Messages

1368 Words
Nakahiga ako ngayon sa kama. Tapos ko na ang lahat ng gagawin ko para sa school. Nagpasya akong buksan ang aking i********: account. Matagal na akong gumagamit ng i********:, pero tatlong larawan lang talaga ang na-post ko. Hindi rin kasi ako mahilig sa social media kaya't naka-private ang aking account. Kaya't ini-check ko muna kung sino ang nag-follow sa akin. @mckenzie_v requested to follow you, at marami pang iba si McKay lang yung na-confirm ko; yung iba naman, hindi ko kilala. Biglang may nag-notification sa akin. @mckenzie_v like your post @mckenzie_v like your post. @mckenzie_v like your post. Tatlong picture pa nga yung ni-like niya, napaka-stalker talaga. Gonna message him kaya. Arrietty: Stalker mo. Mckenzie: Hahaha. Sorry naman, tagal mo naman i-accept yung request ko. Arrietty: Busy eh. Nagawa mo pang mag-socials. SSC president na nga, athlete pa, ang dami mong time. Mckenzie: I am a multi-tasker, you know. Followback mo naman ako, zero following ka kasi, para naman hindi boring IG mo. Arrietty: Wag na. Dami mo nang follower eh. Sige na, bye. Bago ako mag-out, i-stalk ko muna siya. Dami niyang post ah. I click yung unang picture, kanina lang 'to ah. May naka caption pa na, "Smile after practice." Wait, what? May practice sila? Bakit sabi sa akin ni Thunder, wala silang practice? So I DM McKay. Arrietty: Do you have practice kanina? Mckenzie: Yup. Arrietty: Thunder told me wala. Mckenzie: May practice kami, actually late nga siya eh. Arrietty: Why daw? Mckenzie: I don't know. Kayo magkasama diba? Ako nga dapat magtanong sa'yo niyan eh. Arrietty: Hinatid niya nga lang ako earlier eh. I don't know either. Mckenzie: Are you up tonight? Nandito kami buong team sa club. You wanna join? Gonna pick you up. Arrietty: Nah, gonna sleep na eh. [Mckenzie send a photo] Nasa club nga sila. Nag-selfie silang buong team at nahagilap ko rin sa picture si Thunder na nakaupo lang sa may gilid. I wonder ano kaya tinitignan niya sa phone niya. Dali-dali kong hinanap ang account ni Thunder. So, I stalked McKenzie again, tinignan ko yung post niya kung naka-tag ba si Thunder don. BINGO! Nakita ko rin sa tagal kung hinahanap, ngayon ko lang nakita. @Kai_der, at ang pangalan naman niya ay Kai Garcia, kaya pala hindi ko nahagilap yung socials niya, Kai pala yung name na gamit niya. I stalk Thunder na naka-private din yung account niya. Well, madami din siyang followers, so I sent a follow request sa kanya. Tumunog naman agad yung phone ko at nakita ko na inaccept niya agad, "@Kai_der accepted your follow request." Hindi man lang nag-follow back sa akin. Nakuuu ha! Pero okay lang yun. Basta nakita ko na account niya, I messaged him right away. Arrietty: Naku ha! You accepted my request real quick. Inaabangan mo ako noh? Kai: [seen] Arrietty: Anyway, late ka daw sa practice kanina? Kai: Yeah. Arrietty: You said wala kayong practice. Why would you lie? Kai: I didn't. I just don't know that we have practice today. Arrietty: Why are you in the club right now? Kai: How'd you know? You stalker. Arrietty: Nah! Someone just told me. Kai: K. Ano ba naman yan, K lang yung reply. Pero at least na lang may improvement. Kinikilig ako kapag nakikita siya. Nagising na naman ako dahil kay Manang. Talo pa talaga alarm clock ko dito. Kaya nag-prepare na lang ako para makapasok na sa school. Tinatamad talaga ako pumasok. This is not me. Kasi naman sa sobrang mahiyain ko, wala pa talaga akong kaibigan. Nag pahatid na ako kay Manong sa school. Pagdating namin doon at palabas pa lamang ako sa kotse, ramdam ko lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Nagmadali akong naglakad papunta sa building namin. Sakto lang naman yung dating ko dahil wala pa yung prof namin, at naupo ako sa may likuran. "Hi. Is this seat taken?" tanong ng babae sa akin. Sobrang ganda naman nito. Kulot ang buhok niya, maiksi at may bangs na sobrang bagay