NAGULAT ako nang pagdating ko sa parking lot ay naroon si Ethan nag-aabang sa'kin. ''Hey, why are you here?''kaagad na tanong ko sa kanya. ''Ouch, ang sakit naman ng pambungad na tanong.'' Reklamo nito. ''Kukumustahin ko lang naman sana 'yong kaibign ko eh.'' ''Okay lang naman ako Ethan. Nagulat lang ako sa biglaan mong pagsulpot.'' ''Tara, magkape muna tayo bago ka umuwi.''Nakangiting alok niya saakin. ''I-I'm sorry Ethan. Kailangan ko kasi ngayon na umuwi ng maaga eh.'' ''Ano ba 'yan? Malapit na 'ko sa'yong magtampo. Simula ng lumipat ka sa mansiyon ay hindi na kita nakakasama.'' Malungkot niyang pahayag. Ang kaninang ngiti niya sa labi ay unti-unti ng napalis. ''Ethan,napag-usapn na natin 'to di'ba? Promise, next time babawi ako sa'yo bilang kaibigan. Hindi lang talaga ako pwed

