"Bakit mo ba kasi nalimutan yung schedule mo, Arrietty?" sigaw ko sa sarili ko dahil napa-aga akong pumunta sa school at nakalimutan ko na mamaya pa palang hapon yung klase ko, kaya tamang tambay lang ako sa library.
Habang nagbabasa ako, narinig ko ang usapan ng magkakaibigan na nasa kabilang mesa. Hindi ko na sana papansinin yung usapan nila nang marinig ko yung pangalan ni Thunder.
"Yes, girl. Yan nga yung babae na nakita ko sa loob ng kotse ni Kai," bulong ng babae sa katabi niya. Sana nilakasan na lang nila yung boses nila. Rinig na rinig ko eh, tsaka ako pala yung pinag-uusapan nila.
"Hindi naman kagandahan. I bet Athena is better than her," sabi naman nung isa pa niyang katabi.
"You know what, girls. Shut up. Stop talking about Athena. Athena is not here, and she dumped Kai because he chose her career. Pero di naman yan papatulan ni Kai. I mean, look at her, so cheap. Freshmen nga di naman fresh," sabi naman nung maldita na babae na hindi rin naman kagandahan pero kung makapanglait.
Nagutom ako kaka-eavesdrop sa usapan nila kaya umalis na lang ako sa library para pumunta sa canteen. Doon na lang ako magpapalipas ng oras.
Habang matiwasay akong kumakain sa canteen, bigla na namang umingay yung paligid. Pag-lingon ko, nakita ko ang buong basketball team at kasama nila si Abigail. Hindi ko na sila pinansin at baka ma issue na naman ako.
"Arrietty," sigaw sa akin ni Abi.
"Abi, you're so loud. Lower your voice naman," suway ni Jeremiah sa kanyang kapatid. Pero hindi naman niya ito pinansin, binilatan niya lang ito at tumakbo na ulit sa akin.
"You're early ha," sabi ni Abigail sa akin.
"Yeah, I forgot kasi na mamaya pa pala yung class natin. Tinamad naman akong umuwi sa house kaya dito nalang ako tumambay. You know, to kill time," sagot ko naman sa kanya habang kumakain.
"Kuya, here nalang kayo oh. Dito nalang kayo umupo. We have a lot of space naman eh," tawag niya sa kapatid niya. s**t! Ano ba naman to. Nakakahiya nandito silang lahat. Dahil sa hiya ko, pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko at hindi na umimik.
"Go guys, order na kayo," pag-utos naman niya sa buong grupo. "Kuya, treat me please?"
"Yeah, yeah. Lagi naman Abi. Are you poor or what? Wala ka bang pera?" tukso ni Jeremiah sa kanyang kapatid.
"Shut up! Just go," pagtaboy ni Abi sa kanya. Minsan masarap din isipin na may kapatid ka na lalaki na kapag wala sa bahay yung parents mo may kasama ka. Napangiti na lang ako nang tignan yung magkakapatid.
"Heeeey, attorney," tawag sa akin ni McKay at tumabi beside me. Napansin ko naman na nakaupo sa harapan ko si Thunder at si Aidan. Sa tabi ko naman si McKenzie at Abigail.
"Hi Thunder," pagbati ko sa kanya.
"Ayyy grabe naman 'yan bro. Di ka naman pinansin si Kai agad yung nakita. Lugi ka talaga parati kay Kai," biro sa kanya ni Aidan. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"I'm sorry. Hello, McKay," pagpapaumanhin ko sa kanya. Tinignan ko naman si Thunder at nag-ngitian na lang kaming dalawa. Dumating na rin yung order nila at nag-sipagkainan na rin sila. Tinignan ko naman si Abigail, sarap na sarap sa kinakain niya dahil tapos na rin akong kumain, kaya nagbabasa na lang muna ako ng libro tungkol sa subject ko.
"Alam mo, wag ka nga masyadong nerd. Kasisimula pa lang ng school eh. Review ka nang review baka ma c*m laude ka niyan. Tsaka yan lang ba kinain mo?" biro sa akin ni Abi.
"Let her be, Abi. Mabuti nga siya eh. Kaya ikaw siguraduhin mo na wala kang bagsak this semester, lagot ka talaga kila mommy," sabi naman ni Jeremiah kay Abi.
