CHAPTER 59 "PLAYING SHERLOCK Holmes huh?" tinaasan niya ng kilay si Pink. Hindi nito pinansin ang presensya niya. Tila walang makakabali sa konsentrasyon ng kapatid niya nang mga sandaling iyon. Nagsalikop pa ito ng dalawang kamay habang malalim ang iniisip. "Para akong magkakasakit. Ang hirap nitong sagutan!" nawawalan ng pasensyang saad ni Pink. "I will not allow you to be part of—" "I'm not stupid to understand anything. Matanda na ako, Ate! Alam kong delikado kung makikisali ako. Pero, kahit saan ako magpunta ay delikado naman 'di ba? Para tayong pinipilit na makipaglaro kay kamatayan kahit na umaayaw na tayo," natahimik siya sa sinabi ng kapatid. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya tanda ng pagsuko. "Thanks!" niyakap siya nito. Umupo si P

