Max's POV Lintik! "Oi, walang ganyanan!" sigaw ko mula sa likod niya. Kanina pa niya ako iniiwan dito. "Ha?" biglang pagtigil nito at matalas akong tinignan. Napatikom ako ng bibig at napatabi ng pwesto, hindi ako makatingin sa kanya. Parang kakainin niya kasi ako ng buhay. "Tsk!" asik nito at naglakad na ulit. Napabuntong hininga ako. Malay ko bang magagamit ko pala siyang panangga. Sorry naman, I care for my well-being. Ano yun, nagpapakabasa na ako sa ulan tapos uuwi pa akong putikan? Baka atakihin sa puso si Mama at pagkamalan pang naging palaboy ang gwapo niyang anak. Saan kami pupunta nito? Willing nga akong magbayad ng malaki pero wala ni isang sasakyan ang dumadaan dito. Paano na? Ang lakas pa ng ulan. Tapos tignan mo 'tong Pusang to, nagpapababysits pa sa akin. "Hoy! Scary

