CHAPTER 33 "HEY, VIOLET!" UNTAG ni Clud sa kanya. Nakasandal ito sa pader habang pinapaikot-ikot ang cellphone at nasa tabi nito ang isang horex motorcycle. White silver hair naman ang buhok nito ngayon. May isa siyang napansin kay Clud; kahit ano pa ata ang ikulay nito sa buhok ay bagay pa rin. Nagpapalit din siya ng kulay ng buhok. Masyado kaseng pansinin ang blonde hair kaya pinaitiman niyang muli, pero may highlights na puti pa rin at pinaunat niya. Nagsusuot pa rin siya ng contact lens upang maiba ang kulay ng mata niya. "What?" walang gana niyang sagot. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya kung bakit siya nito tinulungan. May naalala siya. "I was just wondering..." hindi niya maituloy-tuloy ang kanyang sasabihin. "Wondering about what?" "Wondering...

