HAPON na nang lumabas ako ng silid. Nakatulog pala ako kanina at nakalimutan ko na ang kumain ng tanghalian. Tinatamad akong bumaba ng kama at balak ko na sana'ng lumbas nang biglang bumukas ang pinto. Buong akala ko ay si Jazz ang dumating ngunit nalungkot ako ng si Melody pala 'yon. ''Ate, sabi po ni Aling Pina ay kumain ka na lang daw po kapag nagutom ka na. Nasa mesa na daw po 'yong pagkain, pati na rin 'yong gamot.'' ''Mmm...salamat Melody. Si Jazper naglalaro ba siya?'' ''Hindi po ate. Kinuha siya sa'kin kanina ni Kuya Jazz. Tapos nakita ko pong magkakasama silang umalis kanina.'' "Huh? Sinong kasama nila?'' ''Si Mr. President po saka si Ashley. Ang dinig ko po ay mamamasyal sila.'' ''Ah sige. Salamat Mel.'' ''Sige po ate. Babalik na po ako sa baba. Tinutulungan ko po kasi

