bigla ang kamay ko at humarap sakin. Napapahiya naman akong nagiwas ng tingin. “Don’t be flatter, I just save you from those asshole” sabi nito na blangko ang mukha. “T-thank you parin” sabi ko nalang sa kanya. “Sinabi ko lang yon sa kanila para di na sila magtanong pa” defensive na paliwanag nya sakin. Tumango nalang ako. “Let’s go” yaya nya sakin. “Nasaan po si Mark?” Takang tanong ko sa kanya, nang makarating kami sa table at hindi ko makita ang anino ni Mark. “May emergency, so he asked me na isabay na kita paguwi ko mamaya kasi wala ka pa kanina. Don’t worry iuuwi kitang ligtas, at wag mo nang hanapin ang wala.” Iritableng sagot nya sakin kaya tumahimik nalang ako at tahimik na umupo habang inaaliw ko ang sarili ko sa panonood ng mga taong sumasayaw sa gitna. Nangingiti rin ako habang nanonood. Pasimple akong lumingon sa table nang maramdaman kong kanina pa may nakatingin sakin. Laking gulat ko naman nang makita kong nasa upuan na rin pala si Mam Nica katabi ni Sandro. Agad naman akong nagiwas ng tingin at tinuon uli ang tingin ko sa mga nagsasayawan. Hindi pa ba kami uuwi? Ngalay na ngalay na ko dito sa upuan dahil ayaw kong lumingon sa harap ko at silang dalawa ang makikita ko. Si Mark naman kasi, may pagsabi pa na di ako iiwan dito pero umalis pa nga nang walang paalam. Naiintindihan ko naman na may emergency syang pupuntahan pero sana sinama nalang nya ako kung saan man yon kesa maiwan ako dito kasama si Sir Sandro at Nica. Maya maya pa ay narinig kong tinawag ako ni Sandro. “Kara, let’s go” yaya nito sakin.Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at sumunod sa kanila. Irap naman ng irap ang girlfriend nito sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Nagpasalamat nalang ako sa Diyos at makakauwi narin ako. Todo kapit naman sa braso nya ang girlfriend nito habang naglalakad kami papuntang parking lot At ako naman ay nakasunod lang sa kanila. Nang makarating kami sa sasakyan nito ay pinagbuksan naman nya agad ng pinto ang girlfriend nya sa harap at sumakay na ito at nang akmang bubuksan ko na rin ang pinto sa likod ay ganon nalang ang gulat ko nang hawakan din nya ito, nagkatinginan pa kami at para naman akong nakuryente kaya napabitaw ako sa pintuan ng sasakyan hanggang sa tuluyan na nya akong pagbuksan. Nagpasalamat nalang ako sa kanya. “Babe, hindi ka ba talaga matutulog sa condo ko tonight?” Biglang Tanong ni mam Nica kay Sir Sandro sa malambing na boses na parang wala ako dito. Napalingon naman ako sa kanila kahit hindi ako interesado at nakita ko naman si Sandro na tumingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Napaiwas naman ako ng tingin. “No babe, maybe some other time, may aasikasuhin pa ako bukas” sabi naman nito at hinawakan ang kamay ni Nica at hinalikan ang likod ng palad nito. “Ok” sabi nalang nito. Pagkahatid namin kay Mam Nica ay umuwi na rin kami ng bahay. Alas diyes na pala ng gabi. Wala naman ako masyadong ginawa doon pero parang pagod na pagod ako. Tinanggal ko na ang suot kong heels nang tumigil ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay. Nandito na pala kami. Akmang bubuksan ko na ang sasakyan nang pigilan ako ni Sir Sandro. “Stay there. Ako na” pigil nito sakin. Pinanood ko nalang ito habang naglalakad papunta sa may door bell at nang bumukas ang gate ay saka ito bumalik sa loob ng sasakyan at minaneho ito. Nakita ko naman si Ate Letty na nag bukas ng gate at humihikab pa. Nang maipark na nito ang sasakyan sa garahe ay saka ako bumaba. Pigil na pigil ko ang daing ko nang maramdaman ko ang sakit ng paa ko dahil sa takong ng sapatos. Tinanggal ko nalang ito at naglakad na nakapaa paa, habang bitbit ang heels. Lumingon naman ako sa likod ko nang marinig ko ang mga nahinang tawa ni Sir Sandro. “What?” Tanong nito sakin at biglang tumigil ito sa pagtawa nang makita nyang huminto ako. “May nakakatawa po ba sir?” Iritang tanong ko sa kanya. “Nothing, it’s just that you’re so cute” walang prenong sabi nito na medyo natatawa pa. Bigla naman itong tumikhim at parang nabigla din sa sinabi nya. Natigilan din ako at gulat na napatitig sa kanya. Gusto kong ulitin nya ang sinabi nya dahil parang nasiyahan ang puso ko sa narinig ko. Dahil sa hiya na rin ay ako na ang unang nagiwas ng tingin at umuna na ng naglakad papasok, hindi na ata kami nahintay ni ate Letty kaya pumasok na ito sa loob at hinayaan nalang nya na nakabukas ang pinto. Nang makapasok kami sa loob ay dire diretso ako ng lakad papasok sa kwarto namin ngunit natigilan ako ng tawagin ako ni Sir Sandro. “Kara” simpleng tawag lang nya sakin pero yung t***k ng puso ko parang lalabas. Lumingon naman ako sa kanya nang malapit na sya sa hagdanan dahil malapit sa hagdanan ang pasilyo papasok sa kwarto naming mga katulong. “You look beautiful tonight” sabi nito sa seryosong mukha. At pagkasabi nito ay umakyat na ito ng hagdanan. Parang aatakihin ako sa puso sa sinabi nito. Gusto kong tumili at magpapadyak sa tuwa. Kaya naman nang naglakad na ako papasok sa kwarto ay hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa magbihis ako at mahiga sa kama, yun parin ang iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD