Ang Paglisan ❗

1990 Words
"Siguraduhin mong gagawin mo ang napagkasunduan! Mahirap akong kalaban, tandaan mo 'yan!" "Huwag kang mag-alala Misis, ay este Madamé, malinis akong magtrabaho." "Mabuti na 'yong malinaw." Mula sa kanyang bag, inilabas nito ang isang nakasobreng pera. "Uyyy, heheh.. Pirak," tila nagniningning ang kanyang mga mata pagkakita nito sa nakasobreng pera. "Ngayon din po Madamé, uumpisahan ko na ang trabaho ko. Sisiguraduhin kong aalisin ko sa paningin ninyo ang babaeng iyon. Hahahah.." "That's good! Dadagdagan ko 'yan kapag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo." "Ngayon din mismo Madamé," sabay ngiti nito ng nakakaloko. "Ahah, alam ko na." Isang ideya ang pumasok sa isipan niya, ito ang tanging paraan para maisakatuparan ang plano niya. Kilala niya ito at alam niya kung ano kahinaan niya. Lihim siyang napapatawa, ngayon palang nakikita na niyang magtatagumapay siya. * * * "Hello Madamé, nakaalis na po si Sir. Opo, nandito po siya Madamé." Mula sa kabilang linya kausap ni Joy si Mrs. Salvador. "Good, huwag mong aalisin ang paningin mo sa kanya. Kailangang mahanapan natin ng baho ang babaeng 'yan. Sa lalong madaling panahon Joy—kailangang maghiwalay na ang dalawang iyan," "Opo Madamé, huwag po kayong mag-alala. Hindi rin po ako papayag na isang kagaya lang ng Valerie na iyan ang makakatuluyan ni Sir, dapat ako lang hihihih.." mahinang sambit ni Joy na tila kinikilig-kilig pa. "May sinasabi kaba Joy? Linawin mo nga hindi ko marinig." Malakas na boses iyon ng kanyang amo. "Po, ah—eh, Madamé sabi ko po hahanapan ko ng baho ang babaeng iyon." Natatarantang sagot ni Joy. "That's good to hear. Okay bye," pagkababa pa lamang nito sa telepono ng, "Sino ang hahanapan mo ng baho Joy?" Gulat na gulat siya ng marinig nito si Valerie na nagsalita mula sa likuran niya—halos mapatalon siya dahil sa pagkagulat. Tinaasan niya ito ng kilay— tiningnan niya ito ng nang-uuyam. "Pakialam mo ba? Amo ba kita para pakinggan ko? Tse!" Padabog siyang nilisan ni Joy, malinaw mula sa pandinig niya—may kausap ito sa telepono at hindi siya maaaring magkamali, siya ang tinutukoy ni Joy. Awa ang muli niyang naramdaman para sa kanyang sarili. Kahit ano pa yata ang gawin niya ngayon, mukhang hirap talaga siyang makuha ang loob ng kasambahay nila. Ganoon na lamang ang nakikita niyang pagka-disgusto kay Joy—hindi naman niya ito masisisi dahil talagang na kay Mrs. Salvador ang katapatan niya. Hindi patas ang buhay para sa kanya, nagsusumikap naman siya—ginagawa niya ang lahat para siya ay umangat at para hindi narin siya maliitin ng pamilya ni Enrico. "Mama?" Siya ay naglakad patungong kusina habang tawag ang kanyang Ina, "Dave, nasaan kayo?" Ngunit hindi niya mahagilap ang dalawa. "Manang Rosa, nakita niyo po sina Mama at Dave?" Tanong nito kay Manang Rosa na abala sa kusina sa pagpupunas ng mga hinugasang mga plato at baso. "Umalis sila kanina anak—narinig kong may kausap mula sa cellphone ang Mama mo." Napakunot noo siya, sino naman kaya ang kausap ng Mama niya? "Sige po, salamat Manang." Siya ay naglakad muli para kuhanin ang kanyang cellphone na noon ay nakapatong sa center table sa kanilang sala. Kinuha niya iyon para sana tawagan ang kanyang Mama—ngunit sakto namang narinig niya mula sa labas ang masiglang boses ng kanyang kapatid habang siya ay tinatawag nito. "Ate," nagsisisigaw na tawag ni Dave sa kanya. Mukhang masaya ang bata, base sa boses nito. "Dave," kaagad na sinalubong niya ang kapatid na noon ay nakita niyang may hawak-hawak itong malaking karton ng isang laruan. "Wow, masaya si bunso ah, saan kayo nanggaling hmm?" Kaagad na tanong niya sa kapatid saka ginawaran ng mabining halik sa kanyang pisngi. "Ate, galing po kami ni Mama sa bahay." Sagot naman ng bata. "Ganoon ba? Ano'ng ginawa niyo doon?" "Naglinis po si Mama ate—tapos po lumabas kami kasama ni Papa." Dito natigilan si Valerie dahil sa tinuran ni Dave. "Ano? Paanong lumabas kayo nina Tito Oliver?" Dahil sa pagkakaalam niya wala ng komunikasyon ang kanyang Ina at amahin niya simula noong na- hospital siya. "Teka, nasaan nga pala si Mama?" "Nasa labas po Ate, kasama ni Papa." napahilot siya ng kanyang sintido, anong ginagawa ng Tito Oliver niya dito? Bakit sila magkasama ng Mama niya? Upang mas malinaw sa kanya ang lahat siya ay nagmamadaling lumabas para puntahan ang kanyang Mama. "Mama?" Tawag niya sa Ina ng maabutan niyang kausap nga nito ang kanyang Tito Oliver sa may gate ng kanilang bahay. "Anak, Valerie." Tugon naman ni Aling Martha. "Saan po kayo galing Mama?" Salubong ang kilay niyang sabi ngunit ang kanyang atensyon ay nasa kanyang amahin. "Ahm, anak kasi—bumisita ako sa bahay. Naglinis lang ako ng kaunti, alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang bahay hindi ba? Alam kong mahalaga sa'yo ang bahay, na tanging alaala mo sa Papa mo." Pagpapaliwanag naman ng Ina, naiintindihan niya iyon, pero ang hindi niya maintindihan ngayon kung bakit magkasama silang dalawa ng Tito Oliver niya? "Opo, alam ko po 'yon, pero sana nagpasabi man lang kayo. Umalis kayo ng walang paalam—tapos ngayon makikita kong magkasama kayong dalawa." Medyo napataas ang tono ng boses niya dahil talagang asiwa parin siyang makita ang Tito Oliver niya. "Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang Mama mo, hindi porke't naka jackpot kana ngayon ay pwede mo ng pagsalitaan ng ganyan ang Ina mo!" Napahawak siya ng kanyang dibdib. "Shhhh.. Tama na nga 'yan, 'wag na kayong magtalo na dalawa." Napatikom siya ng bibig at napapayukom ng kanyang kamao. "Anak kasi—sinama ko talaga ang Tito mo dito para magkaayos sana kayo at ng makapagpaalam narin ako sa'yo." Muli ay wika ni Aling Martha, nanlaki ang kanyang mga mata. "Po?! Magpapaalam?" Gulat na tanong niya sa Ina. "Anak kasi, napag-isipan ko na oras narin siguro para magkaayos kami ng Tito mo. Anak—sayo lang naman itong bahay eh, hindi pwedeng habang buhay makikitira kami sa inyo ni Enrico." "Pero Ma," "Anak, alam kong maiintindihan mo ako. Nagkabalikan na kami ulit ng Tito mo. Alang-alang kay Dave anak, pagbigyan mo na ako." Nakikiusap na sabi ni Aling Martha sa kanya. "Paano kayo? Ano'ng ikabubuhay ninyo? Ma, wala kang trabaho at 'yang — 'yang si Tito , " "Hoy, may pera ako! At sa tingin mo ba hindi ko kayang buhayin ang Mama at kapatid mo? Pati ikaw kaya kong buhayin," tila nagmamayabang pa na sabi ng kanyang amahin. "Anak, may trabaho na ang Tito Oliver mo. Heto nga oh, mga pinamili niya." Masayang wika ni Aling Martha kasabay ng pagtaas niya sa mga paper bags na hawak niya. "Patingin nga po." Kunot-noong inisa-isa niyang tiningnan ang bawat laman ng ng mga paper bags na iyon. "Ma, mahal ang mga ito ah." Mga branded na damit, pantalon at may mamahaling bag pa sa tingin niya libo-libo ang halaga. Kunot-noong tinitigan niya ang kanyang amahin. "Huwag mo akong titingnan ng ganyan!Bakit—boyfriend mo lang ba ang may karapatang bumili ng mga mamahaling mga damit? Aba, Valerie, may pera ako at baka gusto mo, pati ikaw ibilhan ko pa ng mga mamahaling gamit," muli niyang pinakatitigan ang kanyang amahin, hindi siya kumbinsido sa mga sinasabi nito ngayon. Base sa pagkakakilala niya sa Tito Oliver niya, malabong magkaroon ito ng disenteng trabaho. Bukod kasi sa sugarol ito—isa rin itong manginginom. "Ahm, anak, mag-aayos na ako ng mga gamit namin ah. Sana—maintindihan mo ako anak. Pakisabi na lamang kay Enrico maraming salamat sa pagpapatuloy niya sa amin ni Dave dito." "Agad-agad Mama? Paano po ako, iiwan niyo ako dito? Mama—huwag naman po," "Pero anak kasi, nakakahiya na sa inyo. Kay Enrico at sa mata- pobreng Mommy niya. Anak, ito ang mas makakabuti para sa atin, malapit lang naman ang bahay natin dito hindi ba? Araw-araw parin kitang pupuntahan dito, hindi ako papayag na hindi kita maalagaan." Hindi siya umimik bagkus ay huminga siya ng malalim. Akala niya tapos na ang paghihirap ng Ina sa piling ng kanyang amahin, ngunit nagkakamali lang pala siya dahil heto nagkabalikan na naman sila—nagkaayos na naman sila