CHAPTER 14 NAGHIWA-hiwalay na sila pabalik sa kanya-kanyang buhay pagkatapos ng matinding engkwentro sa pagitan ng mafia boss at panig nila Russ. Samantalang ang kasama nilang professor ay nagpaiwan sa Inglaterra upang makatulong sa research facility doon. Wala naman itong pamilyang maiiwan kaya hindi nito iyon iisipin. Gusto rin nitong madagdagan ang nalalaman sa larangan ng panggagamot. Si Hana naman ay hindi na raw muling sasama sa kanila sa susunod. Masyado nitong mahal ang buhay para umulit pa. Magda-diet na rin daw ito at babalikan ang mga tauhan nila. Umiling si Russ bago uminom ng alak. Hindi niya kasi lubos maisip kung papaano napasubo sa lugar na iyon. Pagdating sa rambol, siya kaagad ang tinatawagan ni Patrick. Narito siya ngayon sa bahay ng kanyang ate sa may

