Nanatili pa ng ilang araw sa hospital si Valerie. Tulad ng ipinangako ni Enrico hindi niya iniwan ang kasintahan at palaging sinisigurado na nasa maayos ang kalagayan nito.
"Umuwi ka kaya muna heart. Ayos lang naman ako dito huwag kang mag-alala." halos hindi na ito umuuwi ng kanilang bahay, na siyang sobrang ikinagagalit ng kanyang mga magulang.
"No! I won't leave you until you get home,"
"Paano ang trabaho mo? Sigurado labis labis na naman ang galit sa akin ng Mommy mo," malungkot nitong sabi.
"Huwag si Mommy ang isipin mo heart. Sige na, aayusin ko na ang lahat ng papers mo para makalabas kana bukas,"
"Ahm—tungkol sa bayarin dito sa hospital, may pera ako heart, ayaw kong iasa sa'yo ang lahat." Sabay kuha nito sa nakasobreng pera mula sa kanyang bag. Iniutos niya kay Ella na mag withdraw ito para may gastusin siya sa mga bills niya sa hospital.
"Just keep it heart, sa'yo 'yan. Ako na ang bahala." Pagtatanggi naman ni Enrico.
"Pero hindi pwede, ayaw ko. Kunin mo ito, at kung kulang pa 'yan magsabi ka lang para mautusan ko si Ella na mag withdraw pa." Kinuha ni Enrico ang nakasobreng pera at ibinalik iyon sa kanyang bag.
"Kakailanganin mo 'yan heart. Hayaan mong tulungan kita, ngayon mas higit na kailangan mo ang tulong ko. Kung gusto mong gumaling—please sundin mo ako. Pwede ba iyon heart?" Natahimik na lamang siya, kahit anong gawin niyang pagtanggi ngayon, desidido talaga si Enrico na tulungan siya.
"Pagkalabas mo ng hospital—huwag kana muna umuwi sa bahay niyo ah." buong pagtatakang tinitigan niya si Enrico.
"Ano'ng ibig mong sa-bi-hin heart?" Nagtatakang tanong niya dahil saan naman siya uuwi kundi sa bahay lamang nila.
"I will take you home."
"What? Heart naman—hindi pa tayo mag-asawa para iuwi mo ako. Hindi pa ako handa," Natatawang saad niya kay Enrico.
"I know, pwede naman tayong magsama kahit hindi pa tayo kasal hindi ba?" Ewan ba niya kung matatawa ba siya o kikiligin dahil sa inaakto ng nobyo.
"Hah?!" Seryoso niyang tinitigan sa mukha ang binata, at base sa nakikita niya sa mukha ng kasintahan seryoso ito sa kanyang sinasabi.
"Habang wala pa tayong nahahanap na heart donor, doon muna kayo titira nina Tita at Dave sa akin. Heart, hindi ko na papayagan pa na bumalik kayo sa bahay niyo. Ilalayo ko kayo kay Tito Oliver, sa poder ko ligtas kayo, sa poder ko panatag ang loob ko na walang mangyayari sa'yong masama." Kapakanan lang niya ang iniisip ni Enrico at naiintindihan niya iyon, pero hangga't maaari ayaw sana niya sa ideya nito.
Lalo pa't ayaw sa kanya ng pamilya ni Enrico. Kung titira silang buong pamilya sa poder ng nobyo—lalo lang niyang pinapatunayan sa mga magulang nito na isa siyang manggagamit.
"I don't think this is a good idea heart. Alam mong galit sa akin ang Mommy mo. Heart lalo lang silang magagalit sa akin, lalo lamang nilang sasabihin sa akin na isa akong hore, lascivious, prostitute and what so ever," pagpapaliwanag pa niya sa nobyo.
"Mas iniisip mo pa ba ang sasabihin ng iba kaysa sa kalagayan mo? Ako ang masusunod sa ayaw at sa gusto mo. Kung sina Mommy ang inaalala mo, don't worry dahil wala silang magagawa kapag ako ang nagdesisyon." pagmamatigas pa Enrico sa kanya.
Kinabukasan handa na ang lahat para sa kanyang paglabas. Nasabi narin ng doktor ang lahat ng mga kailangan niyang malaman para sa kanyang kalusugan.
"Iwas sa stress ha, at saka bawal kang magpagod." Nakangiting wika sa kanya ng doktor.
"Opo Doc, maraming salamat po." Nakangiti namang tugon ni Valerie.
"Doc about my request, sabihan niyo kaagad ako para maisagawa na kaagad ang operation."
"Don't worry Mister Salvador, aabisuhan ka namin immediately kapag may nahanap na kaming heart donor." Muli ay wika ng doktor.
"Thank you Doc," at tuluyan na nga silang nakalabas ng hospital.
Tulad ng napagkasunduan dinala nga ni Enrico sa kanyang sariling bahay si Valerie. Sa isang exclusive subdivision sa lungsod ng Las Piñas. Hindi rin naman nalalayo ito sa kanilang bahay at eskwelahan kung saan siya nagtuturo.
"Wow.." namimilog ang mga mata ni Valerie pagkakita nito sa malaking bahay na iyon ni Enrico habang pina- park nito sa garahe ang kanyang sasakyan.
"Bahay mo ito heart?" Namamanghang tanong niya sa nobyo. Dahil ang alam niya sa isang penthouse nakatira ang binata.
"Hindi ko lang bahay ito—bahay mo narin. Alam mo bang gift ko sana ito sayo ito sa darating na Valentine's day. On your birthday heart, pero dahil sa nangyari sa'yo, ito napaaga na. Welcome to your new home my love," naluluhang napayakap si Valerie sa nobyo.
