Emerald Buong akala ko ay uuwi na kami kaagad ng mansyon pero bigla niya akong dinala sa isang kilalang floating restaurant. Maraming tao sa labas ng establishment pero nagmukhang may privacy pa rin kaming dalawa dahil nakaupo na kami ngayon sa loob ng isang nipa hut. Tahimik lang ako nang ngumuso siya sa harapan ko saka pinakatitigan ako ng masama. Kanina ko pa napapansin habang nasa biyahe kami na may gusto siyang sabihin sa akin. Hindi lang ito makahanap ng tyempo dahil wala akong imik na nakaupo sa tabi niya habang iniisip ang sinabi ni Sage. Hindi ko maiwasang huwag matuwa dahil willing na magbago ang kaibigan niya mula sa pagiging isang babaero para lamang sa isang tulad ko. Bahagya akong napasulyap sa gawi niya. Siya kaya? Possible din bang magbago ang halimaw na ito para sa aki

