CHAPTER 35 ILANG BESES na niyang sinusubukang magtanong kay Russ ngunit humahantong lamang ito sa pananahimik. Pakiramdam niya'y nagbi-break down na ang utak niya sa kakaisip ng bugtong na nabasa niya. Hindi niya p’wedeng sukuan iyon dahil buhay ni Pink ang kapalit. Nakalagay kase sa papel na kung hindi niya masasagot ang bugtong na iyon ay mamatay ang kapatid niya. Binasa niyang muli ang kakaibang bugtong sa pagbabaka-sakaling maiintindihan niya. "Sa pagpasok mo'y mistulang itim. Nang makamit ang tagumpay, maaaninag ay puti. Ngunit, kung imumulat iyong mata, sasapitin ay pula." Muntikan na siyang mahulog dahil sa pagbalikwas niya, mabuti na lang at nakabawing panimbang siya. Nasa itaas siya ng puno ng mangga. Mas tahimik doon at makapag-iisip siya nang matino. "Tsss.

