Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko, wala na si Thunder sa tabi ko. Umuwi na siguro 'yun kasi may practice pa siya ngayon at wala lang din naman siyang damit dito. Tumayo ako kasi nga gutom na din ako. It's almost 10 o'clock na pala. Matagal din kami natulog ni Thunder, nag-usap lang kami kagabi ng kahit ano.
I checked my phone and saw several missed calls from Mommy. For sure, they already know where I am. No matter where I go, they can easily find me because of their extensive connections. Feeling guilty about Mommy, I decided to give her a call.
"Mommy," tawag ko sa kanya sa kabilang linya.
"Where are you? Can you please go home na?" may pag-aalala sa tinig ni mommy.
"Don't worry mommy. I'm okay here," panigurado ko sa kanya.
"Just tell me, you need something okay?" mommy calmly said.
"Arienne, stop calling your daughter. Kung gusto niyang umuwi, umuwi siya at gawin niya kung ano ang gusto natin," rinig ko na sabi ni Daddy kay Mommy.
Agad kong pinatay yung tawag. Ayaw ko pang marinig yung boses ni Daddy ngayon. Dahil may pasok din ako ngayon, kaya naghanda na rin ako. Kanina ko pa nga tinatawagan si Thunder at tinitext pero wala akong natanggap na reply. Siguro sobrang busy siya sa practice niya ngayon.
Papunta na ako ngayon sa school, walking distance lang naman kaya hindi na ako nagmadali. Tumakbo ako nang tinignan ko 'yung oras. Shoot! Malalate na pala ako kaya naisipan ko na lang dumaan sa may parking kung saan ako hininto ni Thunder noon, mas malapit din dumaan dito kaysa sa main gate.
Habang tumatakbo ako, napansin ko ang sasakyan ni Thunder na nakapark sa ilalim ng malaking kahoy na nakaharap sa direksyon ko. Nakita ko ang harapan ng sasakyan na may nakaupo na babae at lalaki sa loob. Imposible naman kung si Thunder 'yun at may kasama. Hindi ko na lang din pinansin dahil sa nagmamadali ko.
Nagmamadali akong pumasok pero nalaman ko na wala pa pala si Prof. Enriquez, nasayang lang yung effort ko sa pagtatakbo. Kaya naupo ako sa tabi ni Abi, at mukhang hindi niya ako napansin kaya kinalabit ko siya. Mukha namang siyang nagulat nang tingnan niya ako, dahil muntik nang mahulog ang kanyang phone.
"Ano ba ang tinitignan mo diyan? Bakit ka sobrang gulat?" tanong ko sa kanya na nakasalubong ang kilay.
"Wala. Just scrolling on socials," tipid na sagot ni Abi habang agad niyang binalik ang tingin sa kanyang phone.
Umupo na ako sa tabi niya. I chose to sit near the window kasi parang na-refresh ako kapag nakikita ko 'yung mga puno sa field. I checked my phone pero wala pa rin paramdam si Thunder sa akin.
Arrietty: Hey, reply please.
Where are you ba?
May practice ka?
Call me after.
Binaba ko na yung phone ko para mag-muni-muni. Siguro sobrang busy si Thunder ngayon. Binalewala ko na lang yung pag-iisip ko. I'll just review nalang baka may pa-quiz si prof. mamaya.
"Are you okay?" biglang tanong ni Abigail sa akin at naka hawak pa sa balikat ko.
"Huh? Okay naman ako, bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Okay," ikling sagot niya at binalik na din yung tingin sa phone.
Habang nakatingin ako sa labas at nagre-review, napansin ko din na lahat ng kaklase ko ay paminsang tumitingin sa akin. Ano bang nangyayari? Bakit sobrang weird nila ngayon? May dumi ba ako sa mukha?
"Hey, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko kay Abi. Tumingin din naman siya sa akin.
"Huh? Wala naman," ikling sagot niya at binaling agad yung mukha niya sa phone.
"Ikaw ha, kanina ko pa napapansin, bakit hindi ka tumitigil sa pagtingin sa phone mo. Ano ba 'ang tinitingnan mo?" Inilapit ko ang mukha ko para tingnan kung ano ang tinitingnan niya.
"Ano ba? Wala 'to, okay? Nanunuod ako ng Kdrama. Don't disturb me Arrietty, okay?" Itinaas niya ang phone niya para hindi ko makita at nginitian niya lang ako.
