Mary Naririndi ako mula sa ingay sa labas kaya bumalikwas ako ng bangon. Kinusot ko ang mata at pinatay ang aircon. Hay naku naman! Kaaga aga ay maingay na sa labas ng garden namin. Tumayo ako at pumasok sa banyo, naghilamos ako at nagsipilyo. Sinipat ko ang magkabilang pisngi bago itinali ang mahaba kong buhok. Payat na talaga ako. Bumalik na rin ang katawan ko sa dati pero tumatanda na yata ako. Inayos ko ang kama bago lumabas, natampa ko ang noo nang makita ang kalat sa sala namin. "Liam!" Nangingitngit ang mga ngipin ko. Sinipa ko ang kumot kaya tumilapon iyon sa sofa. Binuksan ko ang sliding door at sumilip sa labas. Kanina lang ay galit ako pero nang makita kong naghahabulan sa damuhan sina Liam at ang aso namin ay hindi ko napigilan ang mapangiti. How adorable they are, w

