"Gusto mo tulungan kita para malaman mo?" ngiting sabi niya.
"Paano naman?" I arched a brow.
Huminto siya at nag-isip. Hinawakan niya pa yung chin niya para ipakita sa akin na nag-iisip siya.
"Alam mo McKay ang OA mo, baka ipahamak mo pa ako diyan eh," I rolled my eyes at him. "Pero ano ba yun?" natatawang sabi ko.
"Manood ka muna ng game namin," sabi niyo habang taas baba yung kilay.
"Alam mo ang daya mo, hindi naman ako nanunuod ng basketball eh," at isinubo ko yung last fries na natitira sa plato ko.
"Manoud ka na lang kasi, dami mo pang reklamo. Basta promise ko sa 'yo na pagkatapos ng game I'm gonna make a plan on how you will talk to Thunder. Deal?" tinaas niya 'yung isang kamay niya at inabot sa akin para sa deal. I just rolled my eyes at tinanggap 'yung kamay niya.
Hanatid na rin ako ni McKay papunta sa condo. It's almost 1:00 o'clock na rin ako naka-uwi. Di pa rin ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Umupo na muna ako sa veranda, parang ang ganda naman ata ng mga bituin ngayon. Naiyak na naman ako, naalala ko na naman si Thunder.
Nagmamadali akong maglakad dahil sa tagal kong nagising kanina. Sana wala pa si Prof. Enriquez. Bago ako pumasok sa classroom, huminto muna ako sa bandang pintuan para ayusin yung buhok ko. Sa bilis ko ba na man tumakbo, parang na-haggard ako bigla.
Pagkapasok ko, nakita ko si Abigail naka-upo malapit sa paboritong pwesto ko. She looked at me at inusog yung upuan niya para siguro makadaan ako. Buti na lang wala pa masyadong tao at may upuan pa sa unahan, kaya dito na lang din ako umupo. Noong nakaraang araw nga eh, todo iwas siya sa akin tapos ngayon may pa-usog-usog pa.
"Okay class, please prepare for the quiz. I'll be back. I'll just get all the test papers," mahilig talaga si Prof. Enriquez sa quizzes, parang sa isang buwan once lang siya nagtuturo at puro quizzes na. Wala naman akong masyadong natutunan sa klase niya.
Sobrang ingay na rin sa loob dahil puro reklamo lang din lahat ng klase ko. Yung iba nag-ra-rant lang din na hindi daw sila nag-review. Napangiti na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi naman din ako nag-aalala kapag may pa quiz si Prof. Enriquez everyday.
Nagre-review din naman kasi ako, kaya carry lang kapag may pa quiz palagi. It means that pag may quiz, meaning uwian na din.
Napaangat yung ulo ko ng mas lalong umingay yung mga kaklase ko. Pumasok lang naman sila Thunder kasama sina Jeremiah, Aidan at McKenzie. Unang pumasok si McKenzie at ngumiti siya sa akin. Huminto sila sa harapan ko.
"Tabi tayo, pa-kopya na din," umupo sa tabi ko si McKenzie at ngitian ako. Kita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatingin si Thunder sa amin. Kinabahan ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nadidistract talaga ako kapag nandiyan si Thunder.
"Huy ang daya mo naman, sa likod ka na umupo," tinapik ni Aidan yung balikat ni McKenzie para ipatayo siya.
"Dito na ako, para sure na," taas kamay na ipinakita ni McKay yung kamay niya kay Aidan na naka thumbs up. Aidan just smirked at sumunod na sila Thunder.
"Paano ka naman kokopya, hindi naman tayo parehas ng lessons. Ahead naman kaayo sa amin eh," taas kilay ko sa kanya.
"Tanga kasi," biro naman sa kanya ni Aidan.
I just smirked at them at iniwas yung tingin sa kanila. I just continued staring at my phone, ni hindi ko nga alam kung ano na pinapanood ko basta nagkukunwari na lang akong may titignan. Mas lalo kong namiss si Thunder ng makita kong nandito siya. He was so cold. Parang bumalik na lang din dati na hindi pa niya ako pinapansin, he acted like hindi kami magkakakilala na para bang walang nangyari sa amin. Kinuyom ko yung kamao ko para pilitin na huwag umiyak.
Thunder was my first love, he was my first. Napabalikwas na lang din ako ng pumasok na naman ulit si Prof. Enriquez.