sa mukha niya. "No," sagot ko naman agad sa kanya. "I guess you're Arrietty, right?" tanong niya agad sa akin pagka-upo niya. "I am Abegail Aguerro," pagpapakilala niya sa sarili niya. Aguerro? Familiar 'yun ah. Saan ko nga ba narinig ang apelyido na 'yan? Siguro napansin niya na nag-iisip ako. "I am the sister of the team captain Jeremiah," ngiti niyang sabi sa akin. Kaya pala maganda siya, gwapo rin naman kasi yung team captain nila. "Wait. How did you know me? Like I just saw you just now," tanong ko sa kanya habang kunot noo na nakatitig sa kanya. Natawa naman siya. Ang weird naman ng babae na 'to. "Seriously, girl? Di mo alam?" gulat na sabi niya sa akin. "What do you mean?" naguguluhan na talaga ako, sobrang weird naman ng mga studyante dito. "You're trending kasi sa dark website ng school," paliwanag niya sa akin. What? Ano bang ibig sabihin nito? "What's dark website?" tanong ko ulit sa kanya. Like what? "Dark website, ito ang website na alam ng lahat ng studyante dito. Like, it's a secret website dito sa school kung saan makikita mo lahat ng chismis sa school," paliwanag niya sa akin. So now, I'm curious kung anong website 'yung ibig niyang sabihin. "Can you send me the link of that website?" sabi ko sa kanya. "I'm gonna send you the link after class, okay? I forgot my phone kasi sa car. I was rushing, akala ko late na ako." "Okay," tanging sagot ko lang. Maaga lang din natapos yung class namin. Nakakatamad lang kasi everyday nasa third floor yung last class ko. As usual, after dismissal, nag-antay pa ako makalabas lahat ng classmates ko bago ako lumabas. "Hey," tawag sa akin ni Abegail na naka-sandal sa may pintuan. "What took you so long to get out?" inis na sabi niya. "I just wait for everyone to get out muna bago ako lumabas," paliwanag ko sa kanya. "Tara, sumama ka sa akin," bigla nalang niya akong hinila palabas ng building. "What are you doing?" Okaaay, this girl starts to annoy me. She keeps on dragging me until nakaabot kami sa parking lot. Kinuha niya yung phone niya sa car at humarap sa akin. "Here's the website," pinakita niya yung phone niya. Here's the website pala na sinasabi niya sa akin kanina. I scanned it with my phone. "Thanks, Abi. I'm just gonna check this when I get home," sabi ko naman sa kanya at paalis na sa parking. "Heeeeey. Where are you going?" nagtataka niya sa akin. "Pauwi na. I'll wait for my driver outside." "Can you just go home later? Maybe we can go to the club tonight if you want, lang naman," pag-aaya ni Abi sa akin. "Maybe we can go together next time na lang, Abi. I already texted my driver na kasi eh, and he's coming here na," pagtanggi ko sa kanya. Sayang, it's my first time na may kaibigan sa college, pero I don't want Manong to wait for too long. "You promised next time, okay?" she agreed naman. Haaaay salamat. I also feel na Abi is a very nice girl. Nakauwi na ako sa bahay. Tapos ko na rin tapusin lahat ng kailangan para sa school. I decided to check the email that Abi gave me. I was really curious kung ano ba ang meron sa website na yun. Dali-dali ko kinuha ang iPad ko I checked the website na binigay niya sa akin. I was shocked when I opened it, and I saw a picture na my picture nakasakay sa loob ng sasakyan si Thunder at naka caption pa dun ay "KAI THUNDER GARCIA IS DATING A FRESHMAN STUDENT FROM SAME DEPARTMENT." I just continued scrolling to see ano'ng mga pinagpopost ng mga tao dito sa website. I can't believe these people, halos lahat ng nasa article puro Thunder. Puro rumor lang naman. Mabuti nga kung totoo talaga na nagde-date kami. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko, bigla kong naalala na i-check yung mga comments sa article. "OMG. May new girl na pala si Kai." "Gosh. Bagay sila." "I know this girl, she's my blockmate. Hinatid siya ni Kai yesterday." "Patay pag bumalik na si Athena."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD