"Ingat kayo ha, hindi ko na kayo mahahatid dahil may urgent kasi na meeting ngayon. Pasensya na," pag-umanhin ni Mckay sa akin. Nasa parking lot kami ng mall ngayon habang nililipat ni Mckay yung car seat ni Aio sa sasakyan ko. Ako naman ay buhat-buhat si Aio habang tulog. Pagkatapos niyang ayusin, agad ko naman inilipat si Aio sa car seat niya. Sobrang napagod ata si Aio kakalaro kanina dahil pagkatapos niyang kumain ay nakatulog agad. "Salamat, McKay, for this day. Aio really did enjoy," sabi ko. Ngumiti lang si McKay at nagbeso na para umalis. Sumakay na rin ako sa sasakyan para makauwi na rin. It's almost 9 o'clock at night, kaya sobrang traffic na talaga. Tumingin ako kay Aio sa rearview mirror ng sasakyan. She was sleeping peacefully. Ngumiti ako habang tinitignan siya. Pero bigla