"Thank you heart," naluluhang sambit niya kay Enrico, nag-angat siya ng kanyang mukha at muling nagwika.
"But you don't have to do this heart,"
"Ngayon kapa ba tatanggi kung kailan nandito kana? Heart, ipagpalagay mo na ang loob mo dito. Dahil dito din naman ang tungo natin hindi ba? And I can't wait for the day na matatawag ko ng akin ka—na matatawag na kitang asawa ko." Nag-uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso—ganoon na lamang ang tuwa niya at masasabi niyang napaka- swerte niya na magkaroon ng isang Enrico sa buhay niya.
"And so I am heart. I can't wait for the day na tawagin din kitang mister ko. Sana gumaling na ako—para mapagsilbihan na kita at makatulong na ako sa kapwa ko." as she gave him the sweetest smile. Enrico topped her nose, and gave her a gentle kiss on her forehead.
"Your so sweet, heart. I love you, tara na sa loob gawa na tayo ng baby." Nanlaki ang kanyang mga mata—natatawa naman si Enrico sa kanyang naging reaksiyon.
"I won't touch you until we are married. I know how important marriage is to you, and I will wait with all my heart for that day. We're going to make a battalion of children—but before that you need to get better okay?" Natatawang saad ni Enrico sa kanya. Ito ang isa sa palaging ipinagpapasalamat niya sa Diyos—bukod sa mabait, maunawain din si Enrico at higit sa lahat alam niya ang mga limitasyon sa kanilang relasyon.
"Thank you heart, akala ko naman seryoso kana sa sinasabi mo. Kinabahan ako dun ah," sabi nito sabay napapalo niya sa balikat ang nobyo.
Nagbukas ang pintuan sa may main door —nakangiting mukha ng kanyang Ina at kapatid ang bumungad sa kanya, kasama din nila ang kaibigan niyang si Ella na nakasunod sa kanila.
"Welcome home bestie," masayang bati sa kanya ni Ella.
"Ate, ang ganda-ganda ng bahay ni Kuya Enrico. Sabi niya sa atin na daw ang bahay na ito Ate." Namamanghang saad naman ni Dave sa kanya.
Ngumiti lamang siya at hinaplos ang ulo ng kapatid.
"Behave ka ba habang wala si Ate, hmm? Hindi mo ba binigyan ng sakit sa ulo si Mama?"
"Hindi po ate. Sana dito na tayo tumira forever. Hihihih.. Ang ganda-ganda talaga dito ate," napapahagikgik na wika ni Dave.
"Ahm—," hindi malaman ni Valerie ang kanyang isasagot. Tumikhim muna siya saka lumingon kina Enrico at Aling Martha.
Ngumiti si Enrico, saka marahan itong tumango.
"Isang pamilya tayo Dave, kung nasaan ang Ate mo dapat nandoon din kayo. Sama-sama tayo, para mas masaya." Masayang bulalas ni Enrico. Tuwang-tuwa si Dave na halos magtatatalon ito dahil sa sobrang saya niya.
"Tama na nga 'yan mga anak, hala sige, pumasok na tayo at ng makakain na. Lumalamig na ang pagkain," wika naman ni Aling Martha sa kanila.
Pagkapasok nila ng loob ng bahay—muli siyang namangha. Hindi niya maiwasang haplosin ang mga bagay na kanyang nakikita. Talagang pinagkagastusan ang bahay na ito—at talagang pinaghandaan ni Enrico ang kanyang pagdating.
Naabutan din niya ang dalawang babae na unipormado na sa tingin niya ay mga kasambahay.
"Manang Rosa, Joy, lumapit kayo dito." Narinig niyang tawag sa kanila ni Enrico.
"Simula sa araw na ito, dito na kayo magtatrabaho." sabi pa nito sa dalawang kasambahay.
"Pero Sir, paano po ang trabaho namin sa mansion? Hindi po alam ni Madamé na nandito po kami." wika pa ni Joy kay Enrico.
Siya ay naglakad at lumapit sa kanila saka siya tumabi kay Enrico.
"Ako na ang bahala kay Mommy. Tatawagan ko siya mamaya, Manang siya nga pala si Valerie. Heart, si Manang Rosa nga pala at si Joy, sila ang makakasama natin dito sa bahay. Kapag may mga kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi sa kanila."
"Hello po Manang Rosa, hello Joy." Masiglang niyang bati niya sa dalawang katulong—pero imbes na batiin siya pabalik nakita niyang tinaasan siya ng kilay ni Joy.
Napawi ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ng mapansin nito ang pagkadisgusto sa mukha ng dalawang kasambahay.
"Ahm—kain na po tayo," pag-iiba niya ng usapan saka siya mapait na ngumiti at kaagad na tinungo ang kusina.
Isang munting salu-salo ang kanilang pinagsaluhan. Masaya si Enrico na makasama si Valerie sa iisang bubong. Kasal na lamang ang kulang sa kanilang dalawa—matatawag na niyang sila ay mag-asawa.
Pero bago iyon, kailangan muna niyang magpagaling. Pipilitin niyang lumaban alang-alang kay Enrico.
Mahirap man ang sitwasyon nila ngayon, alam niyang darating din ang tamang panahon para sa kanilang dalawa ni Enrico. Pipiliin niyang lumaban sa hamon ng buhay—maging si kamatayan man ay kanyang lalabanan para lamang makasama habang-buhay ang lalakeng kanyang pinakamamahal ng lubusan.