na tila walang nangyari. "Wala din po akong magagawa kung iyan ang desisyon ninyo. Sana lang Mama—hindi ko na makitang umiiyak kayo." "Anak, nangako na sa akin ang Tito Oliver mo. Simula ngayon, hindi na siya maglalasing—simula ngayon magbabagong buhay na siya alang-alang kay Dave," "At simula ngayon, heheh.. Ibibigay ko na ang lahat ng pangangailangan ng Mama at kapatid mo. Hindi na namin kailangan ng tulong mo," wala siyang ibang nagawa kundi ang suportahan ang kagustuhan ng Ina. Pero isang bagay ang napagtanto niya ngayon—paano naman siya? Kailangan din niya ang kalinga ng isang Ina—at hindi niya kakayaninng mawalay sa Ina at kapatid. Nakalabas na noon ng gate ang kanyang Ina kasama nina Dave at ng Tito Oliver niya. "Aanhin kong tumira sa ganito kalaking bahay kung hindi ko sila kasama?" Naluluhang sambit niya sa kanyang sarili. Lumipas pa ang maghapon—hindi siya mapakali kahihintay sa tawag ni Enrico. Dapat kanina pa ito nakarating ng Cebu, ngunit ni isang text o tawag mula sa nobyo ay wala. Muli niyang sinipat ang orasan sa kanyang cellphone. Eksaktong alas tres na pala ng hapon. Pati ang tanghalian niya ay nakalimutan narin niya, at ang pag-inom ng mga gamot niya sa tamang oras nawala narin sa isipan niya. "Naku, lagot!" Natampal niya ang kanyang noo ng maalala niya ang kabilin-bilinan ng kanyang doktor at ni Enrico. "Heart, tumawag kana please," dahil talagang nag-aalala narin siya. Sumapit ang gabi, ngunit wala paring Enrico ang tumatawag. Kinuha niya ang kanyang cellphone—ayaw sana niya itong gawin pero dahil sa sobrang pag-aalala niya para sa nobyo ay naisipan niyang tawagan na lamang ito. Unang pindot pa lamang niya nagring kaagad ang cellphone nito. Nanatili pa ng ilang segundo bago may sumagot mula sa kabilang linya. "Ahmm.. Baby, ohhh.. Enrico, please, harderrr.." napatigil siya sa paghinga, ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng may marinig siyang tila ungol ng nasasarapan mula sa kabilang linya. "Hindi," nabitawan niya ang hawak niyang cellphone. Nanatili pa siyang nakatulala habang pinagmamasdan ang cellphone na nahulog sa sahig. Inayos niya ang kanyang sarili, habol ang kanyang paghinga, dinampot niya ang cellphone. "Hindi! Tama, wrong number yata ang na-dial ko." Muli niyang pinakatitigan ang screen ng cellphone, tama naman iyon, number ni Enrico iyon dahil nakalagay pa ang picture ng binata sa contacts niya. Huminga siya ng malalim bago napag-isipang tawagan muli ito. Makailang beses pa itong nagring bago muling may sumagot sa kabilang linya. "Who are you? Āhhhh.. Enrico, heaven, yes, ohhhhh.." muli ay halinghing ng isang babaeng nasasarapan ang kanyang narinig, "Don't disturb us, who are you? Ohhhh... Enrico ride me faster , ahhhh.." dito tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha. Napahawak siya ng kanyang dibdib, sobrang sakit dahil ang inakala niyang business trip ng nobyo—isa palang panloloko. "Bakit nagawa mo ito sa akin Enrico? Nagtiwala ako sa'yo, pero bakit sinaktan mo ako?" Patuloy ang kanyang pag-iyak, patuloy ang kanyang pagtangis. Eksaktong alas diyes na ng gabi naisipan niyang lisanin ang pamamahay ni Enrico. Hindi na niya ito hihintayin pang bumalik—dahil niya kakayaning masaktan pa ng todo. Wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam ng niloko. Tila paulit-ulit siyang sinasaksak sa kanyang dibdib—tila may punyal na nakabaon doon dahil sa sobrang sakit. "Paalam Enrico, paalam sa'yo." Tanging naisatinig niya habang siya ay papalabas ng bahay na iyon. Wala sa sariling naglakad-lakad siya sa kalagitnaan ng gabi—pati ang makulimlim na panahon ay hindi na niya alintana. Patuloy lamang ang kanyang pag-iyak, kumukulog, kumikidlat, ngunit tila wala lamang iyon sa kanya. Hanggang sa nabigatan na ang langit at tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Kasing bigat ng kalangitan ang pasanin niya ngayon sa kanyang dibdib. Katulad ng kalangitan na walang tigil ang pagpatak ng ulan, ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD