Mary Para akong nilublob sa tubig at hindi na makahinga. Nilulubog niya ako sa kutson habang akupado ang labi ko. Hindi na ako hinahalikan ni Reymond kun'di kinakain niya ang buong bibig ko. Sinubukan ko siyang itulak sa dibdib ngunit hindi siya nagpapatinag. Malaking lalaki at parang hindi na ako nakikita sa kaniyang katawan. Nang palayain niya ang labi ko ay hinabol ko ang hininga. Binaling ko ang ulo dahil pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang mapagparusa niyang halik. Malupit siya sa akin. Malupit siya sa paraan ng paghalik niya. "Akala mo ay papayag ako sa mga gusto mo. Bago mabuo kung anoman ang mga plano mo sa pamilya ko ay uunahan muna kita. Hindi ka magtatagumpay pinapangako ko." Nagsalubong ang mga kilay ko. Wala akong alam sa mga akusa niya sa akin. Hindi ko alam itong mga p