I just smiled at them. Hindi pa talaga ako sanay sa ingay. Pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa ko nang tumunog yung phone ko. Nakita ko naman yung name ni Thunder sa screen ko, kaya tinignan ko siya tapos na siyang kumain at nakatutok lang sa phone niya.
Kai: Did you just only eat that? No wonder you're so thin.
Arrietty: Are you body shaming me?
Kai: What do you want to eat?
Arrietty: Nah, I'm on a diet. Remember?
Bigla naman siyang naging sweet or I'm just being delusional pero napansin ko na bigla siyang tumayo at umalis. What, nagalit ba siya? Narinig ko naman na tinawag siya ni Aidan.
"Hey bro. Can you just wait for us? We're still eating pa oh," sigaw naman niya kay Thunder. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Napansin ko rin naman na halos tapos na kumain ang lahat at si Abi naman ay busy ka-daldalan yung kuya niya. Hindi din ako masyadong nakakapag-concentrate dahil sa ingay nila.
"Oh, nandito na pala si Kai. Aba'y gutom na gutom ka naman diyan. May practice pa tayo sa gym ka na lang kumain," sabi naman ni Aidan kay Thunder na may dala-dalang tray na may pagkain.
Siguro gutom talaga siya, ikaw ba naman araw-araw mag-practice. Nabigla na lang din ako nang inilagay niya yung dala niyang tray sa harap ko.
"Let's go," sabi niya sa mga kasamahan niya at umalis. Kitang-kita ko sa mukha ng mga kasamahan niya ang gulat yung iba ngiting-ngiti naman.
"Woah."
"Kai is back as a lover boy," rinig na rinig ko yung usapan nila habang paalis na nginitian na lamang ako ni McKay at umalis na rin.
"OMG. Oh my gosh, girl. Is this the sign that the rumors circulating in the dark web is true?" may paghampas na sabi ni Abi sa akin.
"No," hindi naman talaga. Nabigla lang din ako ng binigyan nako nang food.
"Then why he gave you food?" Hindi ko din alam.
"You know what girl, he's just concerned, we're neighbors kaya," palusot ko na lang sa kanya.
"Oh. If you say so," sagot niya lang sa akin.
"Anyways, mag-review ka nalang, may quiz kaya tayo later"
"Oh my goshness, Arrietty, I forgot. We only have one hour to study," maktol niya sa akin.
"Lagot ka talaga sa parents mo," nakita ko naman sa mukha niya na nainis siya sa sinabi ko. Pinabayaan ko na lang siya para naman maka-review. Minsan talaga si Abi, parang bata. Bigla naman tumunog yung phone ko.
Kai: Eat the food. Finish it before you go to your class.
Arrietty: Why did you give me food? I'm done eating na kasi.
Kai: Tsk.
Arrietty: Why did you give me food ba? Don't tell me you have feelings na for me?
Kai: ?
Arrietty: Just kidding. Galit ka naman agad.
Kai: Just eat it.
Arrietty: Okay. Thank you na din.
Kai: [ seen ]
Tapos na rin akong kumain at inaya ko na si Abi pumasok sa class. As usual, normal class lang naman. We're waiting na lang ni Prof. Enriquez para sa quiz namin. Habang si Abi naman, review pa ng review.
"Ayan kasi, kung nag-review ka pa kagabi edi sana hindi ka nagkacracramps ngayon."
"Okay, mommy, okay. Just shut up na lang kaya di ako makapag-concentrate." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Okay class, listen up. Since my schedule for today got mixed up, so we're going to extend our exam later. Isasabay ko kayo sa buong basketball team. I'm sorry, guys, na mixed up ko talaga schedule ninyo tsaka sa higher level kaya isasabay ko na lang kayo para mabantayan ko kayong lahat. Dito lang din sa classroom mamayang 5:30 pm. Okay? " reminder lang ni Prof. Enriquez sa amin at lumabas na.
"Yes, I have time pa. I'll check my socials muna," masayang sabi ni Abi.
"Hoy hoy. What's that? Mag-review ka mamaya na 'yan," kinuha ko yung phone niya at nilagay sa bag niya.
"Okay po, mommy," she answered me with rolled eyes. Maldita talaga 'to. Tetext ko na lang muna si Manong Canor na matatagalan pa ako sa pag-uwi.