CHAPTER 37 PANG-ISANG libong buntong-hininga na yata iyon ni Violet ngayong araw. Pagkatapos ng training kagabi ay piniga niya talaga ang utak niya, upang malaman kung anong meron sa mga numerong nakalagay sa Ivy Patent Leather Skull Box. Ang resulta, puyat siya. Sa sobrang pag-iisip, hindi niya namalayan ang paparating na sasakyang balak siyang sagasaan. "s**t!" naibulalas niya dala ng matinding gulat matapos siyang hilahin ni Clud. Mabuti na lang at dumating ang binata. Hindi siya bubuhayin kung inabot siya. Isang black Ferarri lang naman sana ang tatapos sa buhay niya. "Ayos ka lang ba, Violet?" tanong ng nag-aalalang si Clud. Sinuro pa nito kung may galos siyang natamo. "I'm okay,” gising kaagad ang diwa niya dahil sa nangyari. Paano pala kung hind

