CHAPTER 56 ALASDOSE NA NG madaling-araw nang makauwi si Rex sa bahay na binili nilang dalawa ni Clud at pinagtutuluyan ngayon ni Pink. Nagtataka siya nang buksan ang pinto sapagkat naiba ang pagkakaayos ng basahan. Ilang beses niyang inulit kay Pink na huwag lalabas ng bahay kaya imposibleng hindi siya nito sundin. Lalo pang tumibay ang hinala niyang may ibang nakapasok sa bahay nang magtaka siyang sarado ang mga ilaw. Kilala niya ang kapatid. Takot ito sa dilim kaya imposibleng pinatay nito iyon. Masyadong mabilis ang instinct niya at kinuha kaagad ang silencer saka ikinabit sa baril. Hinubad niya rin ang sapatos upang hindi marinig ang kanyang mga yapak. Dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan upang tignan kung naroon ang kapatid. "Pink..." kinakabahan niyang tawag dito. "P