"Alam mo, mag-review ka lang baka mag paulan ng surprise quiz si Prof. mamaya, at ikaw pa ang ma-sorpresa dahil wala kang maisagot," biro ko sa kanya.
"She's late. Hindi na papasok yun." Ni hindi man lang tumingin sa akin.
Natapos na lahat ng klase ko the whole day, pero hindi man lang nag-reply si Thunder sa lahat ng text ko. I'm starting to make tampo na talaga sa kanya. Tumayo na ako para lumabas na sa classroom, paglingon ko sa upuan ni Abigail ay wala na pala siya. It's so weird, palagi naman niya akong inaantay lumabas. Ah, lumabas na lang ako.
Sa paglalakad ko palabas ng school, nakita ko si Abigail sa may gate na tila nag-aantay ng kanyang driver.
"Abi," tumakbo ako papunta sa kanya.
"Uwi ka na?" tanong ko napansin ko na hindi man lang siya makatingin sa akin pero sinagot naman niya ako.
"Oo," ikling sagot niya lang habang nakatitig sa kalsada.
"Hmmm, Abi may practice ba yung kuya mo now?" patuloy ko.
"I think wala naman silang practice today and isang subject lang ata sila ngayon," sagot niya habang hindi pa rin ako tinitignan.
She's really rude ha. Hindi man lang tumitingin habang sumasagot sa akin.
"May problema ba, Abi? Galit ka ba sa akin?" I confusely asked.
"Huh? Wala naman. Sige na Arr, I need to go," pumasok na siya sa kotse niya.
Wala naman akong nagawa sa kanya, bakit parang umiiwas siya sa akin? Hindi ko na lang din inisip 'yun. Ang concern ko lang ngayon ay bakit hindi pa din ako nirereplayan ni Thunder? Did I do something wrong?
Nakauwi na ako ngayon sa condo ko. I'm sitting here sa sofa, drinking my milk. Iniisip ko kung paano ko pupuntahan si Thunder sa bahay niya. Ayaw ko din talaga puntahan siya kasi baka makita pa ako nila Daddy, eh kaharap lang 'yun ng bahay namin. I tried to call him many times pero hindi pa rin nasasagot.
Lumipas nalang yung isang linggo, hindi ko pa rin makausap si Thunder, pinupuntahan ko din siya sa practice niya, kaso hindi sila nag papapasok ng bisita sa gym kasi malapit na din yung game nila against sa ibang school. Halos isang linggo ganun yung routine ko kada pagkatapos ng class, pumupunta ako sa gym trying to talk to Thunder pero hindi naman matuloy tuloy. Inisip ko na lang din na baka nagfufucos muna siya sa game.
It was around 11 o'clock, nandito ako sa veranda ng condo ko. Hinihintay ko si Thunder makalabas ng school, nakaharap kasi yung veranda ko sa gate ng school kung saan nag pa-park si Thunder ng sasakyan niya. Kahit man lang yung sasakyan niya ang makita ko, okay na ako dun. Sobrang miss na miss ko na siya.
Dali-dali akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko nung nakita ko yung sasakyan ni Thunder na papalabas ng gate. Pero hindi naman ito dumiretso, huminto ito at nakita ko kung sumakay si Abigail at Jeremiah sa back seat. Pagkasakay nila, hindi naman ito umalis agad. Nag-park muna sila sa tabi ng kalsada. Ibinilis ko ang pagkuha ng aking cellphone at tinext si Thunder. Tumawag din ako sa kanya.
Arrietty: Hey, can we talk?
Please.
Are you avoiding me?
Thunder.
Are you with Abi and Jeremiah, right now?
Why are you not answering my call?
I even called him, pero hindi siya sumasagot. Palipat-lipat ang paningin ko sa phone ko at sa kotse ni Thunder. Marami akong katanungan sa isip ko. Alam ko rin na iniwasan ako ni Abi. Bukas na lang siguro ako magtatanong kay Abi kung saan sila pupunta ngayon.
Naputol yung iniisip ko nang bigla nalang tumunog yung phone ko. Excitedly kong binuksan ito nang makita ko ang pangalan ni Thunder sa notifications ko.
Kai: Please stop bothering me. Stop texting and calling me. Can you just STOP. I don't want to see you again. EVER AGAIN!!!