Mary Kanina pa ako hindi mapalagay habang nakatitig si Madam Laura sa suot ko at sa dala kong hand bag na bigay ni Reymond. Galing ito sa Italy na pasalubong niya sa akin. Ngayon pa niya naibigay dahil ang raming nangyari sa mga nakaraang araw. Ano bang mayroon dito sa itim na hand bag? Dapat pala ay i-search ko ito sa google dahil baka mamahalin. Lumunok ako at nag-iwas ng mga mata. Nasa isang sikat na restaurant kami ngayon at hinihintay ang mga magulang ko para formal silang magkakakilala. Gusto rin ni Reymond na humingi ng tawad si Madam Laura sa mga magulang ko tungkol sa pagpunta niya sa Cainta para bayaran sila ng milyon. Muli akong sinulyapan ni madam Laura at tinaasan ng kilay. "When did you bought that bag?" Napalunok ako. Binuka ko ang labi upang sumagot pero naunahan