"Okay class, get ready. Oh, McKenzie? Why are you sitting here in front? Go sit at the back," utos ni Prof. Enriquez, tumayo naman siya na para bang nadismaya. Tinignan niya ako and he uttered the word 'sayang' kaya I stick my tongue out para asarin pa siya lalo.
"Since there are 5 students here who really excel in the class, gusto ko doon kayo umupo sa likod kasama yung mga players. Anyways as usual kasabay niyo silang mag-take ng quiz kasi they need to pass this one para makasali sa championship game nila," paliwanag ni Prof. Enriquez sa amin.
"Please stand up if your name is called, Daniel, Shan, Alyssa, Maris, and of course Arrietty," tawag ni Prof. Enriquez sa pangalan namin. Bakit ba ako nasali dito? May nagawa ba kami?
Rinig ko na napa-'oh' lahat ng kaklase ko. Tumayo na lang ako at sinunod si Prof. Enriquez.
"I want the five of you to sit there," at tinuro niya ang limang upuan na nasa harapan nila Thunder.
Dahil kaunti lang kami sa klase, marami din bakante na upuan. Kaya kapag pinapasabay ni Prof. Enriquez yung iba niyang studyante sa quiz namin, pinapaupo niya ito sa hulihan. Agad naman kaming umupo sa likod. Sa harapan sana ako ni McKenzie uupo pero naunahan ako ni Daniel kaya nasa harapan ako ni Thunder. Paano naman ako sasagot nito? Yung presensiya pa lang ni Thunder dito sa loob na didistract na ako paano pa kaya nasa likod ko siya.
"I also have good news sa inyong lima. Next month Union College will be competing internationally and I'm going to choose 2 representatives kaya kayong lima galingan niyo ngayon. I'll give you different test questionnaire at kung sino yung highest sa inyong lima siya ang ipadadala naman. Okay now sit properly," inumpisahan na rin ni Prof. Enriquez i-distribute yung mga papers.
"Prof, paano ba namin to sasagutan? It's so hard. Parang hindi ko nga to na pag-aralan eh," reklamo naman ni Daniel.
Totoo naman talaga sobrang mahirap ito ngayon. Para sobrang advanced naman ng mga tanong, pero as a college student kaya-kaya naman sagutan yan.
"Stop it, Daniel. Is that how you will going to react if ikaw yung ipapadala namin?" taas kilay na tanong ni Prof. Enriquez, tumahimik ang lahat tila ba hinihintay kung ano ang isasagot ni Daniel.
"How's the questions, Arrietty?" baling ni Prof. Enriquez sa akin.
"It's okay," ikling sagot ko lang sa kanya at tinignan yung papel. I just hear McKay's laughed sa likod niya.
"See?" baling ni Prof. Enriquez kay Daniel. "Kaya sit down and answer it," dagdag niya pa.
"Pa-epal," rinig ko na sabi ni Daniel, hindi ko na rin yun pinansin. Malay ko ba kung si McKenzie yung sinabihan niya ng "pa-epal."
Mabuti nalang at may mga advanced lessons akong tinitake noon at nagamit ko yun dito. Who cares about the competition anyway? Wala naman akong pake dun as long wala akong bagsak okay na sa akin yun. Ang gusto ko lang naman eh mag-aral nang matiwasay at makita si Thunder araw-araw pero hindi ko na ata yun magagawa.
Tapos ko na rin sagutan lahat ng tanong. Tatayo na sana ako ng marinig ko si Aidan at Jeremiah na nagbubulongan. Hindi siguro nakapag-review ang dalawa, nanghihingi ata ng sagot. Kita ko na binatukan ni Jeremiah si Aidan at ipinasa yung isang maliit na papel kay Aidan. Kita ko naman si McKay na tawang-tawa sa kanilang dalawa. That's cheating na talaga pero hindi ko na rin sinumbong, quiz lang naman to hindi finals. The hell I care basta importante di talaga ako bagsak.
Kanina pa talaga ako natapos hindi ko lang agad napasa kasi natutuwa pa akong pakinggan yung patatalo nilang dalawa. Tumayo muna ako at inayos ang gamit para mapasa ko na rin yung papers ko, Daniel raised a brows sa akin. Problema nito? Galit na naman. As usual ako na naman yung kauna-unahang natapos sa quiz.