"ARRIETTY," isang malakas na tinig ang bumati sa akin nang bumaba ako sa sasakyan ni Thunder. Bigla akong kinabahan, alam ko kung kaninong boses iyon. Hindi ako nagkakamali. Pagtingin ko, it was my dad.
"Daddy," tawag ko sa kanya.
"What took you so long to get home?" galit na sabi ni Daddy sa akin.
"Thunder, I have to go. Thank you," tanging nasabi ko na lang sa kanya at agad na pumasok. Napansin ko rin na bago pumasok si Daddy, binigyan muna niya ng sulyap si Thunder.
"Mommy," bati ko kay Mommy na naka-upo sa may sofa.
"Arrietty, how are you? We were so worried about you. We kept on texting and calling you, why are you not responding?" pag-aalala ni Mommy sa akin.
"I'm sorry, Mommy. I didn't notice it kasi we're eating," paumanhin ko kay Mommy.
"Arrietty, in my office. Now!" galit na sabi ni Daddy sa akin kaya sumunod na lang ako sa kanya pati na rin si Mommy.
Tahimik lang kami habang pumunta sa office ni Daddy, habang hawak ni Mommy ang kamay ko. Naramdaman ko yung tension nang makarating kami sa office niya.
"Who is that guy?" tanong sa akin ni Daddy pagka-upo niya sa swivel chair.
"What guy?" naguguluhang sabi ni Mommy.
"Yung anak mo, habang nag-aalala tayo may kasama pa lang lalaki. Arrietty, ano ba ang sabi namin sayo? We gave you everything, nagtatrabaho kami para sayo. This is all for you. You get whatever you want pero without us knowing you already have a boyfriend?" galit na sabi ni Daddy sa akin.
"What boyfriend? Arrietty, is this true?" tanong ulit ni Mommy sa akin.
"Mommy, Daddy, hindi ko siya boyfriend," sabi ko sa kanila.
"Then tell me, Arrietty, sino siya? With that sweet gesture na nakita ko kanina? I doubt it. I told you, bawal boyfriend unless naka graduate ka na sa college," galit na sabi niya.
"Daddy, I know but..."
"No buts, Arrietty. Just listen to us," aalis na sana ako pero naisipan ko, ilabas lahat ng hinanakit ko sa kanila. It's now or never.
"After all these years, ginawa ko naman lahat ng sinabi niyo, Dad, ah. Bawal lumabas kapag weekends, bawal magpagabi. Lahat ng bawal ninyo, tinupad ko. Kahit miss na miss ko kayo araw-araw. Si Thunder, he makes me happy. Napupunan niya lahat ng kalungkutan ko tuwing namimiss ko kayo. I know my limit, Dad. Kahit naman this time, pagkatiwalaan niyo naman ako," iyak ko sa kanila. Nilabas ko na lahat ng hinanakit ko simula pa ng una.
"Anak, you are our baby. We're just protecting you in this cruel world. Stop crying na," pagpapatahan ni Mommy sa akin.
"But Mommy, kaya ko," sabi ko.
"That's enough, Arrietty. This conversation is done," putol ni Daddy sa akin.
"But Daddy, just give me a chance to prove to you na kaya ko ang sarili," sabi ko.
"I SAID ENOUGH!" sigaw ni Daddy. I can see sa mukha niya ang galit at inis.
"You know what, kung sino ang cruel dito? Kayo 'yun!" sigaw ko sa kanilang dalawa at umalis na ako sa office ni Dad, pero bago pa man ako makaalis.
"YOU'RE GROUNDED, AND BECAUSE OF THAT, ME AND MOMMY WILL GONNA STAY HERE FOR A FEW MONTHS JUST TO KEEP YOU ON MONITOR!" sigaw din ni Daddy. I stopped, tinignan ko si Mommy kung pipigilan niya ba si Daddy pero nadismaya ako kahit siya man lang wala ring sinabi.
"HINDI KO NA KAILANGAN YUNG KALINGA NIYONG DALAWA, TSAKA PA KAYO MAG-STAY NG MATAGAL!" sigaw ko pabalik kay Daddy.
"Arrietty, don't say that, we are your parents. Kailan ka pa natutong sumagot sa amin ng ganyan? Yeah, your daddy is right, whoever that boy is, he is the bad influence," dagdag naman ni Mommy sa sinabi ni Daddy.
"YOU'RE UNBELIEVABLE!" nasabi ko lang at tuluyan na akong lumabas.
I was crying really hard, kahit yung mga chat ni Thunder sa akin hindi ko na napansin. Ang dami na pala niyang chat sa akin, 33 missed calls. Gosh!
