Chapter 35 Paul's point of view Nag iisip parin ako hanggang ngayon kung paano ko masasabi kay Eva na may pupuntahan kami sa araw ng birthday niya at iyon iyong araw na espesyal sakanya at doon ko siya mapapasaya ng todo. "Sir, saan po namin 'to ilalagay?"tanong saakin ng lalaking ni hire kong kagaya ko na pilipino din at lumapit naman ako sakanya at tinignan ko ang ilalagay niya na mga pictures namin ni Eva. "Siguro dito nalang sa mga lobo itali mo siya"sabi ko sakanya at tumango naman ito at ginawa na niya ang inutos ko at kinuha ko ang phone ko para tawagan si Eva at sinagot naman niya kaagad. "Hello? pauwi na pala ako may pupuntahan tayo"sabi ko kaagad sakanya dahil ngayon araw na 'yong birthday niya at hinintay ko ang isasagot niya at bigla kong narinig na parang kinilig siya. [

