Sa kanyang paggising —araw ng biyernes, Pebrero katorse taong dalawang libo dalawampu't lima.
"Ma-ma," nanghihinang saad ni Valerie habang unti-unti nitong iminumulat ang kanyang mga mata.
"Ma-ma?" Muli ay tawag niya sa kanyang Ina.
Nanlalabo man ang kanyang paningin —pero malinaw niyang naaninag ang isang imahe, isang imahe na parang nakatunghay sa kanya.
Pilit niyang ibinuka ang kanyang mga mata—purong puting liwanag ang sumalubong sa kanya hanggang sa unti-unti ay rumehistro ang imaheng iyon sa kanyang paningin.
"Heart, kumusta kana?" Ang napaka- gwapong mukha ng nobyo ang kanyang nabungaran, nakangiti ito ng pagkatamis- tamis sa kanya.
"E-enri-co?" Siya ay napangiti, ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan ng makita nito ang maamo at gwapong mukha ni Enrico.
Gwapong- gwapo ito sa suot nitong kulay puting long sleeves at tila ba nagniningning ito na tila isang bituin sa kanyang paningin.
"Heart, a-yos kana? Thank God," naluluhang sambit niya sa nobyo, gusto niya itong haplosin sa mukha ngunit hindi niya magawa dahil sa pakiramdam niya nawalan siya ng maraming lakas.
"Stop crying, shhhh.." dito ay tuluyan siyang napahagulgol,
"A-akala ko iniwan mo na a-ko. Akala ko kung ano na ang nangyayari sa'yo, heart wala bang masakit sa'yo mahal ko?" Ngumiti lamang si Enrico bilang pagtugon.
Ibinuka nito ang kanyang mga braso para siya ay yakapin.
"Magpagaling ka heart, huwag mo akong alalahanin dahil nasa maayos na ako ngayon." Bulong pa sa kanya ni Enrico habang yakap-yakap siya nito ng mahigpit.
"Maraming salamat sa Diyos at maayos kana. Teka," nagtatakang tanong ni Valerie, ng maalala nitong maraming tinamong sugat ang nobyo at maging ang kanyang ulo ay alam niyang napuruhan ito.
"Sigurado kabang a-ayos ka lang? Heart," muli ay kinapa niya ang ulo ng binata ngunit wala siyang makapa na kahit ano—o kahit benda man lamang.
Hinawakan siya ni Enrico sa kanyang dalawang kamay—pinaharap niya ito sa kanya at saka siya ay muling nagwika.
"Heart, this is your day. Bagong buhay para sa'yo, bagong puso para sayo sa araw ng mga puso, sa araw ng kaarawan mo. Happy birthday my heart." Dito tumulong muli ang kanyang mga luha—hindi na niya alam na ito na pala ang araw ng kapanganakan niya.
Sa pagkakatanda niya naganap ang aksidente lunes ng umaga Pebrero atres dalawang libo dalawampu't lima. Ibig sabihin nito labing-isang araw na ang nakakalipas?
"A-a-nong ibig mong sabihin mahal ko?" gusto niyang makumpirma ang lahat, tama ba ang narinig niya? Bagong buhay, bagong puso? Napahawak siya ng wala sa oras sa kanyang dibdib.
"Heart, you mean, ma-may nagbigay ng puso sa a-akin?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa binata.
Ngumiti si Enrico at marahang tumango-tango ito.
"Enjoy your new life, enjoy your new heart. I will be forever grateful that you came into my life, heart, pangalagaan mo sana ang bagong buhay na ipinagkaloob sa'yo ng Diyos." Mataman niyang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng nobyo habang ito ay nagsasalita.
"Oo mahal ko, paka- aalagaan ko ng mabuti ang regalong ito. Salamat sa Panginoon, salamat sa taong nagbigay ng puso niya para sa akin. At salamat sa Diyos dahil matutupad na ang pangarap nating dalawa, bubuo tayo ng sarili nating pamilya." Kung kanina punong-puno ito ng kasiyahan ang mukha ng binata —ngayon naman puro kalungkutan ang kanyang mababanaag sa mukha ni Enrico.
"Mahal kita, palagi mo sana itong tatandaan heart." Muli ay wika nito sa kanya.
"Mahal na mahal din kita heart, I'm sorry na hindi ako nakinig sa paliwanag mo. Patawarin mo ako mahal ko,"
"It's ok, wala kang dapat ihingi ng tawad heart ko, naiintindihan ko." Masuyo nitong hinahaplos ang kanyang mukha, at marahang pinunas ang kanyang mga luha.
"Sige na, matulog ka ulit para makabawi ka ng lakas. Nandito lang ako heart, babantayan kita." Siya ay napangiti, wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam na makasama mo sa tabi mo ang taong pinakamamahal mo.
Pumikit siyang muli, nakangiti at panatag na ang loob dahil sa kaalamang ligtas na si Enrico at siya naman ay malapit nang gumaling.
* * *
Lumipas ang ilang oras, naalimpungatan siya dahil sa ingay na kanyang naririnig.
May nag-uusap sa kung saan, hindi niya mawari kung sinu-sino.
Unti-unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata,
"En-rico?" Mahinang tawag niya sa binata.
"Hmm.. Enrico? Mama?" Sabi niya habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid.
"Tita si Val, gising na." Si Ella na kanyang kaibigan ang unang nakapansin sa kanyang paggising.
"Diyos ko, salamat sa Diyos gising narin sa wakas ang anak ko." Abot-abot ang pasasalamat ni Aling Martha na makitang gising na ang anak.
"Ma-ma, tubig po."
Dali-dali namang kumuha si Ella ng tubig, inalalayan siya nito para ito ay painumin.
"Tatawagin ko lang ang doktor anak, naku salamat at gising kana." Nagmamadaling lumabas ang Ginang at pagbalik nito kasama na nito ang isang doktor.
"Kumusta ang pakiramdam mo Valerie? May masakit paba sa'yo?" Tanong ng doktor habang panay ang pagcheck nito sa vitals ni Valerie.
"So far so good, masasabi kong tagumpay ang unang operasyon namin sa paglilipat ng puso kay Valerie," namamangha siya dahil sa tinuran ng Doktor.
Ayon sa doktor siya ang kauna-unahang pasyente nila na sinalinan nila ng bagong puso.
"Doc, pwede ba naming malaman kung sino ang donor?" Tanong naman ni Aling Martha. Noong araw na dinala si Valerie sa hospital tinapat na sila ng doktor, sa lalong madaling panahon kailangang makahanap na sila ng heart donor.
Hindi nila malaman ang kanilang gagawin, at ganoon na lang manlumo si Aling Martha noong nalaman nilang naaksidente si Enrico na tanging pag-asa nila para maoperahan ang anak.
Gulong-gulo ang isip nila ng mga sandaling iyon. Hindi niya kakayaning mawalan ng anak—at ganoon na lamang ang paghihinagpis niya noong mabalitaan niyang nasawi si Enrico.
"Ahm, Misis kasi—ayaw ipaalam ng pamilya ng donor ang kanilang pagkakakilanlan. Very private kasi ang pamilyang iyon,"
"Gusto ko sanang magpasalamat doktor," hindi nakaimik ang doktor at pinakatitigan niyang mabuti si Valerie .
"Kung sino man siya, nakakatiyak akong masaya sila na napunta kay Valerie ang puso ng anak nila. Misis, pagpasensyahan ninyo pero hindi ko masasabi sa inyo kung sino ang donor." hinging paumanhin ng doktor.
"Ahm, naiintindihan po namin doktor. Maraming salamat po ulit."
"Ang masasabi ko lang ngayon, magpalakas ka Valerie. Ingatan mo ang bagong puso mo iha," siya ay ngumiti at buong pusong itinapat ang kanyang palad sa kanyang dibdib.
"Aalagaan ko ang pusong ito, ang pusong ito na nagbigay ng bagong buhay sa akin. Salamat sa'yo kung sino ka man, makakaasa kang aalagaan ko ito para sayo." Sambit niya ng nakangiti sa harapan nilang lahat.
Nagpaalam ang doktor at paglabas nito ay kinausap niya ang kanyang Ina at kaibigan nitong si Ella.
"Mama si Enrico pala nasaan?" Nanlaki ang mata ni Aling Martha at ganoon din si Ella.
"Mama, naririnig niyo po ba ako?" Ngunit nanatiling nakatulala si Aling Martha at si Ella na hindi malaman kung saan itutuon ang kanyang paningin.
Kapagkuwan ay nagkatinginan ang dalawa.
"Mama, nandito siya kanina paggising ko. Alam niyo po ba na nagising na ako kanina? Si Enrico po ang una kong nakita Mama, nasaan po ba siya?" Muli ay tanong niya saka luminga-linga sa paligid.
"Diyos ko anak, ano ba'ng sinasabi mo?" Panay ang haplos ni Aling Martha sa kanyang mga braso na tila nahihintakutan.
"Ella ano ba, bakit ganyan kayo makatingin sa akin ni Mama? Pakitawag naman si Enrico oh, please.." muli ay pakiusap niya.
"Ahm—bestie kasi, ano eh." Hindi maituloy-tuloy ni Ella ang kanyang sasabihin.
"Anak kasi, ahm.." pati si Aling Martha nahihirapang magsabi ng totoo sa anak.
"Mama, Ella, may kailangan ba akong malaman?" Muling nagkatinginan ang dalawa. Ganoon na lamang ang pagtataka niya dahil sa ikinikilos ng kanyang Ina at kaibigan.
"Nagpaalam po ba si Enrico sa inyo Mama? Nandito siya kanina eh, binantayan pa niya ako hanggang sa ako ay nakatulog." Dahil sa sinabi niyang iyon, napayugyog ang balikat ni Aling Martha.
