Mary Maraming beses akong napapalunok habang nakaupo sa gilid ng kama niya. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit dahil hindi niya ako hinayaan na pumasok sa kwarto ko. Agad niya akong hinila rito sa loob ng kwarto niya at pabalang niyang ni-lock ang pintuan. Nang lumabas siya mula sa walk in closet ay muli akong napalunok. May bitbit siyang puting pulo at hinagis iyon sa akin. Kung hindi ko pa nasalo ay baka tumama sa mukha ko. "Isuot mo pamalit. Itapon mo na ang mga gamit mo sa kwarto mo bukas. I'll call my secretary to brought you your personal things." Napaawang ang labi ko na nasusundan siya ng mga mata. Lahat ba ng gamit ko ay ipapatapon niya? Kahit mga mumurahin iyon ay may mga alaala ako kung paano ko pinaghirapan. "Simula ngayon ay hindi ka magsusuot ng mga lumang gamit mo

