"Aio, are you done?" tanong ko sa anak ko. Minsan kasi kapag nagbibihis siya, hindi na niya ako pinapatulong dahil daw big girl na siya. Chinicheck ko na lang pagkatapos niyang magbihis kung ayos na ba yung damit niya. Dahil hindi na ako masyadong busy at naayos ko na lahat ng problema sa business namin, kaya ako na palagi ang naghahatid kay Aio sa school. Sobrang nakakatawa nga dahil palaging excited si Aio pumasok, kaya hindi na rin ako nahihirapan na gisingin siya sa umaga dahil siya na mismo ang may kusang gumigising. Pagkatapos kong ihatid si Aio, dumiretso na ako sa isa sa mga convenience store namin. Dito na ako tumatambay tuwing hinihintay ko siya sa school. Madami rin naman kaming business dito sa Pilipinas, kaso isa ito sa mga tinututukan ko dahil ito ang pinakamalapit sa amin

