Chapter Fifty Five

1126 Words

LABIS ang aking pagkadismaya matapos kong mapanood ang cctv footage na nakuha ng mga pulis. Kaya naman nanghihina'ng napaupo ako sa isang bakanteng silya na naroon sa gilid. Ang hirap paniwalaan na isang bata lamang ang dahilan ng aksidenteng nangyari sa anak ko. At ang masaklap pa ay si Ashley pala ang gumawa no'n sa kanya. Si Ashley na half sister ni Jazper. Hindi ko rin lubos maisip kung ano nga ba ang motibo niya at nagawa niyang bitbitin sa kalsada ang musmos kong anak. "Okay ka lang ba Maze?" puno ng pag-aalala sa tinig ni Pauline. Umiling ako at kapagkuwa'y nagwika. "Hinding-hindi ko mapapatawad si Ashley, sa oras na mawala saakin si Jazper. Ipapakulong ko siya!" galit na galit kong sambit. "Pero friendship, hindi mo siya pwedeng ipakulong. Menor de edad siya eh." Ani Pauline.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD