Chapter 25

1553 Words
Kahit nasa bahay na ako nag practice parin ako mag lakad sa kwarto na naka high heels.tuwang tuwa ako kasi kaya ko na mag lakad.pagkatapos namin mag tanghalian may mga dumating na limang babae na may mga dalang malaking parang maleta.pinapasok ito ng kasambahay sa isang kwarto. “Ma’am Sharon, tawag po kayo ni madam Louise sa Spa room”sabi sakin ng kasambahay.sumunod naman ako sa kanya.pagpasok ko nag aayos sila ng kung ano anong gamit mula sa maleta at nakita ki si tita na naka upo sa may magandang upuan. “Madam andito na po si ma’am Sharon” “Halika iha upo ka diyan sa isang upuan”sabi niya. Sina shampoo na ang buhok ni tita ng isang babae na pumasok kanina. Lumapit naman sakin ang isa. “Ma’am isuot po ito para di mabasa ang damit nyo”abot sakin ni isang babae. Pagkatapos ay ganon din ang ginawa niya sa buhok ko. Hanggang hindi ko namalayan na tapos na nila akong ayusan.halos di ko nakilala sarili ko sa salamin. “Ang ganda ganda ni ma’am”puri sakin nong isang nag ayos ng buhok ko. “Salamat,” sagot ko. “Iha pwede ka na mag bihis.kasi mayamaya alis na tayo,” sabi ni tita tapos na rin siyang ayusan at mas lalo siyang gumanda. “Wow sobrang ganda niyo po tita” puri ko. “At ikaw din tiyak na mas lalong ma inlove anak ko sayo” sabi niya. “Ho?” Gulat kung sabi. “Ah hehehe wala iha sige na mag bihis na tayo naka tapos na ang mga boys mag bihis” sabi niya kaya tumayo ako.tinulungan naman ako ng dalawang babae nag ayos sakin.nakataas ang buhok ko na may pakulot sa gilid ng tainga at sa may bandang leeg ko.kaya kitang kita ang likod ko at leeg.pati ang kurba ng baywang ko.sinuot ko na rin ang sandals kaya mas lalo akong gumanda. “Perfect!!! Pang miss universe ang dating!!!” Puri nila kaya nahiya ako. “Ah ehheheh hindi naman po. Pero Salamat sa pag aayos sakin.”sabi ko sa kanila. “Ready ka na iha?lalabas na tayo” tanong ni tita. Naunang lumabas si tita sa pinto kasunod naman ako.nasa living room sila tita ,Jacob at John nag hihintay samin. “Ohhh my beautiful wife!” Bati agad ni tito kay tita.napasipol naman si John na nakatingin sakin.si Jacob naman nakatingin din sakin maraming emotion ang dumaan sa mga mata niya. “Weeeewww !!!!” Si John “Hi, pangit ba? Bakit ang tahimik mo?” Bati kung tanong kay Jacob. “Ummm, you are beautiful and beyond that babe. But I don’t think this is a good idea bring you to the party” sabi niya na mataman nakatingin sakin. “Ayaw mo ba? Sige hindi nalang ako sasama. Nakakahiya naman kasi” sabi ko sa kanya pero ang totoo nasaktan ako kasi parang sinasabi niya na hindi ako bagay doon dahil mahirap lang ako.bumuntong hininga siya saka niya ako hinalikan sa noo. “I don’t like sharing babe,” bulong pero di ko magets kung ano yong sinasabi niyang sharing. Iniisip ba niya na makikihati ako sa kayamanan nila?bigla nalang akong parang iiyak pero pinigilan ko dahil hinila na ako ni tita. “Iha tara na. Jacob anak alalayan mo si Sharon at hindi niya pa gamay ang high heels niya.” Sabi ni tita. Huminga ako ng malalim saka ko kinalma ang sarili ko para di ako maiyak.ngumiti ako kay tita para di niya mahalata. “Okay let’s go guy’s!!” Boses ni John kaya nag umpisa na kaming nag lakad palabas ng bahay. “Teka lang,Rosa paki kuha nga yong puting clutch bag sa ibabaw ng table at saka yong box na black.”utos ni tita “Opo madam” dali dali naman umakyat sa taas si ate rosa. “Ito na po madam” abot niya kay tita at inabot naman ni tita kay Jacob ang mahabang box na itim. “Anak buksan mo,” utos niya kay Jacob.binuksan naman niya ito at nakita ko isang pares ng hikaw at kwentas na diamond. “Isuot mo kay Sharon” utos niya .umiling ako na nakatingin kay Jacob. “Ah tita di ko po yan matatanggap” sabi ko sa kanya. “ No iha. Isuot mo yan tonight at huwag mo akong tanggihan” sabi niya halos maiyak ako sa sari-saring emotion.baka anong isipin nila sakin dahil nga kay tita kung ano ano binibigay niya sakin.hinawakan naman ni Jacob ang kwentas saka kinabit sa leeg ko. “Looks good on her” sabi naman ni tito.wala akong masabi dahil parang gustong tumakbo paalis.sa nanginginig na kamay hinawakan ko ang kwentas na nasa leeg ko saka tipid na ngumiti kay tita. “Salamat po tito , tita.” Sabi ko. “Akin na hikaw at ako na magkakabit” sabi ni tita kay Jacob, siya nga ang naglagay ng hikaw sa tainga ko saka kami lumapit sa malaking salamnmin sa may living room.halos hindi ko talaga kilala ang sarili ko dahil sa aking ayos at suot. “ ang ganda ganda mo iha.” Sabi ni tita na niyakap ako. “Salamat po tita” sabi ko saka niya ako inakay palapit kay Jacob. “Let’s go honey baka mahuli tayo ng dating” sabi naman ni tito.sumabay na si John sa kotse nila tita at kami naman ni Jacob sa kanyang Mercedes Benz.inalalyan niya ako pasakay ng kotse. Pagka upo niya bigla niya nalang akong hinalikan sa labi na kinagulat ko. “ babe i am in big trouble” bulong niya ng bitawan niya ang aking labi. “Ha? Bakit?” Confuse kung tanong. “Tsk!! Loading babe?” Sabi niya na binuhay ang kotse.Hinampas ko siya sa balikat. “Ano nga yon? By the way ang gwapo mo sa suot mo ngayon. Mukha kang prinsipe”sabi ko pero bigla naman siyang nag preno kaya muntik na akong masubsob sa dashboard ng kotse. “F***k im sorry babe,!!! Damn it!!” Sabi niya . “Sabihin mo lang kung ayaw mo akong isama sa party na yan dahil hindi ko naman alam kung akit ako nandito!” Mangiyak iyak kung sabi. “Ssshhhh hush babe don’t cry, yong make up mo!” Sabi niya na kinuha ang panyo niya sa pocket. “Baba nalang ako. Total malapit pa naman to sa bahay” sabi ko sa kanya na akma ko ng bubuksan ng pigilan niya ako sa braso. “You’re not going anywhere without me.” Sabi niya at niyakap ako.kinabit niya na ang seatbelt sakin at tiningnan niya ako maigi.parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya tinuloy. Sumandal nalang ako sa upuan saka binaling ang mga mata sa labas ng kotse kahit medyo madilim na pero dahil maraming ilaw sa daan kaya kita ko pa rin ang mga taong nag lalakad at mga sasakyan .mga nag titinda sa sidewalk.siya naman tahimik lang nag drive. Nakarating kami na walang kibuan.binigay niya ang susi sa isang lalaki at pumasok na kami sa isang malaki at mataas na building.naglakad kami papasok ng may isang boses babae ang tumawag kay Jacob. “Jacob ?!!! Omg you’re here!!” Sabi ng babae na sexy ang suot at mukhang mayaman dahil sa kutis.matangkad na mas lalo pa siyang tumangkad dahil sa suot niya. “Maurene.” Sambit ni Jacob sa pangalan ng babae.bumeso ito kay Jacob saka niyakap ang mag kamay sa leeg . “I miss you so much” sabi ng babae at hindi ko maintindihan ang sarili ko bigla nalang sumakit ang dibdib ko .parang mahapdi tinanggal naman ni Jacob ang mga kamay nong Maurene saka ako hinapit ni Jacob palapit sa kanya. “Don’t do that in front of my girlfriend” sabi niya sa babae.ano na naman pakulo to gurang?parang gusto ko siyang hambalusin. “Ohhh , girlfriend? As in romantic girlfriend” parang di makapaniwalang tanong nong Maurene kay Jacob. “Yes, this is Sharon my girlfriend, babe this is Maurene.”pakilala niya sakin. “Hi nice to met you Maurene” sabi ko saka ngumiti sa kanya ng matamis.pero seryuso lang siya naka tingin sakin. “So ,mauna na kami sa loob, excuse us” sabi ni gurang saka niya ako hinawakan sa baywang.pagpasok namin sa loob ang daming tao na puro naka formal clothes. Classic music at maganda ang pagkakaayos ng lugar.meron na nag sasayaw sa gitna siguro mag asawa o magka relasyon. “Kuya doon ang table natin. Ang bagal niyo naman kaya tuloy ako nautusan ni mommy na salubungin kayo” reklamo ni John.gusto ko sana sabihin na hinarang kami nong Maurene pero hinila na ako ni gurang palapit sa mesa.pinakilala naman ako ni tita sa mga amega niya.busy naman si tito nakikipag usap sa isang may edad na ring lalaki.nag serve naman ang waiter ng pagkain sabi utos ni Jacob yon na ibigay sakin. Kaya kumain na ako dahil nagugutom na rin ako kasi puro nalang juice ang iniinom ko.Anniversary pala ito ng kompanya ng kaibigan ni tito at tita pero isa din daw sila sa mga investors kaya sila imbitado.nilibot ko ang mga mata ko para hanapin si gurang kung nasaan na siya para sabay na kaming kumain.pero di ko siya makita .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD