Masayang nag uusap ang mommy ni Eloisa at si tita.tungkol sa pagkain ang topic nila hanggang sa napunta sa amin at sa mga anak pa nila.di ko tuloy mapigilan matawa ng sinabi ni tita na ang susunod na ikakasal ay si John at baka daw may single pa na anak si tita luciana para mairito kay john kaya ganon nalang ang simangot ni john sa mommy niya. “Babe ok ka lang ba?” Tanong ni jacob na hinapit ako sa baywang kaya napasandal ang ulo ko sa balikat niya. “Oo naman ,bakit ? Antok ka na ba?” Balik tanong ko sa kanya dahil hating gabi na pala. “Medyo.mauna na kaya tayong umuwi mukha kasing ayaw pa umuwi nila mommy” sabi niya kaya natawa ako. “Sabay nalang tayo sa kanila nakakahiya naman kung mauna tayo” sabi ko. “Ok , basta let me know if ina antok ka na” sabi niya na nakahalik sa sintido ko