"Anak," naluluhang saad nito kay Valerie.
"Mama, ano ba'ng nangyayari? Umiiyak po ba kayo?" talagang kataka-taka ang ikinikilos ng kanyang Ina.
"Anak kasi, si Enrico anak. Huhuhuh..." Dito kumawala ang emosyon ng Ginang, sumunod naman si Ella na umiiyak narin sa harapan niya.
"Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo ito anak. A-alam kong masasaktan ka ng husto, pero anak kasi hindi namin pwedeng ilihim sayo ito. Alam kong gugustuhin mo ding malaman ang totoo." Umiiyak si Aling Martha habang nagpapaliwanag sa anak.
Dito nakaramdam siya ng matinding takot, biglang may kung anong malakas na pintig mula sa kanyang puso.
"A-nak, wa-wala na si Enrico,"
"Ishhh.. Mama naman eh, anong wala eh kasama ko lang po siya kanina?" Natatawa pa niyang saad kahit sa totoo lang kinakabahan na din siya.
"Tama ang narinig mo bestie, wala na si En-rico. Noong araw mismo kung kailan siya naaksidente, doon din siya binawian ng buhay. Sorry bestie, wala na ang heart mo," nakayuko namang saad ni Ella.
"Hindi! Hindi magandang biro 'yan Ella, Mama sabihin ninyong niloloko niyo lamang ako. Kasa-kasama ko siya kanina, tapos sasabihin ninyong wala na siya? Mama naman eh," pigil ang kanyang sarili, kagat ang ibabang labi para hindi tuluyang lumabas ang kanyang pag-iyak.
"Totoo ang sinasabi namin anak, wala na si Enrico, wala na ang nobyo mo."
"Hin-di! Ma-ma paanong nangyari iyon, hindi niyo ako naiintindihan eh. Kasama ko siya, sa kanya ko pa nalaman na napalitan na pala ang puso ko. Binati pa niya ako Mama dahil birthday ko, tapos—tapos sasabihin ninyong wala na siya? Ano 'yon, imagination ko lang ang lahat?" Dito bumuhos ang kanyang emosyon,
"Anak ang puso mo, huminahon ka Valerie anak." Panay ang alo sa kanya ng Ina at ganoon din si Ella.
"Hindi ko alam anak—kung nakita mo man siya marahil upang makapagpaalam siya ng maayos sa'yo."
"Hindi Mama, hindi! Ayaw ko, hindi siya pwedeng mawala sa akin. Mama kailangan ko siyang makita, hindi niya ako pwedeng iwan. Hin-di!" Sapo ang kanyang dibdib habang patuloy ang kanyang pag-iyak.
"Wala na siya anak, hindi mo na siya makikita dahil ilang araw na siyang nakalabing. Anak, alam kong masakit pero kailan mong tanggapin."
"Huhuhuh... Mama, hindi ko kaya. Ano pang silbi ng bagong buhay sa akin kung mawawala din lang siya sa akin? Paano ang mga pangarap namin? Paano ang plano naming pagbuo ng sarili naming pamilya? Paano ako Mama?" humahagulgol niyang sabi dahil talagang hirap niyang tanggapin ang lahat.
"Nandito kami bestie," wika pa ni Ella.
"Nandito kami anak, hindi ka namin iiwan. Marami kaming nagmamahal sa'yo."
"Wala ng silbi ang buhay sa akin dahil wala na ang taong nagbibigay sa akin ng buhay. Sana nawala na lang din ako, para magkasama parin kami ng mahal ko,"
"Anak huwag mong sabihin 'yan,"
"Hindi Mama, ayaw ko sa bagong buhay na ito. Ayaw ko sa pusong ito, si En-rico lamang ang gusto ko! Sana mawala na din ako," patuloy ang kanyang humahagulgol.
Awang-awa si Aling Martha sa anak, at ganoon din si Ella na halos hindi na makatingin ng diretso kay Valerie dahil sa sobrang awa nito para sa kaibigan.
Hinagpis at pagdadalamhati sa araw mismo ng kapanganakan niya. Bagong buhay—bagong puso sa araw ng mga puso, ngunit ang taong nagbibigay sa kanya ng buhay ay hindi na niya makakapiling pa kahit na kailan.
Ito na yata ang pinakamasakit, pinaka- masalimuot na pangyayari sa buhay ni Valerie.
Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Araw ng mga puso ngunit heto siya umiiyak, nananaghoy at walang katiyakan kung hanggang saan niya kakayanin ang lahat ng ito.
"Kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya ito. A-a-no ang pumatay sa kanya Mama, ako."
"Wala kang kasalanan anak, iniligtas ka niya, ganoon ka kamahal ni Enrico."
Isang tunay at wagas na pag-ibig. Handang gawin ang lahat para sa taong minamahal, handang ibigay ang lahat maging ang iyong buhay.