Kai: Hey, are you okay?
Hey
Arrietty.
Please. Dammit. Answer me.
Is that your father? Is he mad?
Please let me know.
I'm worried :'(.
Arrietty: Can we just talk tomorrow? Goodnight.
I locked myself sa room ko. Even Manang and si Mommy katok ng katok sa room ko. I just pretended na tulog na. I don't wanna talk to everyone, kahit ngayon lang.
Pumasok ako ng maaga ngayon para maiwasan ko silang lahat sa bahay. I just have one subject today kaya naisipan kong i-chat sila Anthonette and Jasmine para kitain sila mamaya pagkatapos ng class ko.
"Hey!" tawag ni Thunder sa akin. Nandito kami sa may canteen ngayon, dito na kami nag-breakfast. "Are you okay? Mugto yung mata mo." And yes, he's concerned.
Kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari kagabi. Kahit naman siya, hindi niya rin alam ang gagawin.
"Let's just respect your parents' decisions. Don't worry, babe. Magkikita naman tayo dito everyday, dba? Dito sa school hindi tayo makikita ng parents mo," paliwanag ni Thunder sa akin. Oo nga naman, habang hindi pa kami tanggap nila Daddy and Mommy, magkikita pa rin naman kami dito.
Our class ended, kaya dumiretso na ako sa mall dahil magkikita kami ng mga kaibigan ko.
"Arrietty here," tawag sa akin nila Jasmine and Anthonette.
"Well well, ano ang nangyari sayo at bakit bigla kang nakipag kita sa amin?" tanong ni Anthonette habang naka-taas pa yung kilay.
So, kinuwento ko din sa kanila ang lahat ng nangyari kagabi.
"Oh, that's so sad naman for you, Arrietty. So ano naman ang plano mo ngayon?" tanong ni Thonette.
"Wala pa sa ngayon, itatago na muna namin ni Thunder kung ano man ang meron kami ngayon. Bahala na kung ano ang mangyari sa future," sagot ko sa kanila.
"Be careful talaga, girl, na hindi ka mahuli na nakikipagkita ni Thunder. Alam mo naman yung parents mo, baka pa nga ipadala ka pa sa ibang bansa kapag malaman nila."
"Naku, ano ka ba Jassy, okay lang 'yan para sa pag-ibig hahamakin lahat. It's me against the world," natatawa naman na sabi ni Thonette. "Alam mo, wag na natin 'yan pag-usapan, we are here lang naman sa mall, edi lubos-lubusin na natin. Baka sa susunod hindi na natin 'yan makita ulit si Arrietty, baka ipadala na yan sa ibang bansa," dagdag pa niya. Kaya naisipan na lang namin gumala sa loob ng mall para mawala yung nasa isip ko.
Habang nandito pa ang parents ko sa Philippines, patago pa rin kaming nagkikita ni Thunder. Okay na rin sa akin 'yun kahit sa school na lang kami magkikita. Medyo iniwasan ko din ang parents ko kaya minsan maaga akong pumapasok sa school at sinasadya ko talaga magpagabi umuwi para hindi ako makasabay sa kanilang kumain. Pero dinadalhan na lang ako ni Manang ng pagkain sa loob ng kwarto ko.
Napagod ako sa ginawa namin tatlo kanina, we played sa Timezone. Nilibre ko sila kasi ako din naman nag-invite sa kanila kaya inubos ko lahat ng allowance ko for 3 days para maglaro. Since may class naman din sila, nag-absent lang dahil sa akin, naging masaya naman kami sa ginawa namin.
Maaga akong nagpahinga pero bago ako natulog, nagpasya akong mag-check sa aking social media. Napansin ko na bigla na lang dumami ang mga nagfo-follow sa akin. Ang dami rin ng notifications na natatanggap ko. Iniisip ko kung bakit bigla na lang ganun, kaya nag-post ako ng ilang larawan sa IG ko. Pinost ko ang dalawang larawan: una, kasama ko sila Anthonette at Jasmine, at ang pangalawa, solo na may napakalaking ngiti habang hawak ang ice cream. Wala pa ngang isang oras, marami nang nag-like at nag-comment. Check ko yung post ko para tingnan kung sino ang mga nag-comment.
"mckenzie_v: Sa wakas nag-post na din si Idol. Isang Hi naman diyan, idol."
Natawa na lang din ako sa comment ni Mckenzie. Minsan talaga parang baliw. Andami agad comment, pero hindi ko na binasa lahat. I was too tired to do that pa. I just decided to sleep na lang.